Pages: 123456..6

  2008-05-22 00:19:00

angel_in_tears08
» FTalker
FTalk Level: zero
120
0
1969-12-31

Re: They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama

[quote=jhayyuliajay]hehe...oo nga d natin papakawalan...wahaha...tuloy mo ha...:lol:[/quote] hahahhaha... uu nga eh... :penguin: hahabulin q talaga un... toinkz ---------------------------------------------------------------------------------------------- Habang lumilipas ang mga araw mas lalong naging close sila James at Casey. Kung minsan nga’y nagiging tampulan pa sila ng tuksuhan ng kani kanilang mga kaibigan. “Bagay kayo”… a perfect couple, sabi ni anne na kanyang kaibigan. At sa tuwing naalala niya iyon hindi niya mapagilang hindi mapangiti. Nasa ganun siyang itsura ng hindi niya mapansin na may isang tao na palang nakatingin sa kanya at takang taka sa kinikilos niya. “Para kang baliw.” Sabi ni josh na seryosong seryoso ang mukha. Bakit masama bang tumawa ang inis namang sagot ni casey. Bakit ba kasi pasok ka ng pasok ng hindi man lang kumakatok? For your information Miss Casey Navarro kumatok ako bago ako pumasok dito, pero mukang ang layo ata ng tinatakbo ng utak mo kaya naman bago pa ako ugatin kakaantay na pagbukasan mo ng pintuan eh pumasok na ako dito. Anu bang kilangan mo? Tanung ko sa kanya habang nanonood sa t.v Kayo naba ni james? Ang tanung niya sa akin. Ano namang pakialam mo? Sarkastikong sagot ko sa kanya.. “Your not my mom or even my dad para pakialaman ang personal life ko and besides I’m old enough. And one more thing alam ko na ang tama sa mali kaya pwede ba stop acting like a parents or should I say an investigator. Anu naman sayo kung kami nga ni james? Binata siya at dalaga naman ako. Walang masama dun. Kung ikaw nga may shane hindi ba ko pwedeng magkaroon ng isang james sa buhay ko. Kung wala ka ng tanung pwede ka ng lumabas ng unit ko. sabi ko kanya habang nakatutok parin ang mata ko sa t.v. Anu ba kasing iniisip niya at kilangan niya akong tanungin ng ganun. Ni hindi man lang siya nagsalita. Ni hindi ko alam kung ano bang iniisip niya. Hay naku bahala nga siya. Gusto ko sanang matuwa dahil baka nagseselos siya kay james. Pero pilit ko ung inaalis sa isip ko. Ni kahit kunting pagtingin galing sa kanya ayoko ng umasa, ayoko ng masaktan. Tama ng naramdaman kong nagmuka akong tanga sa kanya. Sapat na iyon. At mas lalong ayoko ng umiyak ng dahil sa kanya. Tahimik akong lumabas galing sa unit ni casey, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Concern lang naman ako dahil baka masaktan siya sa lalakeng iyon pero may point nga siya dahil sino ba naman ako para magtanung sa kanya ng ganun. Kaibigan lang naman niya ako, isang kaibigan na nag-aalala lang para sa kanya. Papasok n asana ako sa unit ko ng makita ko si james ang lalakeng madalas kasama ni casey kaya naman naisip kong kausapin siya ng lalake sa lalakeng usapan. Pare pwede ba kitang makausap? Huh. Kilala ba kita? Actually hindi, anyway ako nga pala si Joshua Olivares friend ni casey. Ah ikaw pala un. Huh anong ako un? Ah wala naman pare. So san mo gusto tayong mag-usap? Sa unit ko nalang. Habang naglalakad kami tinanung niya ako kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Sinabi ko lang na tungkol kay casey. At parang medyo nagulat siya.. habang sinasabing anu namang tungkol kay casey?. Pasok na pare sa loob nalang natin pag-usapan. Naglabas ako ng isang red wine. At saka ako umupo sa katapat na sopa na inuupuan niya. So wat about casey? Bungad na tanung niya sa akin habang nakatitig lang ako sa baso ng wine na hawak hawak ko. Kayo naba? Diretsahang tanung ko sa kanya. Bakit mo naman naitanung? Pabalik na tanung naman niya sa akin. Madalas kasi kayong magkasama at napapansin kong napakaclose mo sa kanya sagot ko naman sa kanya na nakatitig parin sa baso ng wine na hawak ko at nilalaro laro iyon. Ah ganun ba. well honestly hindi kami. Pero kung magiging girlfriend ko man siya ano naman sayo? Tanung ko sa kanya na may nakakalokong ngiti. [gusto ko lang kasing malaman ang magiging reaksiyon niya knowing na siya pala ang dahilan ng kalungkutan ni casey.] Pare binabalaan na kita kung may balak ka mang masama sa kanya, or kung hindi mo naman seseryosohin si casey hayaan mo nalang siya. Mahalaga siya para sakin at ayokong nakikita siyang nasasaktan. Sagot niya sakin habang nakatingin sakin na para bang nagbabanta ang mga mata. Wala naman akong balak na masama sa kanya eh wag kang mag-aalala. Kung magiging kami man ni casey hayaan mo sisiguruhin ko sayong magiging masaya siya sakin sabay tayo mula sa kinauupuan ko at palabas na ng unit niya. At bago ako tuluyang lumabas ng pinto nagbitiw ako ng mga salitang alam kong magpapagulo ng isip niya. “Kung mahalaga siya sayo at ayaw mo siyang nakikitang nasasaktan sa tingin ko mas dapat mong kausapin ang sarili mo, embes na ako ang sinasabihan mo.”

Last edited by angel_in_tears08 (2008-05-22 00:19:39)

Pages: 123456..6

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 00:39

[ 12 queries - 0.012 second ]
Privacy Policy