Re: im found mei OLD stori....gosh mtgal qn hanap toh s Documents....now q lng nkita...nhalo pla s folder ng mama q :lol::lol:
[align=center]
[img]http://www.freewebs.com/lovekagome/Chibis%20Kissing.bmp[
[align=center]Chapter 12
[/align]
"Sam...papasukin mo ko please...let me explain everything. nagbago na ako. i beg you, forgive me..."
[b]
galit na binuksan ni Sam ang pintuan.[/b]
"anong gagawin, pakakasalan mo ako tapos kung sinu-sinong babae ang papatulan mo? go to hell, Mark!"
"magmula ng tumira ka sa bahay, hindi na ako nagkaroon pa ng kaugnayan sa ibang babae"
"Liar! nagkakamali ka kung inaakala mong tanga ako, Mark"
"i know you're not. dahil ba sa pabango at lipstick sa shirt ko?"
[b]
ayaw ng sagutin ni Sam ang tanong na iyon.[/b]
"obviously iyon ang dahilan kaya nasabi mo ang bagay na iyan. sinunod ko lang naman ang advice ni Erwin para malaman kung may pagtingin ka rin sa akin
"so para malaman mo kung magseselos ako, nambabae ka nga?"
"wala sabi akong babae!" napataas na rin ang boses ni Mark. dinig iyon hanggang sa baba kaya nagkatinginan ang mga nakaupo sa sofa."doon kami nag inuman ni Erwin sa bahay nila. nilagyan niya ng pabango at lipstick ng mommy niya ang shirt ko. believe me it was entirely his idea. i know its crazy but that's the truth"
"kahit ano pa ang sabihin mo, hindi pa rin tamang paglaruan mo ang damdamin ko"
"kaya ko lang naman nagawa yon dahil takot akong mapahiya sayo. nasabi ko kasi na hindi ako magkakainteres sayo. pero nagkamali ako. inisip ko noon na kung talagang walang halaga sayo kung ma-involve man ako sa iba, ililihim ko na lang ang nararamdaman ko. Sam, i'm not perfect but i'm willing to change just for you. becuase...i love you..."
lumapit si Sam sa binata at pinagbabayo ito sa dibdib. "i hate you, Mark! i hate you! i hate you!"
"sige, ilabas mo lahat ng galit mo sa akin. it could help you ease the pain" ani Mark
hinayaan ang dalaga sa ginagawa nito. pero kusang tumigil si Sam at tinalikuran ang binata. ipinatong ni Mark ang mga kamay niya sa balikat ng dalaga.
"marami kang dapat malaman kung bibigyan mo kami ng Mama ng pagkakataong magpaliwanag. you have no idea how you touched our lives. alam mo bang twenty years na ang nakalilipas nang huling tumapak sa Pilipinas ang Mama? wala na siyang balak bumalik pa dahil sa di magandang nakalipas. ikaw lang ang nakapagpabalik sa kanya, Sam..."
biglang humarap si Sam kay Mark, nagtatanong ang mga titig niya. pinahid ni Mark ang luha ng dalaga at tumango.
"gusto sana niyang siya mismo ang magtatapat sayo ng buong katotohanan. nais niyang marinig ang pagpapatawad mo. In a way she lied to you, but her affection towards you was real. you we're the answer to her prayer. We love you Sam"
pumikit si Samantha...
"God..." she groaned
lakas-loob na kinabig ni Mark si Sam palapit sa kanyang dibdib. this time wala ng pagtutol sa dalaga. umiyak na lang siya sa dibdib ni Mark. hinaplos ni Mark ang likod ni Sam at hinagkan ang buhok nito.
"Hush, Baby...lets start a new life together, the right way. iyong walang pagkukunwari. could we?"
aniya at bahagyang inilayo sa kanya ang dalaga para makita ang reaction nito...
"heto na naman ba ako, Mark, magpapakatanga?"
ngumiti si Mark...
"you're not stupid Baby, you're just honest and giving. ako ang malaking tanga kung pakakawalan pa kita"
"what now?" nalilitong tanong ng dalaga sa kawalan ng masabi.
"let's get married"
"what?" medyo natatawang tanong ni Sam.
"sa palagay mo ba mangangahas akong mag-imbento ng kuwento sa mga parents mo kung wala akong intention na pakasalan ka?"
"a---anong sinabi mo sa kanila?"
"hindi mo ba narinig kanina?"
umiling si Samantha...
"ang narinig ko lang ay ang sinabi ni Sabrina"
"i told them that something happened between us in the states. kung hindi agad dumating si Sabrina baka napatay na ako ng Papa mo. iyon din ang idinahilan ko kay Sab para mapilitan siyang iharap ka sa akin"
Biglang nalito si Sam...
"inimbento mo lang yon?"
hindi makapaniwalang tanong ni Sam na nagpagulo rin sa isipan ni Mark...
"i wish it did happen"
natigilan si Sam. kung ganoon ay wala talagang natatandaan si Mark sa nangyari sa kanila...
"what gave you that idea?" nakuhang itanong ng dalaga
"madalas kitang napapanaginipan"
"you we're just dreaming?"
natigilan si Mark sa sinabi ni Sam...
