Pages: 1..123456

  2008-07-08 04:40:16

angel_in_tears08
» FTalker
FTalk Level: zero
120
0
1969-12-31

Re: They said promises are made to be broken… and yeah dats right… but then I’m still hoping for someone na tuparin niya ung promise niya sakin…still hoping na sana pagbalik niya ditto ako pa rin ung lama

update update.... hay naku sa wakas nakaisip na din ako... pagtyagaan nio nalang poh muna yan... ----------------------------------- ---------------------------- After 3 days Ito na ang pinakahihintay na araw nila josh at cass dahil na rin sa ilang araw nilang effort sa pagpapractice. Ilang oras na lang at gaganapin na sa village na iyon ang dance contest na sinalihan nilang dalawa. Maaga namang nagising si cass ng umagang iyon dahil na rin sa excitement at kaba na kanyang nararamdaman. Hay ano kayang mangyayari mamaya? Ang tanung ni cass sa sarili. Sana naman maging ok naman ang lahat. Ok lang na hindi kami manalo ni josh basta mag-enjoy lang kami. ----------------------------------- -------------------------- -sa unit ni josh- Ngayong araw na ito na ang dance contest na sinalihan namin ni cass. Sana naman maging maayos naman ang lahat ang dalangin ni josh. At ito rin ang araw na kilangan ko ng magtapat kay shane para linawin ang lahat lahat ng bagay tungkol sa aming dalawa. ----------------------------------- -------------------------- -sa room ni shane- Sa tingin ko dapat na akong makipaghiwalay kay josh ngayon at umalis sa unit niya. Hindi na ako dapat pang magtagal ditto. Isa pa alam ko namang wala siyang nararamdaman para sa akin kundi bilang isang kapatid o kaibigan lamang. Cass, siguro nga para sayo talaga nakalaan si josh. At siguro nga hiram lang siya at kilangan ko ng ibalik sa totoong nagmamay-ari nito. At alam kong sayo ko siya dapat ibalik cass. Dahil ikaw talaga ang totoong nagmamay-ari ng puso niya. Ang sabi ni shane sa sarili habang nakahiga at yakap yakap ang unan. ----------------------------------- -------------------------- -sa unit ni james- Good morning ijo! Ang bati naman ng ina ni james sa kanya. Ma ang aga niyo naman hong magising. Naku ijo ganito talaga ako. babalik na pala ako sa bahay ko, pagpapaalam ng ina ni james. Ma? Hindi ba pwedeng dito ka nalang mag-stay? Ijo hindi pwede may business din akong inaasikaso. At kahit naman bumalik ako sa bulacan pwede ka namang bumisita doon eh. Oh sige po, kayo na po ang bahala. Halika na rito at naihanda ko na ang almusal mo. Sabay na tayong kumain. Ihahatid ko nalang kayo ma. O siya siya sige. ----------------------------------- ----------------------------- 4pm Kalalabas lang ni josh ng kanyang kwarto ng madatnan niya si shane na nakaupo at nanonood ng t.v. Hi! Bati ng dalaga sa kanya. Dba ngayon na ang contest? Oo kaya nga naligo na ako, papunta na rin ako kay cass. Ah ganun bah. Goodluck nalang sa inyong dalawa sabay ngiti ni shane sa binata. Shane? Josh? Ang chorus na sabi ng dalawa. Sige una kanang magsalita shane. No ikaw na muna. Ladies first remember? Sabay ngiti ni josh sa dalaga. Ahm mamaya pagkatapos ng contest, can we talk? Sa totoo lang un din ang sasabihin ko sayo dapat eh, naunahan mo lang ako ang sabi naman ni josh. Oh sige huh mamaya nalang josh. Oh sige, alis na ako. D kaba manonood ng contest? Pahabol na tanung ni josh. 5 pa naman iyon dba? Ahm sige try ko. Andiyan naman ung address sa may liflet sa tabi ng phone, kunin mo nalang. Magsama ka nalang ng kakilala mo. Alis na ako. Sabay lakad papunta ni josh ng pinto at lumabas na. ----------------------------------- ----------------------------- Tok tok tok… Cass Cass cass Wait lang josh, sigaw naman ni cass mula sa kwarto niya. Wish niya lang narinig un ni josh. Maya maya lumabas na rin siya ng kwarto niya at pinagbuksan ng pintuan ang kababata. Isang simpleng t-shirt ang suot ni josh na kulay black at maong na pantaloon samantalang sic ass naman ay black sleeveless ang suot na tinernuhan ng skirt. Kung titingnang maigi napakasimple ng suot nila para sa isang contest. Hindi naman sila nag-usap sa shirt pero nakakatuwang magkaparehas sila ng kulay ng damit. Kaw huh cass? Ano? Bat nanggagaya ka ng kulay ng damit? Bakit? Hindi ko naman kaya alam na black din isusuot mo eh. Muka tuloy tayong aatend ng lamay eh. Hahahha… ang natatawang nasabi ni josh. Oo nga eh, ikaw kasi… sabi naman ni cass. ----------------------------------- --------------------------- Papalabas na ng condo si shane ng Makita naman siya ni james na kasalukuyan ng papasok sa condo. Kadarating lang kasi niya galing sa bulacan dahil hinatid niya ang kanyang ina. Shane nakabihis tayo ah? Saan ang date mo? Huh? Ah eh wala naman manonood lang ako ng contest. Talaga saan naman? Diyan lang, malapit lang sa mall. Pwede ba akong sumama? O sige, sabi naman ni josh pwede akong magsama eh. Josh? Oo si josh ung bf ko. Bf mo? Why do I have this feeling na para bang kilala ko ang josh na sinasabi ni shane. Teka josh at shane? Hindi naman siguro, sa isip ni james na medyo napapailing. Ui! Ano sasama kaba huh? Tanung ni shane kay james. oo. tara. -sa kotse- Shane may itatanung ako kung ok lang naman. Ano un? Parang napakaseryoso mo ah. Hindi naman. Ung josh na bf mo anung surname niya? Olivares. Bakit mo naman natanung? Sabi ko na nga ba siya un eh. Huh? Anong siya un? Ah wala wala shane… nevermind. Mahal mo ba siya? muling tanung ni james kay shane. Huh? Mahal? Matagal bago nakasagot si shane sa tanung na iyon ni james. Ah wag mo nalang sagutin ung tanung ko ang sabi ni james habang nagmamaneho. Sa totoo lang hindi ko na rin kasi alam eh. Dati alam ko mahal ko siya pero--- Pero ano? Naku shane pasensiya kana mukang masyado na akong nagiging matanung kaya wag mo na akong intindihin. Andito nap ala tayo sa venue eh. Sabay baba ni james sa kotse at pinagbuksan naman niya si shane ng pinto ng sasakyan. Mukang sa hulihan tayo nito ah, ang dami ng nakapwesto sa unahan eh. Ok lang yan as long as mapapanood natin sila josh at cass. Napangiti nalang si james ng mabanggit ni shane ang mga pangalang iyon, matagal na din niyang hindi nakita ang kaibigan niyang si cass at ang lalakeng mahal nito. Ang liit talaga ng mundo sa isip isip ni james. senxa na po yan lang nakayanan ng utak q ngayon eh... ala maisip eh.... comment ko poh huh...

Pages: 1..123456

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 06:04

[ 12 queries - 0.067 second ]
Privacy Policy