Re: im found mei OLD stori....gosh mtgal qn hanap toh s Documents....now q lng nkita...nhalo pla s folder ng mama q :lol::lol:
[align=center]
[img]http://www.freewebs.com/lovekagome/Chibis%20Kissing.bmp[
[align=center]Chapter 6[/align]
[b]Mabilis na tinungo ni Sam ang kinaroroonan ng telephone ng tumunog yon.[/b]
"Hello"
"Sab, this is Mark"
"tatawagin ko ba ang Mama mo?"
"wag na. pakisabi na lang na baka late na akong umuwi. wag niyo na akong hintayin sa dinner, may pupuntahan kami ni Erwin"
"okay" sabi si Sam
[b]agad namang ipinarating ni Sam kay Neri ang sinabi ni Mark.[/b]
"kilala mo ba si Erwin, hija?"
"a---ah..."
[b]ngumiti si Neri...[/b]
"ang mabuti pa ay kumain na tayo at doon natin ipagpatuloy ang kwentuhan"
[b]tumango lang si Sam pero naroroon ang pangamba dahil nagsisimula nang mag-usisa si Neri. afritada ang ulam nila. at si Sam ang nagluto niyon sa tulong ni Neri.[/b]
"hmmm, masarap! pagsisisihan ni Mark na hindi siya naghapunan dito. hindi bale ipagtitira natin siya. ilagay na lang natin sa ref"
[b]ngumiti lang si Sam...[/b]
"alam mo, may palagay akong hindi mo pa gaanong kilala si Mark. ewan kung nai-kwento niya na sa'yo pero ako na ang magsasabi tutal nagsasama na rin naman kayo"
[b]hindi man sumagot ang dalaga. nararamdaman ni Neri ang expression ng mukha nito.[/b]
"kung natuloy ang kasal nila ni Cyril, hindi ko masisiguro kung gaano itatagal ang pagsasama nila"
"bakit naman ho?" sa wakas ay naitanong ni Sam
"i'm sure hindi nai-kwento sayo ni Mark ang tungkol kay Margot"
[b]umiling si Sam..[/b]
"first love ni Mark si Margot. american ang father ni Margot at filipina ang ina. lahat ng gusto ni Margot ibinibigay niya ngunit isang araw, sinabi ni Margot na bigla na lang naglaho ang nararamdaman niya para kay Mark"
"pwede pala yon, Mama?"
"naniniwala ako roon, hija. pero nahirapan si Mark na tanggapin yon. magmula noon ay parang nagpapalit lang siya ng damit kung makipag-relasyon. tinanong ko siya kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya dahil hindi na siya bata. alam mo kung ano ang sagot niya? mag-aasawa rin siya kapag thirty years old na siya. at magpapakasal siya sa babaeng makakaunawa sa kanya at never na raw na manunuyo pa siya. well, hindi ko gusto ang philosophy niya pagdating sa bagay na yon. but he's a very sweet and loving son. kung magkakasundo lang kayo, i'm sure in the future, magbabago rin siya at kakainin lahat ang mga sinabi niya"
"k---kumusta na ho si Cyril?" lakas loob na tanong ni Sam
"i don't think they really love each other. madali siyang makaka recover sa nangyari sa kanila ni Mark"
"paano niyo ho nasabi yon?"
"alam mo hija, kung talagang buo ang tiwala niya kay Mark, pakikinggan niya ang paliwanag nito. pero mabuti na rin at nangyari ang bagay na yon. kwentuhan mo naman ako, hija, siguro sa ganda mong yan ay marami ka naging boyfriend bago mo nakilala ang anak ko ano?"
[b]bahagyang napatawa si Sam...
[/b]
"honestly, wala po"
"hindi ako naniniwala kung sasabihin mong walang nanliligaw sayo noon"
"meron naman ho, kaya lang gusto ko kung makikipag relasyon ako, for keeps na"
"kung ganoon, bakit hindi mo tanggapin ang alok na kasal ng anak ko?"
[b]
nakaramdam ng tension si Sam...[/b]
"ah...hindi naman ho sa ganoon, gusto ko rin kasing makitang sincere na siya dahil ayoko ho ng divorce"
"pinahanga mo ko hija, wag kang mag-alala, kapag may problema ka kay Mark, sabihin mo lang sa akin. maaasahan mo ko sa lahat ng panahon, hija. alam mo bang gustong gusto kita para sa kanya?"
