Pages: 123456..6

  2008-05-19 07:11:28

angel_in_tears08
» FTalker
FTalk Level: zero
120
0
1969-12-31

They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama

jhayyuliajay: hmmm ganun na nga...:eh: tnx for reading.... Nakarating na kami sa condo na tinutuluyan namin parehas pagkatapos na ipark ang kanya kanyang kotse bumaba na kami sa sasakyan namin. Una na ako sabi ko sa lalakeng kaharap ko ngayon. Sige sa susunod titingnan mong dinadaanan mo, pahabol niyang sabi sa akin. Nagwave lang ako sa kanya at ngumiti. James Suarez nga pala pahabol pa niya.. Casey…. Casey Navarro sigaw ko naman dahil medyo malayo na ako sa kanya ewan ko lang if narinig niya pa ung sinabi ko. Naglakad na ako papunta sa unit ko ng may isang taong naghihintay pala sa akin. Nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo sa tabi ng pinto ng unit ko. Tiningnan ko lang siya na para bang sinasabi kong –anong ginagawa mo rito?- Kanina pa kita hinihintay ah..sabi ko sa kanya na medyo inis na San kaba nanggaling? At bakit ganun ka nalang kung makaasta kanina? Sa harap pa ni shane, seryosong tanung ko sa kanya. Napahinto ako sa pagtatanung ng mapansin kong parang nanggaling sa pag-iyak ang mga mata niya. Ni hindi niya man lang ako sinagot at sa halip binuksan niya ang unit niya at dire diretsong pumasok sa loob. Parang hindi niya man lang ako nakita. Binalewala niya lang ako kaya naman pumasok ako sa loob ng unit niya. Ano bang problema mo casey? Sumisigaw na ako para naman pansinin niya na ang mga tinatanong ko sa kanya. Problema? Ngumiti siya ng pilit… Gusto mong malaman ang problema ko huh? Pasigaw na sagot niya sa akin Gusto mong malaman? All this time ikaw lang naman ang problema ko eh… Alam mo un? Sana hindi ka nalang bumalik… At sana… pinutol niya ang sasabihin niya sabay sabi sakin na “umalis kana”.. I’m tired. Papasok na sana siya ng kwarto niya ng bigla ko siyang hawakan sa braso niya para pigilan. Bitiwan mo ako. Wala kang karapatan na hawakan ako ang galit nag alit na sabi niya sa akin. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko at hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at mas lalong naguguluhan ako kung bakit ganun ang kinikilos niya. Ewan ko ba pero nasasaktan ako sa mga nangyayari. Hindi naman siya dating ganun, pero bakit? At iyon ang mas lalong nagpapagulo sa isip ko. “Ano bang ginawa kong masama sayo ang mahinang tanong ko sa kanya na nakayuko at hindi parin umaalis sa kinatatayuan ko.” Wala ka namang pakialam sakin eh, hayaan mo na ako. Umalis kana… pakisara narin ang pinto pagkasabi niya noon dirediretso siyang pumasok sa kwarto niya. Ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na ingay sa pagsara niya ng pinto. [kawawa naman ung pinto :lol: ] Mabilis akong pumasok ng kwarto at niyakap ko agad ang unan ko na laging karamay ko sa tuwing masama ang loob ko. Pasensiya kana huh. Ikaw lang naman kasi ang tanging makakaramay ko sa tuwing umiiyak ako. Sana kasi noon pa naniwala na ako kay anne. Ngayon tuloy sobrang sakit ng nararamdaman ko. Alam mo ba gustong gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko. Pero para saan pa nga ba? Para ano? Para magmukha akong tanga sa harap niya. Hindi na bale. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang iisipin niya. Bakit ba kasi ako naniwala sa isang pangako ng isang batang lalake noon? Bakit? Napak*anga ko talaga. Nag-intay lang pala ako sa wala. Sana hindi nalang ako umasa… sana… At sana hindi nalang siya bumalik para ipamuka sakin na masaya na siya sa piling ng mahal niyang si shane…

Pages: 123456..6

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 06:09

[ 12 queries - 0.014 second ]
Privacy Policy