CHAPTER XIX-CHAPTER XX
Tatlo na lang kaming natira sa gym. Ako, si Ahia at si Ruke na kapupunta palang sa locker room. Kinuha ko ang mga dala-dala ko na ilalagay sa locker. Masyado kasing mabigat kapag dala-dala ko pa. Isa pa, mabuting itago ko na baka maiwala ko pa.
“What’s that, sis?” Nagtataka na yata si Ahia sa dami ba naman ng dala-dala ko.
“Files and my things, Ahia. Ilalagay ko sana sa locker ko. Where is it, by the way?” Naalala kong itanong kasi hindi naman sinabi sakin ni George kung alin doon sa locker room ang locker ko.
“Ohh… Okay, tulungan na kita.” Kinuha na nga niya sakin ang mga dala ko.
“Thanks, Ahia.” Nang pumasok kami sa locker room, napatingin sa amin si Ruke na halatang kagigising palang. Bilib talaga ako sa lalaking ‘to. Ang bilis-bilis matulog. Lagi nalang siyang puyat.
“I forgot, the lockers are full.” Biglang sabi ni Ahia. What?! Puno na?! Pano nangyari yun eh konti lang naman ang players ng Thimbleweed?
“But Ahia, can’t I at least leave these things here?” Reklamo ko agad. Ang bigat-bigat kaya.
“Sure pero puno na locker ko. Let’s see.” Mukhang nag-iisip si Ahia. Tiningnan niya isa-isa ang mga locker. Huminto siya sa pinakamalaki. Para sa dalawang tao ata ang locker na yun eh. Tapos tumingin siya kay Ruke.
Umismid agad si Ruke na hindi na natulog ulit. Ano naman kaya ang problema nito? “Even if I say no, may magagawa pa ba ako?” Inis na sabi nito kay Ahia.
“Well then, problem solved! Harrow, you can share locker with Ruke for the mean time.” Napapangiting sabi sakin ni Ahia at binigyan ako ng susi.
“What? With him?” Bakit sa kay Ruke pa? “Sayo nalang ako makikishare, Ahia.”
“Puno na nga locker ko.” Biglang may na-ring na CP. Kay Ahia pala. Lumayo siya ng konti samin tapos nakipag-usap sa kung sino mang tumawag na yun.
Tumayo si Ruke at lumapit sakin. Inagaw niya ang susi na sa hula ko ay duplicate ng locker niya. Bakit ba ang locker niya ang pinakamalaki?
“Kung ayaw mo, eh di wag. Ikaw na nga ang nakiki-share diyan, ang dami mo pang arte.” Bumalik ulit siya sa pwesto niya kanina. Hindi kaya ako maarte! Halata naman kasing ayaw niyang maki-share sakin, ba’t ko pagpipilitan sarili ko, di ba?
“Akin na nga yan!” Sabi ko at pinipilit na agawin sa kanya ang susi.
“Ayaw mo naman di ba?” Nakasimagot na sabi niya.
“Give it to her, Ruke.” Sabi ni Ahia na nakabalik na tapos na palang makipag-usap. Binato naman sakin ni Ruke ang susi.
“You are so rude.” Inis na sabi ko at kinuha ang susi na nahulog.
“Why… Thank you.” Sarcastic pa ang loko.
“Tama na yan. Baka magkapikunan pa kayo. Lagi nalang kayong may LQ. We have a meeting. I have to go now.” Umalis na agad siya pagkatapos sabihin yun. Hindi man lamang kami pinagbigyan ng pagkakataon para magreact sa sinabi niya.
Di ko na pinansin si Ruke. Balak na naman ata niyang matulog, eh. Binuksan ko ang locker niya… I mean, namin pala since share na kami. Pagbukas ko… Okay. I know na ang mga lalaki makalat sa gamit pero si Ruke, my goodness, nasobrahan sa pagiging makalat!
“Huwag mo nang ituloy kung ano man ang masamang sasabihin mo diyan kung ayaw mong masaktan.” Uyyy… Ano ba ‘to? Hold-up? Di pa pala natutulog ang kumag. Nakatingin lang siya sakin na naparalyze na sa kinatatayu-an ko.
“Bilisan mo na nga diyan! Magsasara na ang gym.” Naaalibadbaran na sabi ulit ni Ruke.
“I changed my mind. I-uuwi ko nalang ang mga ‘to.” Ayoko talagang maki-share. “May anaconda na yata locker mo, eh.” Isasara ko na sana ang locker nang pigilan niya ako.
“Wala. Andun sa bahay ko. Iniwan ko dun.”
“Seryoso ka ba?” May alaga ba talagang anaconda ang lalaking to?
“Do I look like I’m joking here?” High blood talaga. Yayks! Mukhang totoo ang sinasabi niya ah. Napaka-seryoso kasi ng mukha.
“That was so funny, Ruke.” Tumawa ako ng peke.
“Well, if that thought comforts you, sure.” Aba! Seryoso talaga siya! May phobia pa naman ako sa ahas. Noong bata pa kasi ako, malapit na akong makagat dahil sa katangahan ko. “Tabi na nga diyan.”
