eto na update....

------------------------------------------------------------------------------------------------------
Andito na po tayo mahal na prinsesa..
Hindi ka ba nagsasawa sa lugar na ito? Ang tanung ko sa kanya.
Hindi dahil mahalaga ang lugar na ito para sa akin, ang sagot niya at seryosong nakatingin sakin na para bang sinasabing “mahalaga ang lugar na ito dahil sayo” at ngumiti.
Tama kaya ang nababasa ko sa mga mata niya? At napangiti nalang ako sa isiping iyon.
Nakaupo kami noon sa batuhan kung saan kitang kita ang dagat. Ang mismong lugar na madalas naming puntahan kapag wala kaming magawa. At siya ang laging kasama ko sa mga panahong masama ang loob ko at kilangan ko ng kausap.
You know what?
Hindi ko pa alam kaya mabuti pang sabihin mo na, pilisopong sagot niya sa akin.
Kaya ayun nakatikim na naman siya ng isang malakas na hampas.
Sadista ka talaga kahit kilan.ang sabi niyang nang-aasar na naman ung tingin.
Kaya naman inirapan ko lang siya at tiningnan ko nalang ang bawat kilos ng alon sa dagat.
Ang hirap talagang magmahal ng taong may mahal ng iba noh?
Lalo na kung ung taong iyon eh dati namang sayo.
Sigh….
Ayan kana naman nagdadrama ka na naman.
Alam mo pang famas kana at napatunayan mo nay an last time kaya tama ng pag-eemote casey aba bigyan mo naman ng chance ung iba, ang palokong sabi niya sakin.
Kilan ka kaya magseseryoso? ang tanung sakin ni casey na medyo kinagulat ko.
Wag mo ng hilingin pa dahil baka-.” Ang sabi niyang pinutol ang sasabihin habang ngumiti siya ng makahulugan sakin.? Napapaisip ako sa kinikilos niya pero inignore ko nalang ang isiping iyon.
“Wag mo ng hilingin pa dahil baka kung ano lang ang masabi ko,” iyon sana ang gusto kong sabihin kay casey pero alam ko baka mas lalo siyang maguluhan at may masabi akong alam kong ikagugulat niya. Kaya naman muli kong itunoon ang atensiyon ko sa pagtingin sa dagat.
***silence
Ilang minuto ring namayani ang katahimikan hanggang sa nagsalita si casey.
Noon nasa akin lagi ang atensiyon niya. Kung anong gusto ko binibigay niya. Katulad nalang nitong hawak kong star na binigay niya. Sabi pa niya “kung may gusto kang hilingin hawakan mo lang ang star nay an at buong puso mong hilingin ang kahilingan mo at magkakatotoo iyon.”
Siguro nga natupad ang hiling ko na bumalik siya pero bakit may bonus pa? natatawang sabi ko sa kanya. Dumating nga siya pero hindi naman para tuparin kung anong napangako niya kundi para lang ipakilala ang babaeng mahal niya. Akala ko darating ung araw na magiging kami, pero alam ko Malabo na ung mangyari dahil may isang shane na sa buhay niya.
Itatago ko nalang ang star na ito. Ang nag-iisang bagay na nag-paalala sakin ng isang pangako kahit na alam kong wala ng katuparan iyon.
May dahilan naman ang lahat eh, dba nga sabi nila ang lahat ng nangyayari sa mundong ito ay may dahilan. Hindi iyan ibibigay sayo ng nasa itaas kung alam niyang hindi mo kakayanin. Isipin mo nalang na sa lahat ng tao maswerte ka dahil kung iisipin simpleng problema lang ang hinaharap mo hindi katulad ng iba na halos lahat ata ng problema e nasalo na nila, ang mahabang paliwanag niya sa akin.
Aba, si mr clown may nalalaman pang ganun ah, pabiro kong sabi sa kanya.
Marunong din palang magseryoso sa isip isip ko.
Tama na ngang sobrang kaseryosohan sabi ni james sabay tayo mula sa kinauupuan namin sabay kumuha siya ng tubig galing sa dagat at hinagis sakin.
Loko loko talaga itong isang ito ang daming naiisip na kalokohan..
Kaya ayun hinabol ko siya.
Para kaming bata na naghahabulan.
Parang mga bata na tila walang mga problema.
Masayang kasama si james at napakaswerte ng babaeng mamahalin niya sa isip isip ko.
Kahit panu nakakalimutan ko ang kirot na nararamdaman ko sa puso ko. At kahit pano naeenjoy ko ang araw ko at nagagawa kong ngumiti ng buong puso.
Ayan na ako, humanda ka sakin kapag naabutan kita sigaw ko sa kanya na hindi naman kalayuan sakin.
At eto na malapit ko na siyang abutan kaya naman hinawakan ko ang isang kamay niya bago pa siya makatakas sakin. Pero mukang wrong move ang ginawa ko dahil na-out of balance kaming pareho. Buti nalang at buhanginan ang binagsakan namin kaya hindi ako masyadong nasaktan. Mali pala dahil sa pagsalo niya sa akin kaya hindi ako masyadong nasaktan. At nasa isang akward na posisyon kami. Ako na nasa ibabaw niya at siya naman na parang nakayakap sakin dahil nga sa pagsalo niya sa akin. Halos magkadikit na ang mga mukha namin at dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib niya at pati na rin sa akin. At bago pa ako makakilos magkalapat na pala ang mga labi namin, kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin at ng malakas na hampas ng alon sa dagat.