[align=center]
Chapter 3[/align]
Galit na galit si Sab ng makauwi siya. nagulat naman si Sam sa kalabog at katon ng kakambal sa pintuan ng kwarto niya. mabilis nyang binuksan. Parang tigre ang anyo ni Sab ng salyahin niya si Sam hanggang mapaupo ito sa kama.
"what's wrong with you?" tanong ni Sam
"this is your fault!"
"ano na naman ba ang nagawa ko?" maiiyak na tanong ni Sam kay Sab
"kung hindi mo ipinagtapat kay Mark ang totoo, hindi na sana ako umalis pa noon"
"akala ko ba tapos na yon?"
"ang akala ko rin!" sabi ni Sab at tinungo na ang sala
sumunod naman si Sam. umiyak muna si Sab samantalang nakatingin lang sa kanya ang kakambal. maya-maya pa ay pinahid ni Sab ang luha niya.
"sinundan niya ako rito sa pilipinas"
"sino siya?"
"si Mark!"
kumunot ang noo ni Sam...
"magkapangalan sila. p*este kasi yong taxi driver, bingi pa yata! i told him to drop me at 15 Brown Street. eh sa Crown street pala ako ibinaba"
"what happened then?"
"araw noon ng kasal ni Mark at ayoko siyang maalala kaya nag casino ako. uminom din ako. nang mapagod ay nagpasya na akong bumalik sa hotel. masakit ang ulo noon. at naparami na rin ang inom. nakatulog na nga ako sa loob ng taxi. ginising ako ng driver at sinabing nakarating na kami. hindi ko naman inisip na nasa maling lugar kami kaya agad ko siyang binayaran. ang gusto ko lng naman ay makapag rest na. pero ng bumaba ako, saka ko lng napansin na kakaiba ang paligid. when i look at the sign I saw Crown Street"
"bahay ng Mark na yon ang napuntahan mo?" tanong ni Sam
"so i decided na maglakad lakad habang nag-aabang ng taxi nang makita ko ang kakaibang tanawin. ang pagkakataon nga naman. akalain mong makita ko ang pangalang Mark na nakasulat sa entrance ng isang garden wedding ceremony. naghalo halo ang laman ng utak ko. at halos hindi ko na ma-control. I thought i was just dreaming. inisip ko na hindi pala ako nakatakas sa araw ng kasal ni Mark kaya pumasok ako."
"God! what did you do?" tanong ni Sam
"hindi ko matandaan. nagising na lang ako sa loob ng isang room. later on ay napag alaman kong nasa bahay ako ng Mark na yon. nalaman ko rin na habang tinatanong ng pastor ang groom ay bigla na lang daw akong sumigaw"
"ano raw ang sinabi mo?"
"huwag Mark! hindi na natuloy ang kasal dahil nagalit at napahiya daw ang bride"
"Jesus! hindi man lang ba nito hinayaang mag explain si Mark?
"tagalog ang salitang ginamit ko at alam ko rin ang name niya, sapat na raw yon para isipin nilang may relasyon kami. His family treated me well. ang akala nila ay inagrabyado ako ni Mark. nagalit ang mama niya sa kanya dahil salbahe raw siya sa mga babae. ang akala raw nito ay nagbago na siya. inisip pa nila na baka buntis ako"
"bakit siya nagpunta dito sa pinas?" tanong ni Sam
"para isama niya ako pabalik sa america. gusto niyang alagaan ko ang kanyang mama na nagkaroon ng mild stroke matapos akong tumakas. inisip daw nito na pinalayas ako ni Mark"
"are you going there?"
"no! of course not! pero nagbanta siya, baka patayin ako ng gagong yon. pinagbantaan niya akon hindi titigilan hangga't di sumusunod sa gusto niya. this is all your fault Samantha!"
napalunok si Sam...
"okay, i'll go with him" sabi ni Sam
"nasisiraan ka na ba?" hindi ko nga nakilala ng husto ang lalaking yon"
"pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masa sayo" ani Sam
"you know, that's the problem with you. hindi ko alam kong magagalit, maiinis o matutuwa ako sayo. kung sana ay nanahimik ka na lang noon"
"we can't bring back what's past. pero nararamdaman kong gagawa tlaga ng gulo ang Mark na yon. baka kung anong sabihin niya, malilintikan ako sa mama at papa. ang higit na ikinatatakot ko ay ang health condition ng mama ng Mark na yon. sabihin na lang kaya natin sa kanila ang totoo"
"maaaring maintindihan nila tayo pero hindi ang Mark na yon"
"wala ng ibang paraan Sab. sabi mo pa nga mabait sayo ang family niya, hindi naman siguro nila AKO papatayin. sabihin mong payag ka na Sab"
"Sam..."