Tinulak niya ako at siya na ang naglagay ng mga gamit ko sa loob. Kinuha niya sakin ang mga gamit ko at siya na ang naglagay sa locker niya. Kaya naman pala ang kalat-kalat ng locker niya kasi naman po, lagay dito, lagay doon ang pinaggagagawa. Ni hindi man nga lang niya tinitingnan kung ano na ang itsura ng locker niya kaya ang kinalabasan, TRIPLE MESS! Sinara agad niya ng matapos siya.
“Ano ka ba naman, Ruke? Ang gulo na nga ng locker mo, lalo mo pang ginulo dahil sa ginawa mo.” Pagalit na sabi ko sa kanya.
“Fine then.” Binuksan ulit niya ang locker, pinasok ang isang kamay at hinulog isa-isa ang mga gamit ko! Napakapangit talaga ng ugali!
“Rukkkeee! What the hell are you doing?!”
“Playing…” He smirked. Habang ako, natataranta sa kapupulot ng mga gamit ko, tawa lang siya ng tawa at patuloy pa rin sa pagsira ng mga gamit ko!
“Ruke! Stop it!” Naman! Baka matanggal pa ko sa pagiging basketball manager dahil lang sa mga kalokohan ng hinayupak na lalaking nasa harap ko. Sa wakas! Tumigil din siya maya-maya. Tumayo ako tapos tiningnan ang locker. Kaya naman pala! Wala na akong gamit na natitira doon kahit isa! Naihulog na niya lahat!
“What’s your problem again this time?”
“Nothing. Maybe you do.” Nag-lean siya sa mga locker, nag-cross arms then pumikit.
“As a matter of fact, I do have one. You wanna what it is? It is you childishness, Ruke! Bakit ka ba nagkakaganyan in the first place?”
“What do you care?” Grrr… Sino ba ang nagpauso niyang, kapag nagtatanong ka, ang sagot sayo ay tanong din? Lintek!
Napabuntung-hininga ako. Kung parehas kaming galit, hindi matatapos ito. “Look, kanina naman masaya ka ah. Ano bang nangyari at bigla ka nalang nagkaganyan?” Bakit ba concern ako masyado?
“Yeah right.” Sumimangot siya at tiningnan ako ng masama. “Masaya ka din naman kanina di ba? With Dylan?” Nginitian niya ako ng nakakaloko.
“What’s that suppose to mean?” Honestly, I’m lost with what he’s trying to say.
Sumimangot pa siya lalo. “You know, your face was blushing and you were acting like head over heels in love with him and your eyes were twinkling and sparkling, damn! You know what, you were drooling off with Dylan, oblivion in front of us all!” Tinadyakan pa niya ang isa sa mga locker. Diyos ko! Nayupi! Peke ba talaga ang locker sa school o malakas lang si Ruke?
“Oi, wag mo naman idamay ang locker.” Tiningnan niya ako ng masama. “Alright, alright. Your point is?”
“That sucks.” Susuntukin naman niya ang isa sa mga locker pero inilayo ko agad siya. Mahirap na. Di ko na nga alam kung ano ang reason ko sa nangyari sa isang locker, dadagdagan niya pa.
“Enough.” Naks. “I can’t believe it! You’re jealous.” Huwat?! Sinabi ko ba yun?! Natahimik bigla si Ruke ng ilang Segundo. Aba! Tama ata ako!
“I’m not!” Sabi ko nga yun ang sasabihin niya.
“Oh really? Your actions telling me otherwise.” Pang-aasar ko. Namula ang mukha niya. Si Ruke Kruger?! Nagba-blush?! Ang cute! Parang bata.
“Hindi nga eh!” Pikon talaga. Heto, magwawala na naman. Hinawakan ko agad siya at inupo ulit. Namumula na ang buong mukha niya pati mga tenga niya. Dahil ata sa inis at … err… nahihiya? Hahaha!
“Eh bakit ka nagwawala diyan?” Napapangiti kong sabi sa kanya.
“Ang arte mo kasi!” Iniba niya ang tingin niya.
Natawa na talaga ako kaya naman napatingin ulit siya sakin. “What?!” Naiinis na tanong niya sakin.
“Ang cute mo pala kapag nagblu-blush ka.” Mas lalo pa siyang namula kaya mas lalo akong tumawa.
Bigla siya tumayo at pumunta sa may pintuan. “Hey! Where are you going?” Tahimik lang siya at hindi ako pinansin. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Pikon masyado.
“Tulungan mo kaya ako sa paglilinis dito.” Deadma pa rin. Ang bilis naman niyang maglakad!
“Hoy!” Tinapik ko siya sa balikat. Nag-stop siya sa paglalakad ng nandoon na kami sa labas ng gym. May humintong kotse sa harap namin, agad naman siyang sumakay. Iniwan ako ng tuluyan…
[u][b]LINKS:[/b][/u]
http://anjedaw.wordpress.com/category/my-stories/