Re: They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama
I love you too…..
Cass
Cass
Cass
Ui cass... sabay tapik ni josh sa balikat ni cassey.
Ano bang pinagsasabi mo diyan huh? Nanaginip ka ata eh?
Pupungas pungas pa ng mata si cass ng marinig niya si josh na may sinasabi sa kanya. Hindi nga lang rumerihistro sa utak niya ang mga sinasabi ni josh.
Ano un josh? ang medyo antok pa na sabi ni cass kay josh.
Ano ba ung sinasabi mo?
may pa I love you too kapang nalalaman diyan ang natatawa tawang sabi ni josh.
Pagkadinig nun para siyang binuhusan ng malamig na tubig at napabangon siya bigla, nawala na sa isip niya na…
Bog..
Aray ko poh… ang sakit naman nun. Ano ba naman yan josh bat d ka naman umilag.
Aray… aba at sino kayang may kasalanan sa ating dalawa huh? Eh kaw nga itong bigla biglang bumangon eh.
Ano ba naman kasing iniisip mo huh cass?
Kaw kasi eh, nagulat ako sa sinabi mo.
Anong ako? Ako nga ang nagulat sa sinabi mo eh. Wala akong sinabi ah.
Alin ba? Ung sabi mong I love you too? Sabay ng nakakalokong ngiti ni josh kay cass.
Naku sino ba kasi ung sinasabihan mo nun huh?
Kaw huh? Pati ba naman sa panaginip may pinagpapantasyahan ka.
Naku huh, wala noh. Ang yabang nito sabay irap naman cass kay josh.
Ang ganda lang kasi ng panaginip ko eh.
Ano naman un? Ang naiintrigang tanung ni josh.
Wuh. At bat ko naman sasabihin sayo un huh?
Syempre secret ko na un.
Secret secret kapa dian.
Sabihin mo na kasi cass.
Oi Joshua Olivares wag ka ngang tsismoso noh.
Baka mausog ung panaginip ko hindi pa magkatotoo.
Wag kang mag-alala cass im sure magkakatotoo un ang sabi ni josh na seryosong seryoso.
Akala mo naman alam niya ung nangyari sa panaginip ko.
Hay josh sana nga magkatotoo ang sinabi mong iyan bulong sa isip ni cass.
Kung alam mo lang na ikaw ang lalake sa panaginip ko masasabi mo pa kaya ang sinabi mo sa akin?
Mapaninindigan mo kaya?
Matutupad mo kaya Joshua Olivares?
----------------------------------- --------------------------
-Kinabukasan-
10am
Mabilis na lumipas ang araw at patuloy sa pagpapapractice sila cass at josh para sa dance contest. Habang nagiging madalas naman ang pagkakasama ng dalawa.
Isang puso naman ang naguguluhan. Walang iba kundi ang gf ni Joshua si shane.
Sa kabilang dako si james naman ay tinungo ang puntod ng kanyang yumaong ama. Pero bago pa siya bumaba mula sa kanyang sasakyan isang nakaitim na babae ang nakita niya sa mismong tapat ng puntod ng kanyang ama.
Habang papalapit ng papalapit si james sa babaeng nakaitim hindi niya maintindihan ang sarili kong bakit tila kay bilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag kong anong nararamdaman niya. At ngayong isang hakbang na lamang ang agwat niya sa babae napansin nito ang kanyang paglapit at nagulat ito ng Makita siya.
Bigla bigla itong yumakap sa kanya at hindi alam ni james kung anong gagawin. Nalilito siya sa mga nangyayari sa mga oras na iyon. Ang isang d naman niya kilalang babae bigla bigla nalang lalapit sa kanya at yayakapin siya na para bang isang anak.
Anak? Tama bang naisip niya? Hindi kaya ang babaeng nakayakap sa kanya sa mga oras na ito ay ang kanyang mama, un ang ideyang pumasok sa isip ni james.
Teka lang po, bakit ho ba ninyo ako niyayakap? Hindi ko naman po kayo kilala eh. Ang naalangang sabi ni james sa babae.
Ijo hindi mo man lang ba ako natatandaan? Ang maluha luhang tanung ng babae kay james.
Siguro nga hindi dahil napakabata mo pa nang iwanan kita sa papa mo at ng isama ko ang kapatid mo.
Pero hindi ko alam na may sakit pala ang papa mo kaya siya nakipaghiwalay sa akin. Hindi ko rin alam na sa paglayo namin sa inyo ng papa mo mawawala sakin ang nag-iisang kapatid mo james.
Ang paghihiwalay nila mama at papa? Ngayon malinaw na sa akin ang lahat.
At Kapatid? Meron akong kapatid?
Anong pangalan niya? Ang tanging nasabi k okay mama. Sa totoo lang may galit din akong naramdaman kay mama dahil sa pag-iwan niya sa amin ni papa pero alam ko kahit na ano pa ang gawin ko hindi na maibabalik ang nangyari na.
Nawala na si papa at maging ang kapatid kop ala.
