[quote=michelle_dedumo]waaaa... cute nila...!!
hehe
thankz for da update siz[/quote]
welcome poh...

here's another update guys.... hope you like it..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Time check
6pm
6 na ng gabi kaya napagpasyahan ng magpaalam ni shane na bumalik sa unit ni josh.
Tita alis na po ako ang pagpaalam ni shane sa ina ni james.
Why don’t you join us for dinner ija? Ang alok naman ng mama ni james.
I think tapos na namang magluto si james. Isa pa mas masarap kumain kung marami tayo, hindi ba ijo?
Opo ma pagsang-ayon naman ni james sa ina.
Siguro naman ija pwede mo kaming saluhan kumain?
O sige na nga po tita sabay upo muli ni shane sa upuan.
James ijo kilangan mo ban g tulong? Sabay tayo ng ginang mula sa upuan nito.
Ma ok lang ako kaya ko na ito.
Tita ako nalang po ang tutulong kay james.
O sige mabuti pa nga.
Tumayo na si shane at pumunta ng kusina para tulungan si james.
Oh bat tumayo kappa?, sana nagstay ka nalang dun kay mama.
I just wanna help you lang naman eh sabay ngiti niya sa binata.
Ako nalang mag-aayos ng mesa.
O sige kaw ang bahala.
Pagkatapos ng ilang minuto natapos na rin ang dalawa sa pag-aayos ng hapag-kainan. At nagsimula na silang kumain pagkatapos nilang magdasal.
Sa kabilang dako naman.
Cass uwi na ako ah.
Uwi kana? Dito ka nalang magdinner paanyaya ni cass kay josh.
Pero si shane baka hinihintay na ako nun.
Eidy tawagan mo muna siya tapos papuntahin mo na rin dito para makapagdinner tayong tatlo.
O sige, tutal kanina ka pa nangungulit eh.
Hmmmp hindi kaya noh.
Tsaka?
Tsaka ano?
Hay naku josh kung ayaw mo eidy wag mo noh. Aba hindi naman kita pinipilit eh. Umalis kana, chupi…. Chupi…. Pagtataboy na naman ni cass kay josh.
Tingnan mo ito ang bilis mo namang magtampororot eh.hehehehe…
D kana mabiro. Uy ngingiti na yan oh.
Muka mo noh sabay ng pilit na ngiti ni cass.
Gwapo…
Kwago…. Hmmmmp.
Gusto mo kaming magdinner ditto pero d ka pa naman nagluluto.
Ang yabang nitong kumag na ito ah sa isip isip ni cass.
Sandali lang po sir ah sabay ngiti niya ng pilit kay josh at irap.
Eto na nga po magluluto na ako eh sabi ni cass kay josh habang akmang babatukan niya ito ngunit nung humarap sa kanya ay ngumiti siya.
Habang nagluluto naman si cass, dinial na nin josh ang number sa unit niya upang papuntahin si shane.
Pero nagtataka siya dahil nakakailang ring na ang phone pero wala pa ring sumasagot.
Saan kaya nagpunta si shane? Sa isip isip ni josh. Pero mabuti na rin iyon para makapaglibang libang siya.
Cass?
Ano?
Para naman akong nawawala kung makasigaw ka diyan.
Hehehehe…. Sensiya napalakas pala. Ano ba pwede kong itulong sayo?
Hmmm ano nga ba? Patapos na ito kaya ikaw nalang maghanda ng table, ok?
Ok, sabay saludo ni josh kay cass at sinimulan na niya ang pag-ayos ng mesa.
Dami talagang alam ng kumag na ito. Napapailing nalang si cass habang itinuloy na ang kanyang pagluluto.
Pagkatapos ang ilang minuto natapos na rin sic ass sa pagluluto.
Josh asan nap ala si shane? Hindi mo pa ba tinawagan? Ang pagtatanung ni cass.