"mas kailangan ka dito dahil sa trabaho mo. palagay ko ay makakaya mo ng harapin si Mark kung sakali mang bumalik na siya sa trabaho. hindi ko kayang mag pretend ng matagl sa office mo dahil may mga decision na ikaw lang ang makakagawa. ako kayang kong palabasin na gusto ko lang mag scout ng mga bagong fashion trend sa abroad. don't worry, i'll talk to his family at magpapaliwanag. i'm sure mauunawaan din nila ang totoo"
huminga ng malalim si Sabrina...
"ano ba tong napasukan ko?"
"sige na wag ka ng mag alala, kaya ko namang alagaan sarili ko. isa pa, ayokong sumama ang loob mo sa akin. mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa'yo. sige na Sab..."
"are you sure?"
tumango si Samantha...
"iisipin ko na lang na nagbabakasyon lang ako. yon lang din ang alam kong paraan para mabawasan ang guilt ko"
habang natitigilan si sabrina ay dinampot ni Sam ang phone. tinawagan niya ang ina at sinabi ang plano niyang pagbabakasyon. hindi naman naghinala ang ina na may kakaiba roon. ng matapos ang pakikipag usap sa ina ay iniabot ni Sam ang phone sa kakambal...
"call Him"
[align=center]Chapter 4[/align]
Bagama't kinakabahan hindi nagpahalata si Samantha ng ihatid siya ni Sabrina sa airport. nagsuot ng shades si Sab ang binago rin niya ang style sa pananamit. paniniguro lang yon na hindi siya makikilala ni Mark.
"there He is" bulong ni Sab sa kakambal
ngunit lalong bumilis ang tahip ng dibdib ni Sam nang makita ang mukha ng lalaki. God, he's so handsome! hindi naman niya kasi inisip na pangit ang lalaki pero hindi ganun ka gwapo.
"panu, iiwan na kita?" sabi ni Sab
"sige"
"mag iingat ka"
"i will"
"call me, okay?"
tumango lng si Sam at nilapitan ang naghihintay na lalaki...
"who was that?" agad na tanong sa kanya ni Mark
"my sister" sabi ni Sam
"your twin sister Samantha. balita ko mabait siya, hindi gaya mo!"
napalunok na lang si Samantha. may bitbit na suitcase ang lalaki at kaya pa naman nitong magbitbit ng isa pa pero hinayaan lang siya nito. Ungentleman ba ito o galit lang talaga sa kanya? they never had a talk until the plane started to take off.
"wag na wag kang magkakamaling pakitaan ng masama ang Mama ko, sasakalin kita. I'm not kidding!"
hindi tumugon si Sam...
"ano, nalunok mo na ba ang dila mo?"
"wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat ng gusto mo para mabayaran ko ang kasalanan ko sayo"
"very good. madali ka naman palang kausap ngayon"
matapos ang mahabang biyahe ay narating din nila ang America...
"magpasalamat ka sa Mama dahil gusto niyang tratuhin kita ng maganda. ako pa rin ang sinisisi niya kung bakit bigla ka nawala. ito ang tandaan mo, dati kitang GF sa ayaw natin at sa gusto" sabi ni Mark habang sakay na sila ng taxi
"paano tayo naging mag boyfriend?" nakuhang itanong ni Sam...
"ngayon pa lang isipin mo na tutal naman ikaw ang nagsimula nito. sabihin mo agad sa akin pag naisip mo na"
huminga ng malalim si Sam. ngayon naman ay kailangan niya mag imbento ng kwento. ilang minuto rin siyang natahimik.
"okay, sabihin mo na lang na madalas akong nagpupunta dito. nagkita tayo sa isang fashion show at nasundan pa ang pagkikita natin"
"at fashion designer ka gaya ng kapatid mo?"
saglit na natigilan si Sam...
"wala na akong maisip na iba pang paraan"
"okay"
kapuna puna naman ang pagbabago ng kilos ni Mark nang dumating na sila sa bahay nila. kinuha ni Mark ang sariling suitcase pati na rin ang kay Sam...
"Mark..."
"yes?"
"what do you do for a living?"
"i'm a system analyst for Wells Fargo at downtown LA. This is our house"
"how long have you been here in America?"
