Pages: 1123456

  2008-06-30 05:11:46

angel_in_tears08
» FTalker
FTalk Level: zero
120
0
1969-12-31

Re: They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama

update..... update..... ---------------------------------------------------------------------------------- josh side Ano? Ano? Nagtatanong kappa Joshua Olivares alam mo naman ang sagot sa tanung mong iyan. Dahil si casey lang ang babaeng pinakamamahal mo ang sabi kay josh ng boses na nangagaling sa utak niya. Pero si shane? Hindi ko pa rin alam kung pano ko sasabihin sa kanya na naaalala ko na ang lahat simula nung nangyari ang bangungot na un sakin. Dun nagsimula ang unti unting pagbalik sa akin ng mga alalang iyon. Hindi ko lang magawang sabihin kay cass dahil alam ko sa gagawin ko may isang taong higit na masasaktan at isa pa ayoko namang saktan si shane. Gusto ko pa rin na sa kanya mismo manggaling na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- On shane’s side Nakatingin lang si shane sa labas mula sa bintana ng kwarto niya sa unit ni josh. It’s been a week na rin simula nang hindi na kami magkibuan ni josh. Puro si casey ang inaasikaso niya dahil nga sa dance contest na iyon. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na hindi niya na ako mahal o baka mas tamang sabihin na kahit kilan hindi niya talaga ako minahal. Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit heto parin ako. Simula ng Makita ko ang lalakeng kamuha ni xyrel dun na ako nagsimulang mailto kung talaga nga bang minahal ko si josh o minahal ko lang siya dahil sa pagkawala ni xyrel. Parang parehas lang din naman kami ng kalagayan. Minahal niya ako dahil kay casey at ako naman minahal ko siya dahil sa pagkawala ni xyrel. James sino ka nga bang talaga? Ano nga ba talagang papel mo sa buhay ko? Sigh…… ----------------------------------------------------------------------------------------------- James side Nakahiga si james sa kwarto niya habang hawak hawak na naman ang picture frame at ang isang pendant. Dad sabi mo sa akin dati this pendant is very important to me kaya huwag na huwag kong iwawala. Ngayon pano ko naman malalaman kung gaano nga kaimportante ang bagay na ito sa akin? Wala kana kaya kanino ako magtatanong sa mga bagay na gusto kong malaman? Sa mga tanung na gumugulo ngayon sa isip ko. I still can’t forget kung ano man ung sinabi sakin ni shane. Hindi ko nga maintindihan un sarili ko kung bakit nag-iisip ako ng isang bagay na hindi ko naman na dapat isipin pero may isang part ng isip ko na nagsasabi sa akin na may dapat pa akong malaman sa sarili ko. At si mama nasaan na kaya siya? simula ng maghiwalay kayo ni kahit na anong balita wala na akong alam sa kanya ni isang alaala na kasama ko siya wala talaga. Alam ko naman na simula pagkata palang naghiwalay na kayo pero ngayon gusto kong malaman kong nasaan na siya, kung anon g nangyari sa kanya at kung anong tunay na reason kung bakit kayo naghiwalay?. Dad sana magkita pa kami ni mama. Sana…. --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Cass side Cass will you marry me? Ang sabi ni josh kay casey habang nakaluhod at hawak hawak ang isang maliit na kahon na naglalaman ng isang singsing. Makikita sa mga mata nito ang sinseridad sa bawat salitang binitbitiwan ng lalake. Sa mga sandaling iyon hindi alam ni case yang nararamdaman niya. At sa lakas ng kabog ng dibdib niya hindi niya alam kung pano ipapasok sa isip niya na nasa harapan niya ngayon si josh at kasalukuyang naghihintay sa sagot niya. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon at nahihirapan siyang kung paano idedescibe ang kakaibang pakiramdam na iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalakeng nangako sa kanya na pakakasalan siya ay heto ngayon sa harap niya at inaalok siya ng kasal. Hindi niya namalayan na unti unti na palang pumapatak ang mga luha sa mga mata niya kaya naman agad agad siyang nilapitan ni josh at kinuha mula sa bulsa nito ang panyo at ito na mismo ang nagpunas ng luha sa kanyang pisngi. Di ba sabi ko sayo ayokong nakikita kang umiiyak? Dahil mas doble o triple nun ang nararamdaman ko ang nakangiting sabi nito sa kanya. Ni hindi siya makasagot sa binata at sa halip ay niyakap niya lang ito ng pagkahigpit higpit na para bang sinasabi niyang ok lang siya at sobrang saya niya lang sa nangyayari ngayon sa kanya. “I love you so much cass”, ang sabi sa kanya ni josh na puno ng sinseridad. And I love you too josh. I love you too….. :kiss:

Pages: 1123456

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 06:16

[ 12 queries - 0.032 second ]
Privacy Policy