[b]gustong malunod sa tuwa ng puso ni Sam...[i]but your son hates me[/i]...hindi na naisatingi pa ang sinabing yon[/b]
"salamat po" tanging nasabi ni Sam
"i really mean it hija. sana lang ay mapagpasensiyahan mo si Mark. naniniwala akong ikaw ang makapagbabalik sa dating malambing na si Mark. halos sambahin niya noon si Margot, pero ganoon lang siguro ang buhay. kung hindi nangyari yon, wala ka rito ngayon. si Erwin nga pala, barkada niya yon since college, siguro niyayaya lang na makipag-inuman"
[b]tumango lang si Sam. gusto sana niyang magtanong tungkol sa ama ng binata pero inisip ni Sam na baka magtaka ang ginang na wala siyang nalalaman sa bagay na iyon.[/b]
[b]tulog na ang dalaga nang umuwi si Mark. as usual pabiling biling ito sa higaan. si Mark naman, hindi na nakuhang magpalit ng damit dahil naghahalo na ang antok at epekto ng alak sa system nito. makailang beses na tumama ang braso at paa ni Sam sa katawan ng binata. inis lang na inaalis ito ni Mark at pilit na nagpatuloy sa pagtulog. kinabukasan ay naka two piece na naman si Sam pero hindi na siya umimik pa. kumbinsido na siya na nagagawa niyang maghubad habang natutulog.
after a week, hindi na nakatiis si Mark, kumuha siya ng comforter at inilatag sa carpet at doon na lang natulog. three nights after nagulat si Sam ng may maulinigan siyang parang dumadaing. kaagad siyang napabalikwas at kinapa ang touchlamp. nakita niya si Mark na parang kinakapos sa paghinga. mabilis na nilapitan ni Sam at tinapik sa pisngi.
[/b]
"Mark...wake up!"
[b]nang hindi pa rin nag respond si Mark. niyugyog na niya ito. saka lang nagising si Mark na napahugot ng malalim na hininga.[/b]
"it's such a bad dream" sabi ni Mark
[b]inabutan ni Sam ng towel si Mark at nagpunas naman ito ng pawis.
[/b]
"ikukuha kita ng water"
[b]
hindi kumibo si Mark. matapos makainom..[/b]
"salamat"
"dito ka na matulog. mukhang hindi ka sanay matulog diyan"
[b]tumango si Mark at lumipat na sa bed.[/b]
"sige matulog ka na" sabi niya sa dalaga
[b]
nang sumunod na gabi, kinausap muna ni Mark si Sam bago sila natulog.[/b]
"Sab, pwede bang hubarin mo na lang yang terno mo?"
[b]nagsalubong ang kilay ni Sam.[/b]
"binabastos mo ba ako?"
"don't get me wrong. ikaw nga ang naghuhubad diyan eh"
"so, sinasabi mong ako ang bastos?"
[b]huminga ng malalim si Mark. hindi niya malaman kung matatawa o maiinis sa dalaga.[/b]
"kung plano kitang pagsamantalahan, sana ginawa ko na noon pa. gusto ko lang naman makatulog ng mahimbing"
"bakit ikaw, kapag naunahan mo ako ng tulog, sa palagay mo ba ay nakakatulog ako kaagad?"
"bakit ano bang ginagawa ko?" nagtatakang tanong ni Mark.
"para ka lang namang may amplifier sa ilong"
"i'm sorry, hindi ko alam kung malakas man akong humilik, tulog na ako obviously. kaya nga ayusin natin ito. lagi mo akong ginugulat. hangga't hindi mo naaalis yang suot mong terno, hindi mo rin tinitigilan ang mukha at katawan ko sa mga punches mo"
"so, kasalanan ko?"
"no, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako malisyosong tao. when we go to the beach, mas grabe pa diyan ang scenery. i suggest you better do it. huwag mo lang sanang mamasamain, just wear what you used to for your own comfort. para makatulog tayo"
"ikaw makakatulog, paano naman ako?"
"okay, lagi na lang kitang pauunahin sa pagtulog"
"paano kung hindi pa ako makatulog at di mo na mapigil ang antok mo?"
"well, its up to you. gisingin mo ako o di kaya ay pitikin mo ang ilong ko"
[b]pipigilin sana ni Sam ang pagtawa pero hindi niya nagawa.[/b]
"sige na nga. tumalikod ka muna" utos ni Sam kay Mark.
[b]ginawa naman ni Mark ang utos ng dalaga as if hindi nito nakikita ang anyo nito kung naka underwear lang. matapos hubarin ni Sam ang terno niya ay humiga na siya sa bed at tinakpan ng blanket ang katawan. pumikit na ang dalaga samantalang si Mark naman ay nagbasa muna ng spy novel. Mark is right, the arrangement worked for them.
napapadalas ang pag uwi ni Mark ng late. wala namang plano si Sam na sitahin ang binata pero bakit nag aalala siya? malalim na ang gabi pero nag iisip pa rin si Sam. naalala niya ang sinabi ng Mama ni Mark na parang damit lang kung magpalit ng nobya si Mark. nagseselos ba siya? dapat na ba niyang tapusin ang kalokohang pinasukan niya? halata ang pamumugto ng mga mata ni Sam kinaumagahan. si Neri ang sumita sa binata.[/b]
"saan ka na naman ba nanggaling kagabi, Mark? tingnan mo yang si Sab, mukhang hindi nakatulog sa pag aalala sayo. matinong babae si Sab kaya igalang mo siya"
[b]nagtataka rin si Mark na hindi siya naiirita sa sinabi ng ina ngayon. sumagot siya ng mahinahon.[/b]
"kasama ko lang si Erwin, Mama. hayaan niyo babawasan ko ang paglabas labas sa gabi"
"dapat lang!"
