Pages: 123456..6

  2008-05-21 04:45:15

angel_in_tears08
» FTalker
FTalk Level: zero
120
0
1969-12-31

They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama

[quote=jhayyuliajay]may amnesia...?hmmm...naku...mali na naman hula ko...haha...thanks for replying to my comments!!!mekes me feel good...haha![/quote] hmmmm okie lang po un... salamat sa pagbabasa... d q na nga sana icocontinue eh... pero since may nagbabasa naman pala tuloy q nalang...:D ------------------------------------------------------------------------------------------------------ Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak kaya naman bumangon na ako, 10am nap ala pagtingin ko sa alarm clock ko. Agad agad akong pumunta sa banyo para mag-ayos ng sarili. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang pangit mo na tuloy yan ang nagagawa ng pag-iyak mo…. Sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin.[as if naman kakausapin ka nian…?:lol:] Sa itsura mong iyan hindi ka mahihirapang makahanap ng lalakeng tunay na magmamahal sayo. So don’t waste your tears to someone who’s not worth it. Then nag-ayos akong mabuti at nagpaganda. Sa labas nalang ako kakain, wala naman kasi ako sa mood magluto baka masayang lang, sa isip isip ko. Maya maya palabas na ako ng unit ko ng makita ko ang lalakeng nakabangga ko kagabi halos magkalapit lang pala kami ng unit. Papalabas na din siya ng mapansin niya ako. Hi… u look good now compare kagabi….nakangiting bati niya sa akin. I just smiled at him… Hmmm mas maganda kang tingnan kapag nakangiti ka.dagdag niya pa. That’s too much complement sabi ko sa kanya. So were are you going tanung niya sakin? Ahm diyan lang sa labas tinatamad kasi ako magluto kaya naman I decided na sa labas nalang ako kakain. So can I join you? He asks. Sure y not… So sakin nalang kotse ang gamitin natin sabi ni james. Ok. Ang tanging nasabi ko at naglakad na kami papuntang parking area. Nakita ko si casey na may kasamang lalake at parang nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Ewan ko ba pero parang nag-aalala akong kasama niya ang lalakeng iyon dahil na rin sa narinig ko habang nag-uusap ung dalawang babae. “Hay naku napaka playboy talaga niyang si james biruin mo iba na naman ang kasama at balak pa atang dagdagan ang collection niya ng mga babae. Kawawa naman ang magandang babaeng iyon. Sabi pa nung isa. Natatakot ako para kay casey dahil hindi maganda ang reputasyon ng lalakeng iyon sa mga babae. Isang playboy. Gustuhin ko man siyang pigilan na huwag sumama sa lalakeng iyon hindi ko naman magawang sundan siya para sabihin iyon baka mas lalo lang siyang magalit sa akin. Huwag lang talagang gagawa ng kalokohan ang lalakeng iyon kundi malilintikan talaga siya sa akin, sa isip isip ko. Hon anu bang tinitingnan mo diyan? Tanung naman sakin ni shane. Huh? Ah wala naman… so lets go.. Mukhang sikat ka ah sabi sakin ni casey. Yeah, the playboy na may kasama na namang isang magandang babae. Sabi kong pilit na ngumiti sa kanya. Its up to you kung iiwan mo na ako dahil baka matsismis kapa ng dahil sa akin. Awts sorry kung may nasabi man akong hindi maganda. Wala ka naman nasabing hindi maganda eh alam ko namang narinig mo rin ung sinabi kanina sa likuran natin nung dalawang babae. Baka lang ayaw mo na akong makasama, malungkot na sabi ko sa kanya. Of course not, its ok sabi nga nila diba don’t judge the book by its cover. Isa pa hindi ka naman nila ganun kakilala para magsalita sila ng hindi maganda para sayo. And besides I know may golden heart ka, nakangiting sabi niya sakin. Dapat ba talagang may word na golden heart? Hahahaha…. Natatawang sabi ko sa kanya.. Syempre naman kasama un sa life.. So dito nap ala tayo sa harap ng kotse ko. pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan at pumasok naman siya. Then ako naman ang pumasok sa loob ng kotse. So san tayo? Tanung ko sa kanya? Its up to you. Un lang ang nasabi niya at pinaandar ko na ang sasakyan. Habang nagdadrive ako tahimik lang siyang nakatingin sa labas… pinagmamasdan ang bawat lugar na nadadaanan namin… Hindi na ako nakatiis kaya naman nagsalita na ako. Alam mo ba kung bakit akong tinawag na playboy? Nakuha ko naman ang atensiyon niya at tumingin siya sa akin.. anu bang klaseng tanung yan? Sabi niyang natatawa sa akin. Of course alam naman ng lahat na kapag tinawag ang isang guy na playboy dahil iyon sa pagiging babaero niya dahil pinaglalaruan lang ang mga babae. Dahil kung magpalit eh every week or ang pinakamalala dun eh every day. Yeah I know, pero hindi naman purkit iba ibang babae ang nakakasama ko eh ganun na ako kasama. At hindi din ibig sabihin noon eh marami na akong napaiyak na babae. Sa totoo lang kabaligtaran pa nga iyon eh kasi ayoko naman lagi ang iniiwan. May makita lang silang ibang kasama ko mag-asawang sampal na kaagad ang ibibigay nila