Tinawagan ko na siya kaya lang kasi walang sumasagot eh.
Ah ganun ba.
Kaya tayo nalang dalawang kumain. Sorry ka nalang pero pagtyagaan mo na nalang na ako ang makakasama mo.
Ok lang sanay na naman ako sa pagmumuka mo eh. Sa halos araw araw ba naman na magkasama tayo ewan ko nalang kung d pa ako masanay.
Wuh! Kunyari kappa diyan if I know gustong gusto mo naman na nakikita ako eh. Hahaha…
Ewwwwwwwwww…. Naku tayo na nga lang dalawa ditto nagkakalokohan pa tayo eh.
Gutom ka na talaga. Hahaha..
Kain na.
Oh?
Anu naman yan?
Obvious ba? Nakita mo ng ulam eh.
Nga-nga na kasi eh, napaka arte mo.
Napilitan namang sumunod si cassey sa utos ni josh.
Eto pa oh?
Naman josh oh! Kumain kana kaya diyan noh. Kaya ko namang kumaing mag-isa eh. Hindi na ako tulad noon na kilangang bantayan at alagaan.
Alam ko naman un cass eh. Naglalambing lang ako sayo, matagal din kasi akong nawala eh. Alam ko namang hindi pa ako nakakabawi sayo eh.
Buti alam mo, hindi mo pa nga natutupad ung pangako mo sa akin eh, sa isip isip naman ni cassey.
Makakabawi din ako sayo cass, pangako ko yan sayo.
Naku mister Joshua wag ka ng mangako noh, ayoko ng makarinig ng mga pangako. Mas maganda kung gagawin mo nalang, kesa puro salita noh.
Kita mo ito, kaw kain ka ng kain diyan tingnan mo nga may kanin ka pa sa bibig mo oh, sabay lapit naman ni josh para punasan ang dumi na malapit sa labi ni cass.
Josh?
Ano? Wag mo na kong ituring na baby. Baka kasi masanay ako. Hanap hanapin ko yan noh. Isa pa aalis ka din kaya mas ok na ung wala tayo masyadong memories.
Para---
Para ano?
Para hindi kana malungkot?
Kala mo naman malulungkot ako kapag umalis ka.
Nungka? Hindi noh.. magsasaya pa ako. Baka nga magpainom pa ako eh. Sabay talikod ni cass para itago ang luhang malapit ng pumatak sa pisngi niya.
Ano ba naman cass pigilin mo pigilin mo.
Tumayo naman si josh at lumapit kay cass at niyakap ang kababata.
Ano ka ba naman cass? Hindi pa nga ako umaalis ganya ka na.
what more pa kaya? Ayan ba ang sinasabi mong magpapainom ka?
Magpapainom ka siguro sa lungkot noh? Sabay tawa naman ni josh.
Nakakainis ka talaga alam mo namang napakaiyakin ko tapos ginaganyan mo pa ako sabay hampas ni cass kay josh.
Aray ko naman. Tama ng emote huh? At walang camera ditto, hindi yan mabebenta. Sabay balik naman ni josh sa upuan niya at tinapos na nila ang kanilang pagkain.
Pagkatapos nilang kumain silang dalawa na rin ang naghugas dahil na naman sa kakulitan ni josh. At katulad nung una inabot na naman sila ng 48 years bago matapos sa paghuhugas.
Pag-uwi ni josh sa kanyang unit nakita niyang mahimbing ng natutulog si shane sa silid nito nung bahagya niyang binukas ang pinto nito upang tingnan kung dumating na ang dalaga. Napangiti naman siya ng Makita niyang mahimbing na itong natutulog.
Hindi niya na ito ginising pa at muli niya ng isinara ang pinto ng kwarto ni shane.
Shane I know nahihirapan ka na din sa sitwasyon natin pero hintayin mo nalang na dumating ang araw na masabi ko sayo ang lahat.
Malapit na shane, malapit mo ng malaman ang lahat.