"twenty years. si Mama lang makakasama natin dito. mamaya lang babalik na si Frida sa house nila"
who's Frida?" tanong ni Sam
"my younger sister. she's married now"
tumango na lang si Sam...
bakas na bakas ang tuwa sa mukha ni Neri nang makita ang kasama na anak...
"oh, hija, salamat at nagbalik ka" sabay hug kay Sam
parang kinurot ang puso ni Sam nang makitang nakaupo sa wheelchair ang ginang. lumapit siya rito at yumakap...
"i'm sorry" bulong ni Sam
"oh, don't say that. hindi ikaw kundi ang lokong ito ang may kasalanan. anyway, kalimutan na natin ang nakaraan. ituring natin yong blessing-in-disguise. mukha kang mabait hija"
nahihiyang ngumiti si Sam. kamuntik na namang masamid si Mark...
"have you had dinner?"
"tapos na po Mama" sabi ni Mark
"kung ganun ay mag rest na kayo"
nang bumaling si Sam ay nahagip ng paningin niya si Frida...
"Hi!" sabi ni Sam
ngumiti naman si Frida at nilapitan siya at nag beso beso...
"hindi na ako magtatagal. bahala na kayo dito ha" sabi ni Frida
tumango lang si Sam. sinamahan na ni Mark sa isang room si Sam...
"ayusin mo na lang ang mga gamit mo dyan sa closet sa bandang dulo"
tumango ang dalaga at binuksan ang closet. natukso siyang buksan ang left side niyon...
"this is full of clothes" sabi ni Sam kay Mark
"My clothes"
"your clothes?" ulit ni Sam "and this is your room???"
"right"
"wait a minute. tatlo ang rooms sa house na to, right?"
"yeah, isa sa Mama, isa sa akin at ang isa naman ay ginawa kong bodega"
"ibig mong sabihin dalawa tayong matutulog dito???"
"pwede ba, wag ka ng magmalinis. i know your type. hindi kita pag i-interesan"
kahit nasaktan sa sinabi ni Mark ay wala namang planong makipagtalo si Sam...
"i'll see if i can do something to that room" sabi ni Sam
"don't bother. ang alam ng Mama may nangyari na sa atin before. ngayon pa ba tayo magkakahiyaan?"
"hindi tayo magkaanu-ano Mark. at alam mong hindi totoo yon"
"after what you did, she's not gonna buy that. ako pa nga ang masama di ba?"
"okay, saan ka matutulog?"
"eh di sa bed! san pa ba?"
"there's only one bed here! for god sake!" inis na sabi ni Sam
"tama ka. pero hindi mo naman kayang occupy lahat yan pwera na lang kung umiikot ikot ka habang natutulog"
napailing na lang si Samantha at naupo sa gilid ng bed...
"do you really think this is a good idea???"
"no, but i have no other choice. nakukuliglig na ang tenga ko sa mga sermon at bintang na Mama. at kahit naman palasermon siya, mahal na mahal ko yon"
"ano bang ini-expect niya sa akin Mark?"
"since hindi naman siya naniniwala sa katwiran ko, sinang-ayunan ko na lng...gusto niyang pakasalan kita"
"KASAL!?!?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Sam
"don't worry, wala akong plano. sinabi ko sa kanya na wala kang bilib sa kasal at gusto mo lang na makipag-live in. kaya nga tayo nagkahiwalay --- KUNO!"
"ang sama mo naman!"
"ako pa ang masama"
"para mo na ring sinabi na ang mga tulad ko ay hindi dapat pinakakasalan!"
"ang sabi ko, wala akong balak pakasalan ka, ewan ko ang ibang lalaki. here's the deal: alagan mo si Mama hanggang sa maging emotionally stable na siya. then unti unti mong iparamdam sa kanya na nagkakamali siya ng paniniwala sa katauhan mo"
"what do you mean?"
"sinabi ko naman sayo, mukha kang mabait sa paningin niya. and Mama likes you so much. pag okay na siya, magpakita ka ng boredom sa situation mo at kunwari ay hindi na tayo nagkakasundo. for now, kailangang okay tayo dahil hindi siya naniniwala na wala kang gusto sa akin ahil sa ginawa mo ung araw na kasal ko"
"okay, gusto ko ng magpahinga, pwede bang lumabas ka na muna?" ani Sam
"gusto ko na ring magpahinga"
"magbibihis lang ako, pwede???" iritang sabi ni Sam
"okay, just in case hindi mo napansin, may banyo dyan, pwede ka ri magbihis dyan" sabi ni Mark.
lumabas naman ang binata gaya ng sabi ni Sam...
[quote]sunod n lng ung ibah
)
)[/quote]