sakin and hindi man lang ako hinahayaang mag-explain ng side ko. Mag-aasume kaagad sila ng ganito ganyan not knowing na ung kasama kop ala is kapatid ko or minsan naman ung mga cousin ko. Hinahayaan ko nalang din kasi ayoko rin naman sa isang gurl na wala man lang ni katiting na tiwala sakin. I know hindi kapani paniwala pero un ang totoo. Ang paliwanag niya habang seryosong nakatingin sa daan. Nakita ko sa mga mata niya na talagang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko pero ano nga bang magagawa ko kung iyon naman talaga ang totoo. Isa pa ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya pero nakikita ko naman ang sincerity sa mga mata niya. Sinong mag-aakala na ang kilalang Playboy ay ang siyang iniiwanan pala ng mga babae. Mas natuwa pa ako sa kanya nung sinabi niyang ayaw niyang nakakakita ng mga babaeng umiiyak dahil ano nalang ang mararamdaman niya kung kapatid naman niyang babae at mommy niya ang makita niyang umiiyak. He really have that golden heart sa isip isip ko at hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. So andito nap ala tayo. Still remember this place? Nakangiting niyang tanung sakin. Yeah, paano ko naman makakalimutan ang lugar na ito, e eto ang lugar kung saan ako muntik maging best actress, tumatawang sabi ko sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na kami sa loob ng isang resort, since may restaurant naman sa loob kaya naman doon na kami kumain. Bukod sa masarap ang mga pagkain ang ganda pa ng ambiance… medyo nalayo nga lang kami sa condo unit namin pero ok lang, nakakarelax naman kasi sa lugar na ito. Kahit pano nakakalimutan kong problema ko. Ang layo na naman ng nililipad ng utak mo? Nakaupo ako noon sa batuhan at nakatulala nun ng bigla nalang akong may narinig na nagsalita mula sa likuran ko. Siya na naman ba ang iniisip mo? Ah hindi naman, sabi ko na medyo alanganin ang sagot. If you don’t mind ano bang nangyari sa inyo ng lalakeng iyon? Kung ayaw mong ishare sakin ok lang, pasensiya kana kung makulit ako.. sabi ni james na tumabi na sa inuupuan ko. Kung nangako ka sa isang batang babae na babalikan mo siya at pakakasalan mo balang araw tutuparin mo ba ang pangakong iyon? Tanung niya sakin habang seryosong nakatingin siya sa dagat. Huh ako? Ahm para sakin kasi mahalaga ang pangako kaya tutuparin ko kung ano man ang sinabi ko… Kahit na iba nap ala ang mahal mo? Siguro kung magkaganun man hihingi nalang ako sa kanya ng sorry dahil hindi ko na kayang tuparin ang pangako ko sa kanya. Siguro nga tama ka pero ni isang sorry wala man lang akong naririnig mula sa kanya. Ano bang ibig mong sabihin? 10 taon ng nakakalipas ng may isang batang lalake na nangako sa akin na babalikan niya ako at pakakasalan. Kahit na mga bata pa kami noon masyado kong sineryoso ang sinabi niyang iyon kaya naman hinintay ko siya ng sampung taon. Umasa akong babalikan nga niya ako. Un pala umaasa lang ako sa isang pangakong hindi naman pala mangyayari at parang isang bula na bigla nalang naglaho ang mga pangako niya. Ang mas masakit pa dun ung makita ko siyang may kasamang iba. Pagkatapos ng lahat lahat ng paghihintay ko sa kanya, pagkatapos kong umasa. Ganun ganun lang pala ang mangyayari. Sa totoo lang alam ko namang hindi niya kasalanan kung magmahal man siya ng iba. Pero galit pa rin ung nararamdaman. Siguro dahil hindi ko lang matanggap na masaya na siya sa iba, masyado lang siguro akong makasarili. Dahil parang ayoko siyang maging masaya. Pero masakit eh, sobrang sakit dito sabay turo ko sa puso ko. Kung pwede nga lang na mawala nalang ako tulad ng isang bula. Mas nanaisin ko pang mangyari un kesa magdusa ako sa araw araw na makikita siya kasama ung taong mahal niya. Nakakaawa ako diba? Dahil umasa ako sa pangako ng isang batang lalake. Sabagay sino ba namang makakasiguro na tutuparin niya iyon, bukod pa doon maraming pwedeng mangyari sa loob ng 10 taon. Masyado lang kasi akong *tanga Ako lang naman kasi ung umasa eh. Ako lang… umiiyak na kwento niya sa akin. Ng dahil sa isang pangako may isang babae ngayon ang umiiyak. Sa totoo lang ayoko talagang nakakakita ng babaeng umiiyak, ni hindi ko nga siya kayang panoorin sa ganoong sitwasyon. Inabot ko uli ang panyo ko sa kanya… Heto oh panyo… punasan mo na yang luha mo. Tama na at niyakap ko siya. Pasensiya kana hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin sayo. Hindi ko rin alam kung pano pagagaanin ang loob mo. Wala akong alam sa mga ganitong bagay. Kung kailangan mo ng kaibigan andito lang ako. Umiyak ka lang hanggang kilan mo gusto wag mo lang sisingahan ang damit ko, sabi ko sa kanya. At tumingin siya sakin ng masama at ngumiti. Siraulo….

Last edited by angel_in_tears08 (2008-05-21 04:51:29)

Pages: 123456..6

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 16:39

[ 12 queries - 0.022 second ]
Privacy Policy