"meron ba akong dapat malaman Sam?"
mabilis na umiling si Sam...
"wala" nangingilap ang mga matang sabi niya.
pero iba ang kutob ni Mark..."there's always a way to find out everything"
hinila niya sa kamay ang dalaga...
"halika sa baba, makipag usap tayo sa kanila"
"saka na lang Mark. i don't think i'm ready. hindi pa nakakabawi ang family ko sa shock"
"gusto ko lang mapanatag sila. kung ayaw mo pang magpakasal, nakahanda akong maghintay. ang importante ay hindi na sila mag-alala pa. ayaw mo pa naman siguro akong ipapatay?"
nakangiti si Sam at napasunod na lang kay Mark. halos magkapanabay na napaangat ng tingin ang mga nasa salas nang makita nilang hila-hila ni Mark si Sam sa isang kamay. naupo ang dalawa sa harapan ng mga magulang ng dalaga. hindi magawa ni Sam na salubungin ang tingin ng mga magulang.
"siguro naman ay nakapag-usap na kayong dalawa?" ani Rafael
"Yes, Sir. muli ho akong humihingi ng tawad dahil sa gulong nangyari. gusto ko lang hong ulitin sa inyo na mahal ko si Sam. I've learned that the feeling is mutual"
"ang importante sa akin ay naayos na ang gulong ito at hindi magiging talunan ang anak ko"
"iyan din ho ang hinahangad ko. but she's not yet ready to get married"
"kung ganoon ay wala nang problema. siguro nga ay kailangan nyo na rin ng panahon para mapaghandaang mabuti ang lahat" ani Rafael
Huminga ng malalim si Mark.
"gaya niyo ayoko ring maging unfair sa magiging anak ko"
parang bomba na namang sumabog iyon sa pandinig ni Rafael.
"you mean, Sam is pregnant?"
"Mark!" apila ni Sam at biglang binalingan ang ama..."hindi totoo yon Papa..."
"are you kidding me, young man?" matigas ang tono ni Rafael nang tanungin si Mark.
"Sam please let me tell them the truth. kailangang matapos na to" baling ni Mark sa nag aalalang dalaga
napipilan ni Sam ang helplessness...
"nahihiya siyang malaman ninyo ang kundisyon niya kaya gusto niyang ipagpaliban pa ang pagpapakasal. but what's the point? we love each other, kawawa naman ang anak ko. hindi ko alam kung may iba siyang binabalak"
"alam mo Mark, pinasakit mo nang husto ang ulo ko pero palagay ko ay tama ka" ani Rafael na binalingan si Andrea.
"tama ang Papa mo hija" ani Andrea sa anak. "alam mo ang tradition ng family perosa kaso mo, hindi naman ito pakikialam dahil mahal naman ninyo ang isa't isa. kailangan nyong magpakasal as soon as possible. at huwag na huwag mong isiping ipalaglag ang bata para lang makaiwas sa usap usapan"
"Mama, hin----"
"tama na" putol ni Rafael sa sasabihin ni Sam
"ano hong masasabi niyo Mrs Andrade? ani Rafael sa Mama ni Mark
"sa palagay ko ay tama kayo"
"sige asikasuhin nyo na ang dapat asikasuhin, sagot ko ang gastos" ani Rafael
"salamat po. pero hindi na kailangan. may naipon naman po ako"
"alam ko. pero wag nang matigas ang ulo mo. gawin nyong sinasabi ko. ilaan mo na lang ang pera mo sa negosyong pwede mong ipundar dito sa Pilipinas. doon sa Amerika may amo ka, kung gusto mong maglaan ng mas mahabang panahon sa pamilya, di mo agad agad magagawa. isipin mo ang sinasabi ko"
napatingin si Mark sa ina.
"tama ang Papa ni Sam, Hijo. malaki na ang pinagbago ng Pilipinas, sa palagay ko ay mas masarap pa ring mamuhay sa sariling bayan"
ginagap ni Sam ang kamay ni Mark at tinanguan...
"hindi ka man magsalita alam ko ang iniisip mo. itabi mo yang pride Hijo, walang maidudulot na maganda yan. ang mahalaga, nagkakasundo kayo at mahal mo ang anak ko"
parang babagsak ang luha ni Mark nang mga sandaling yon pero sinikap niyang wag patangay sa emotion...
"hay naku, nadagdagan na naman ang mga anak ko" ani Rafael at tumayo
nagsitayuan na rin ang lahat. lumapit si Mark kay Rafael at inilahad ang palad.
"maraming salamat po"
nakipagkamay naman si Rafael kay Mark at tinapik ito sa balikat.
"mag check out na kayo sa hotel, dito na muna kayo tumuloy"
"salamat, balae" ani Neri at binalingan si Sam..."maaari ba kitang makausap nang sarilinan, Hija?"
tumango si Sam...
"doon na lang po tayo sa room ko"
"magpapahanda ako ng pagkain, habang nag uusap kayo" ani Andrea at niyaya si Sabrina patungo sa kitchen.
[b]naiwan sa salas sina Mark at Rafael...[/b]