Pages: 123456..6

  2008-05-19 06:41:56

angel_in_tears08
» FTalker
FTalk Level: zero
120
0
1969-12-31

They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama

cont. Habang patakbo akong umiiyak hindi ko namalayan na may isang lalake nap ala akong nabangga. Bog… Awts muntik kanang maout of balance miss, buti nalang naalalayan pa kita, sabi ng isang lalake sa akin. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko siya makita. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Tama bang nakikita ko sa mga mata niya? Awa…Naaawa siya sa akin, ganun naba ako kaawa awa sa isip isip ko at mabilis akong lumayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na si batman. Buti nalang at dala ko ang susi ng kotse ko. Mabilis ko iyong binuksan at pumasok agad ako at pinaandar ko ang sasakyan ko. Nagulat ako ng bigla nalang tumakbo ang babae kanina, alam ko may problema siya dahil nakita kong hilam ng luha ang mga mata niya. Kaya naman nagmadali akong sundan siya kahit na kadarating ko lang at eto na naman ako papasok sa kotse ko. Mabilis ko itong pinaharurot para masundan ang babaeng nabangga ko kanina. Ewan ko ba pero nag-aalala ako sa pwede niyang gawin, hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at heto ako’t sinusundan siya. Basta ang alam ko lang responsibilidad ko siya. Baka kasi kung anong mangyari sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng iparada niya ang kotse niya malapit sa isang resort, dahil kahit pano naging maayos naman ang pagdadrive niya. Dire diretso siyang pumasok kaya naman agad ko siyang sinundan at mabilis akong bumaba sa sasakyan ko. Nakatingin lang ako sa kanya mga 5 dipang layo mula sa kinatatayuan niya. Umiiyak siya habang sumisigaw. “I hate you Joshua…. Galit ako sayo. Sana hindi ka nalang bumalik. Sinungaling ka. Sinungaling…. Wala kang isang salita…. Iyon ang sinasabi niya.. pagkatapos ng ilang minuto umupo siya sa buhangin at yumuko dun at sinandal niya ang mukha niya sa tuhod niya..at muli na naman siyang umiyak. Hindi na ako nakatiis dahil ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak. kaya naman naglakas loob akong lapitan siya. Pwede bang tumabi? Ang sabi kong nakangiti sa kanya, maya maya lumingon siya at hindi nagsalita nakatingin lang siya sakin.. ung tingin na parang bang sinasabi niyang anung ginagawa mo rito?- Kaya naman sinagot ko na rin ang tanong na alam kong tumatakbo sa isip niya pero bago iyon inabot ko muna sa kanya ang panyo ko. Heto panyo punasan mo na yang luha mo. Ikaw din baka maging muta pa yan sayang naman dahil mababalutan ng muta yang maganda mong mukha pabiro kong sabi sa kanya, napangiti siya ng bahagya pero sumeryoso na naman ulit ung ekspresyon ng mukha niya. Oo nga pala kaya nga pala ako nandito dahil nag-aalala ako sayo. Ang weird noh kasi sino ba naman ako para mag-alala samantalang hindi naman tayo magkakilala. Nakatingin ako sa dagat habang sinasabi ko iyon sa kanya. Maraming salamat ang tanging sinabi niya at ngumiti siya sa akin. Mas maganda ka pala kapag nakangiti eh. Ang sabi ko sa kanya. “Wag ka ng umiyak, kung sino man ang taong dahilan ng pag-iyak mo alam ko pag-sisisihan niya iyon balang araw.” Ngumiti lang siya ng pilit habang sinasabing “sana nga”. Pero alam ko hindi mangyayari un dahil masaya na siya. Samantalang ako heto’t parang tangang umiiyak ng dahil sa kanya. Nang dahil sa walang kwentang pangako niya. I’m stupid para umasa. I’m really stupid, sabay tayo niya at nagsimula ng maglakad papunta sa sasakyan niya. Sabay na tayo habol ko sa kanya. Sure sabi niya. Mauna ka nalang, susundan nalang kita sabi ko sa kanya. Ok, sabi mo eh. At dire diretso na siyang pumasok sa kotse niya at pinaandar ito. Habang nagmamaneho ako hindi ko makalimutan ang sinabi niya kani kanina lang, “dahil sa isang pangako kaya siya nagkakaganun”.. kaawa awang babae sa isip isip ko. Come to think of it sino ba naman ako para maawa sa kanya samantalang isa rin naman ako sa mga itinuturing na nag-papaiyak sa mga babae, isang playboy na kinaiinisan ng mga babae. Kahit pano I feel much better now, at least nabawasan lahat ng hinanakit na nararamdaman ko sa puso ko. Nakakatuwang isipin na may isang taong hindi ko naman kilala ang mag-aalala pa sa akin. Sabay tingin ko sa panyong hawak hawak ko sa kamay ko.

Pages: 123456..6

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 05:59

[ 12 queries - 0.016 second ]
Privacy Policy