[spoiler]las chap nah.... xori L8 upd8 q at bitin xiado

... tnxx s nag read ni2[/spoiler]
[align=center]Chapter 13[/align]
"I'm so sorry, hija" ani Neri at ginagap ang isang palad ng dalaga.
"kalimutan na po natin iyon, Mama"
"salamat at tinawag mo uli akong Mama. gusto ko pa ring ipaalam sayo ang dahilan. kahit hindi umeksena noon ang kakambal mo sa kasal ni Mark, talagang gagawa ako ng paraan para hindi yon matuloy. alam kong mali pero pinagsabihan ko na iyon at naipaunawa ko na rin kay Mark. hiniling ko noon sa diyos na magmilagro sa araw ng kasal at ikaw ang ibinigay niya"
"ako po?"
"napakaliit talaga ng mundo. wala na sana akong balak pang ipaalam sa mga anak ko ang kuwento sa likod ng pagkamatay ng kanilang ama. sa palagay ko ay mauuwi rin sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Cyril ang babaeng kasama ng asawa ko sa kotse nang maaksidente ito. They were lovers. magkakasama kami sa ospital noong bago pa ako mag resign bilang nurse"
"paano nyo nalaman?"
"because we had a fight two days before the accident happened. gusto na niyang makipaghiwalay sa akin. inilihim ko iyon sa mga bata. i only find out who was the woman behind when Cyril's father told me about his suspicions. minanmanan niya ang galaw ng asawa niya at may natuklasan siya"
"my God, don't tell me..."
"sa akin lang niya sinabi ang totoo, Sam, at kailan ko lang ito ipinaalam kay Mark. kung hindi ko napatunayang mahal ka ng anak ko maaaring hindi na niya nalaman pa ang totoo"
"i know this is not easy for you, huwag nyo nang sabihin ang iba pa, nauunawaan ko na ho kayo"
ngumiti lang si Neri...
"natanggap ko ng lahat. he didn't kill them, maaaring siya ang dahilan. natuklasan ng dalawa na nakabuntot ang sasakyan ng ama ni Cyril sa kanila kaya binilisan nila ang pagmamaneho. natakot marahil sila sa maaaring gawin ng ama ni Cyril"
"paano kung nagkatuluyan nga sina Mark at Cyril?"
"ewan ko, ang mahalaga ay tapos na ang ugnayan ko sa kanila dahil sayo. halos patayin ko noon ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang maitaguyod at mapag aral ko ang dalawa kong anak. but i'm not bitter anymore dahil mapagmahal ang mga anak ko. lalo pa ngayong papalaki na ang pamilya ko"
"Mama, its not true, imbento lang ni Mark ang pagbubuntis ko"
"Hija, kapag pinagdudahan ko siya, baka hindi niya ako mapatawad. He's desperate to have you. galit na galit siya sa akin nang araw na umalis ka. may dala pa siyang pasalubong at mga bulaklak. Remember what i've told you? kinain niya ang mga sinabi niya na hindi na siya manunuyo pa ng babae"
"paano nyo nga pala napaniwala ang lahat tungkol sa kalagayan ninyo?"
"may kaibigan akong doctor at siya ang tumingin sa akin. kasama iyon sa plano ko. Patawad Hija..."
ngumiti si Sam at iniawang ang mga braso niya sa ginang...
"wala na iyon, Mama"
"salamat hija"
"ang mabuti pa ay magpahinga muna kayo sa guest room, alam kong pagod na kayo. mamaya ay ipakikilala ko kayo sa lola josefina ko. nakatulog siya bago kayo dumating. kakausapin ko muna si Sabrina"
ngumiti si Neri at tumango. nang bumaba sa hagdanan si Sam ay nakita niya sina Rafael at Mark na nasa bar. nakatalikod ito sa direction niya kaya hindi na niya inabala pa. natagpuan niya ang ina at ang kakambal sa kitchen...
"Sab, can i have a moment with you?"
sabay na napalingon ang mag ina. nilingon ni Sabrina ang kanyang Mamang si Andrea...