Nakakapanghinayang dahil hindi ko man lang siya nakilala at hindi ko nakita.
Xyrel…
xyrel ang pangalan niya james. Kamukhang kamukha mo ang kapatid mo maliban nalang sa dimples sa pisngi mo.
Xyrel? Pakiramdam ko nagyelo ang buong katawan ko pagkadinig sa pangalang iyon.
Ang pangalang minsan ng nabanggit sakin ng babaeng laging laman ng mga panaginip ko.
Ang babaeng lagging laman ng isip ko.
Hindi ko alam kung anong dapat ba akong matuwa o malungkot sa nalaman kong iyon, pero ganunpaman hindi ko na mababago ang katotohanang kapatid kop ala ang pinakamahalagang tao nun sa buhay ni shane.
At kahit na anong gawin ko hindi ko mahihigitan ang kapatid ko.
Sigh…
Bakit ba ganun?
Bakit ba sa tuwing may babae akong nagugustuhan lagi nalang-----?
Sigh…
James anak ano bang iniisip mo?
Oo nga pala andito na kami sa loob ng kotse ko.
Ah wala naman ma may naalala lang po ako.
Pagkatapos ng ilang minote muli na ng pinaandar ni james ang kanyang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.
----------------------------------- -------------------------
-Shane side-
Naiwan na naman akong mag-isa ditto.
Hay, siguro lalabas na muna ako para makapagpahangin sa labas
Ayoko ng magmukmok sa loob ng kwarto ko at baka mamaya nito mabaliw na ako sa kakaisip.
Habang naglalakad si shane papalabas sa lobby isang pamilyar na babae ang tumambad sa kanyang harap at kasama nito ang lalakeng nagpapagulo ng kanyang mundo,
walang iba kundi si james.
Kasalukuyan naman itong papasok at malamang na papunta sa unit nito.
Tita? Ang naibulalas niya sa babaeng nakaitim na kasama ni james.
Shane? Is that you ija?
Tita… sabay yakap ni shane sa babae.
Ija akala ko hindi na tayo magkikita pang muli.
Well I can still say that this is a small word sabay ngiti ni mrs. Suarez
Teka lang ija san kaba pupunta ngayon?
Ah ako po? Actually magpapalipas oras lang po ako diyan sa labas naiinip nap o kasi ako sa loob ng unit eh.
Ah ganun ba? So siguro naman pwede ka munang sumama samin? Para naman makapagkwentuhan tayo ija.
Matagal din kasi tayong hindi nagkita.
Oo nga pala nasaan na ang papa at mama mo? Kalian pa kayo bumalik ng pilipinas?
Ah eh tita ako lang po ang bumalik dito eh.
Ganun ba ija, akala ko pa naman makikita ko na ulit ang kumare ko.
Oh ijo kanina kappa tahimik diyan ah. Hay naku nakalimutan ko palang ipakilala sayo si shane. Siya ang bestfriend ng kapatid mo. Para nga siyang prinsesa kung itrato ni xyrel eh. Sayang nga lang at wala na ang kapatid mo siguro kung andito pa iyon malamang na sila na ni shane.
Tita naman.
Ma kilala ko na si shane.
Talaga? Naku talaga ngang napakaliit ng mundo.
Kung ganun pwede naman siguro na maging kayo ni shane sabay ngiti sa dalawa ni mrs. Suarez
Tita?
Ma? Ang chorus na sabi ng dalawa.
Kaya natawa nalang ang ginang sa kanila.
Dito na tayo sa unit ko ma.
Malapit lang pala ito sa unit ni cassey.
Are you saying something ija?
Ah wala naman po tita.
Pasok na po ma.
Crying lady pasok na sabay ngiti ni james kay shane kaya litaw ang dimple sa pisngi ng binata.
Ang cute ng dimple mo sana nagging dimple ka nalang. Hahahahaha ang palokong biro ni shane kay james.
Natawa nalang si james sa sinabing iyon ni shane.
Lumipas ang ilang oras at patuloy sa kwentuhan si shane at ang mama ni james samantalang tahimik lang na nakikinig ang binata sa kanya habang nakatingin sa nagkukwentong si shane.
Napansin naman iyon ng ginang kaya naman pinuna niya ang binata.
Ijo baka naman matunaw si shane nyan kanina kappa nakatingin sa kanya eh ang nangingiting sabi ng ginang.
Hindi na nakapagreact si james at halatang namula ang binata sa binitiwang salita ng ginang. kaya naman nag-excuse na lamang siya at sinabing maghahanda siya ng makakain.
Lihim namang ikinatuwa ni shane ang sinabing iyon ng ginang kaya makikita sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan.
Natatawa na lang ang mama ni james sa kanyang anak.
5pm
Umabot na ang 5 ng hapon at patuloy pa rin sa kwentuhan ang dalawang babae, ang ina ni james at si shane. Samantalang si james napagpasyahang magluto nalang ng hapunan since hindi naman siya nakikisali sa usapan ng dalawa.