Pages: 123456..6

  2008-05-19 00:58:37

angel_in_tears08
» FTalker
FTalk Level: zero
120
0
1969-12-31

They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama

jhayyuliajay: yeah :D this is the cont. Hi casey… bati sakin ng isang pamilyar na boses na kay tagal kong hinintay. Paglingon ko tama nga ang hinala ko si Joshua Olivares ang nakatayo ngayon sa harap at nakangiti sakin. Nakahawak sa braso niya ang isang magandang babae na obvious na obvious naman na girlfriend niya. Nang makita ko sila para akong nagyelo mula sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. At may kirot akong naramdaman sa puso ko. Sino ba namang matutuwa kung makikita mo na ang lalakeng nangako sayo na babalikan ka daw niya at pakakasalan balang araw ay may iba na. Na ang lalakeng hinintay ko ng 10 taon eh heto masaya na pala sa piling ng iba. Samantalang ako ang tagal na nag-hintay sa kanya. At kahit na isang manliligaw ko e binalewala ko para lang sa kanya. Sabagay sino ba naman kasing may sabi sakin na hintayin ko siya sa loob ng 10 taon. Wala nga naman. Sa mga oras na ito gustong gusto ko ng pumasok sa loob ng unit ko at doon ilabas lahat ng sama ng loob ko pero mas pinili ko nalang na harapin muna sila sandali. Ayokong magmukang kaawa awa sa harapan niya. Ni patak ng luha na lalabas mula sa mga mata ko ayokong makita niya. Sapat na sakin na hindi niya pala kayang tuparin ang pangako niya. Sapat na sakin na nagmuka akong tanga, kakaantay sa kanya. Tama nga si anne sana noon pa sinunod ko nalang siya. Hi.. ang sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.[ang plastik mo talaga casey,sa isip isip ko] So can we go out for dinner? Tayong tatlo ni shane. Ang tagal nating hindi nagkita and I miss you. Sabi niya sa akin na nakangiti.. Gusto ko sanang matuwa sa narinig ko na namiss niya ako pero hindi ko magawa… Oo nga ang tagal nating hindi nagkita and it seems that nakalimutan mo na ang pa----sasabihin ko sana sa kanya. Pero parang wala siyang narinig, at sabay putol niya pa sa sasabihin ko kaya naman hinayaan ko nalang. Oops sorry hindi ko pa pala napapakilala sayo si shane. Ahm shane this is casey my childhood friend, and casey this is shane may girlfriend. Pagpapakilala niya. Iaabot ko sana ang kamay ko kay shane para makipagshake hands pero mukang ayaw niyang bitiwan sa braso si josh kaya naman binawi ko nalang. [Lenshak na babae ito ah, pinapainit lalo ulo ko grrrrr….] Ngumiti nalang ako sa kanya ng plastic. Hindi ko na talaga sila kayang tagalan kaya naman nagpaalam na ako sa kanila. Hey josh if you don’t mind. I’ll go ahead na, kayong dalawa nalang mag-dinner tutal muka namang kayo lang din mag-eenjoy dun eh then I smiled bitterly and walked away. Wats the problem of that girl? Tanung sakin ni shane na halatang inis na inis. Ako na humihingi ng pasensiya shane, ganun lang talaga si casey eh. Ahm siguro bad mood lang un kaya ganun pero mabait naman iyon eh. Ang paliwanag ko sa gf ko. Hindi ko alam na nakikipagkaibigan ka sa ganoong klaseng tao. Alam ko namang hindi niya ako gusto eh, at hindi ko rin siya type na maging kaibigan kahit pa kaming dalawa nalang ang natitira sa mundong ito, dagdag pang sabi ni shane. Pwede ba tumigil kana naririndi na ko sayo eh,shut up ok. Pagalit kong sabi sa kanya kaya naman tumahimik na rin siya. What’s wrong with you casey anu bang nangyayari sayo? Un ang tumatakbong tanong sa isip ko, hindi ka naman dating ganyan sa isip isip ko. While I was walking naririnig ko pa ang girlfriend ni josh telling something na hindi maganda about sakin but then I didn’t even bother na malaman pa un. The hell I care. Magsama silang dalawa, sa isip isip ko [im really being bad]. Patakbo akong umalis sa lugar na iyon, sa lugar kung saan malayo sa kanila. Sa lugar na pwede akong sumigaw para ilabas lahat ng sama ng loob ko. Sa lugar na walang Joshua at shane na nag-eexist. Sa lugar na pwede akong umiyak hanggang gusto ko. Sa lugar na makakalimutan kong mga pangako niya.

Pages: 123456..6

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 21:07

[ 12 queries - 0.019 second ]
Privacy Policy