"sige Hija, ako nang bahala rito" ani Andrea at nginitian ang mga anak.
pumasok ang dalawa sa music room at saka pa lamang nagsalitang muli si Sam...
"I'm so sorry kung nasampal kita kanina"
"wala yon, kalimutan mo na iyon. ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo. alam ko naman na ako ang blacksheep sa family eh!"
mabilis na niyakap ni Samantha si Sabrina...
"oh, please don't say that. dahil sa ginawa mo, napatunayan kong concerned ka rin pala sa akin. Thank you, Sab..."
"wala akong ginawa kundi ipasalo sayo ang consequences ng mga kalokohan ko. tuloy makakapag asawa ka ng wala sa oras" napahagulhol na sabi ni Sabrina
kinalasan ni Sam ang kapatid at pinahid ang luha nito...
"that's why i'm so thankful. kung hindi dahil sayo, hindi ko makikilala si Mark"
"sigurado ka bang masaya ka?"
"very much"
umirap si Sabrina..."buti ka pa!"
bahagyang natawa si Sam at pinahid ang luha sa gilid ng mata niya...
"hindi ka pa rin nagbabago"
"sa akin mo ihagis ang boquet sa araw ng kasal nyo ha?"
"hindi ko na ihahagis, iaabot ko na lang sayo para sigurado"
masayang lumabas ang dalawa at magkaakbay pa ito nang bumalik sa kitchen na para bang walang nangyari.
"salamat naman at nagkasundo na ang kambal ko" ani Andrea
"Ma..." ani Sam
"yes, Hija?"
"pwede po bang tawagin niyo na ang Papa?"
"hindi ba nag-uusap lang sila ni Mark"
"ayokong malasing si Mark"
"uyyy may binabalak..." tukso ni Sabrina
"loka! malakas humilik yon pag lasing"
ngumiti langsi Andrea...
"O siya, kumain na tayo para makapagpahinga nang maaga"..."hon, wag mo raw lasingin yang manugang mo sabi ng anak mo" biro ni Andrea kay Rafael.
"paano ko lalasingin ito eh halos ayaw ngang galawin ang ibinigay ko?"
"ayaw mo raw talagang uminom, tama ba ang narinig ko kanina?" ani Sam kay Mark nang mapag - isa na sila
"hindi naman ako lasenggo ano"
"hmmmmm bakit sa america halos gabi-gabi yata umiinom ka?"
"para makaiwas ako sa tukso. alam mo bang daig ko pa ang pinarurusahan tuwing nakakatabi kita? pero wala naman akong magawa"
"wala ka nga bang ginawa?"
"malakas ang kutob kong may nangyari. pero paano ko yon mapapatunayan, ayaw mo namang magsalita? now, would you like to confess?" aniya at dinaganan si Sam
"you're CRAZY! you expect me to tell you that while you're dreaming, you made love to me?"
"but the situation is different now, Baby. tell me the truth"
"NO!"
pinagapang ni Mark ang mga kamay niya sa likod ni Sam...
"did i force you, Baby?" he said teasingly. sinundan pa yon ng paghalik ni Mark sa buhok ng dalaga.
napapikit si Sam. "Mark..." she groaned
"aminin mo na please..."
"we---we made..."
tumigil si Mark...
"really???"
namula si Sam...
"gusto mo akong pagtawanan? iniisip mo ba na ako ang nag initiate ng bagay na yon?"
"of course not. masyado kang defensive, hindi ko lang akalain na maiisahan mo ako"
"what did you say?"
"shhh...gusto ko lang makabawi. I've missed half of my life. kaya nga ayoko talagang uminom ngayon. pwede bang replay yong nangyari?"
but his hands were already starting to get rid of her clothes...
"Mark, paano yong..."
"yong ano?" ani Mark ngunit hindi naman tinatantanan si Sam
"yong...yong...I---I forgot..." anang dalaga
"yeah you forgot to tell me that you love me too" bulong ni Mark
"i love you Mark"
halos hindi na mabigkas mabuti ni Samantha ang katagang yon...
[align=center]the END[/align]