[b]nakikinig lang si Samantha at walang planong makihalo sa usapan ng mag ina. ang hindi niya alam, pinag-aaralan ng dalawa ang reaction niya...[/b]
[align=center]Chapter 7[/align]
"Oh, Hi! How are you?" interesadong tanong ni Sabrina nang tawagan siya ng kakambal na si Samantha.
"okay lang ako"
"kailan ka uuwi?"
"hindi ko pa alam"
"hindi ka ba nahihirapan sa situation mo diyan?"
"okay lang. sina Mama, kumusta?"
"as usual. hindi mo ba sila tatawagan?"
"tatawagan, inuna lang kita. kapag nakibalita sila sayo, sabihin mong maglilibot pa ako sa Europe kaya baka matagalan. sasamantalahin ko na kamo ang pagkakataon"
"Sam, are you really okay?" mukhang malungkot ka. baka naman tinatago mo lang ang totoo. pinagmalupitan ka ba ng gag*ng yon o di kaya...oh my god, Sam...wag mong sabihing pinagsamantalahan ka niya?"
"wag mong takutin ang sarili mo, matinong lalaki si Mark. hindi siya mapagsamantala"
"teka lang, parang iba yata ang kutob ko. hindi kaya nai-inlove ka sa lalaking yon?"
[b]Sam took a sigh...[/b]
"hindi ko alam, Sab"
"what?!?!?"
"siguro nga, pero wala siyang gusto sa akin"
"oh God, you're in trouble"
"No, okay lang ako. siguro gagawa ako ng paraan para makauwi na kaagad"
"Sam..."
"yeah???"
"hindi ba gusto mo ipaalam ko noon ang tunay kong damdamin kay Mark, bakit hindi mo gawin ngayon sa Mark na yan? malay mo, siya pala ang tamang lalaki para sayo. at kapalaran talaga ang naghatid sayo diyan"
"ngayon ko na-realize na hindi nga yon ganun kadali. mas madaling gawin ang bagay na yon kung hindi ikaw ang involved. pero sa kaso ko, palagay ko makakalimutan ko rin siya kung makakaalis ako rito ng mas maaga"
"then do something"
"i will. dont you worry. sige tatawagan ko pa sina Mama at Papa. pakibisita mo na lang ang office ko, pwede?"
"sure. take care"
"you too. bye"
[b]ngunit iba ang totoong naramdaman ni Sam. dahil kapag nale-late ng uwi si Mark, nagdaramdam siya. kapag di niya ito nakikita, namimiss niya ito. si Neri naman ay napamahal na sa kanya. One o'clock na pero wala pa rin si Mark. tahimik na napaluha si Samantha. hindi niya yon maunawaan dahil ano ba ang dapat niyang i-expect kay Mark? He's not her husband. kasama ba niya ngayon ang bago niyang girlfriend? kung parang damit lang ito kung magpalit ng GF, hindi ba niya ako nakikita? O, hindi ako papasa sa standard niya?
two thirty na ng umaga ng umuwi si Mark. gising pa rin si Sam pero nagtulog-tulugan lang siya. lasing na lasing si Mark at halos hindi makalakad nang normal. hinatid na nga lang ito ni Erwin pauwi. pabagsak itong naupo sa kama. naramdaman ni Sam ang pag uga ng bed pero hindi siya kumilos, pinangatawanan niya ang pagtulog-tulugan.
maalinsangan ang pakiramdam ni Mark kaya hinubad niya ang kasuotan at iniwan lang ang underwear nito. ganoon siya tuwing nalalasing nang husto. ilang sandali pa ay naghihilik na si Mark. hindi na nag abala pa si Sam na tapikin o pitikin sa ilong ang binata, pinanatili na lang niyang nakapikit ang mga mata.
maya maya ay umungol si Mark. napalingon si Sam sa katabi dahil mukhang nananaginip na naman ito. gigisingin na sana niya ng biglang idantay ni Mark ang binti nito sa katawan niya. pagkatapos ay ang kamay nito sa bewang niya. napalunok si Sam. tatanggalin sana niya ang kamay ng binata nang maramdaman niyang gumagapang ang kamay nito at humahaplos sa katawan niya. kasabay niyon ay ang paghalik nito sa parte ng leeg niya.
napapikit si Sam. gusto niyang kumawala pero iba ang binubulong ng puso niya. a puff of hot breath lit her skin and she was aware of the unfamiliar sensation. nasumpungan ni Mark ang lips ni Sam. it made her blood rush violently. then [i]SHE KISSED HIM BACK???[/i] carefully, as though making a promise.
maya-maya pa ay lalo pang naging mapangahas si Mark. naging erratic ang tibok ng puso ni Sam. nanaig ang pusong umiibig na tila malulunod sa kakaibang damdamin na experience niya.
He really thought he was just dreaming...the most wonderful thing he would love to experience again and again. then he was beginning to feel the terrible lust. his movement became erratic, hasty and uncontrollable. they...
...MADE LOVE...
napasubsob si Mark sa leeg ni Sam, his gasp was hoarse. in a moment, he was very calm.
nang hindi na matiis ni Sam ang bigat ni Mark ay maingat niya itong inilayo sa body niya...[/b]
[align=center]Chapter 8
[/align]
[b]Medyo masakit ang ulo ni Mark nang tumunog ang alarm clock pero kailangan niyang pumasok sa trabaho. sinadya ni Sam na wag munang bumangon kahit maaga siyang nagising. nang maramdaman niya ang pagkilos ni Mark ay pinangatawanan niya ang pagtulog tulugan. nang tanggalin ni Mark ang comforter ay napansin niya ang kahubdan. natandaan niyang nalasing siya ng husto kagabi at halos di na niya matandaan kung paano at anong oras siya nakauwi. aware din siya na naghuhubad siya tuwing nalalasing.
sinulyapan ni Mark ang dalaga. nakita niyang tulog na tulog pa ito. nakahinga siya ng kaunti at mabilis na kinuha ang robe at pumasok sa bathroom. habang nag shower ay hindi maiwasan ni Mark ang maghinala. ilang beses na ba niyang napapanaginipan ang dalaga ngunit kagabi ay kakaiba. para bang totoong totoo ang mga pangyayari at parang naramdaman niya ang pagtugon nito sa mga halik niya.
[i]
God, did i do something stupid last night?[/i] hindi niya mapatawad ang sarili niya kung sakali. ngunit paano nga ba niya malalaman ang totoo? awkward naman kung itatanong niya ito kay Sam. dapat bang silipin niya ang katawan ng dalaga sa loob ng comforter?
[i]
No![/i] naiiling niyang sabi sa sarili. its all but a dream. kung may nangyari kagabi, tiyak magbabago ang pakikitungo niya sa akin. hanggang sa makalabas ng bathroom si Mark ay natutulog pa rin si Sam. pero bakit parang nagi-guilty siya? hahayaan na lang ba niya ang dalaga kung kelan ito magigising at ito ang magpaliwanag sa kanya kung meron ngang dapat linawin? may oras pa naman, siya na ang maghahanda ng breakfast. pagkatapos niyang mag-prepare ng breakfast ay kinatok ni Mark ang silid ng ina.[/b]
"oh, nasaan si Sab?"
"tulog pa po, hindi ko na ginising"
"siguradong napuyat na naman yon. naramdaman ko pa nang dumating ka kagabi. akala ko ba ay babawasan mo na ang paglabas labas mo?"
[b]hindi masalubong ni Mark ang tingin ng ina[/b]
"hindi lang nakatanggi, Ma" at nagmamadali ng kumain
[b]hinayaan na muna ni Neri ang anak upang makakain naman ito ng almusal[/b]
"Ma, i have to go, marami akong gagawin sa office ngayon" at hinagkan ang ina
[b]ang totoo, mas pinangangambahan ni Mark na magising si Sabrina dahil baka totoo ang hinala niya. hindi niya alam ang tamang sasabihin sa dalaga. kailangan matiyak niya kung may damdamin nga ito para sa kanya gaya nang madalas niyang ikunsulta sa kaibigang si Erwin.
nang marinig ni Sam ang familiar na ugong ng sasakyan ni Mark, saka lang siya nagmulat ng mga mata. matamlay na tinungo ni Sam ang shower at naglagi roon ng mga ilang minuto. inisip niya kung aware si Mark sa namagitan sa kanila kagabi. she felt so stupid dahil nagpadala siya sa baliw niyang damdamin. she cried. nang lumaon ay nagpasya siyang i-off ang shower at nagsuot na ng robe.
natigilan siya sa pagsuklay ng buhok nang makita niya ang reflection sa salamin. para siyang may isa pang katauhan at sinusumbatan siya sa nangyari. what happened was your entire fault! lasing si Mark at hindi ka tumanggi.
marahang katok sa pintuan ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad.[/b]
"hija?"
"yes, Mama?" tugon ni Sam at mabilis na binuksan ang pintuan
"naistorbo ba kita?"
"hindi po, kakatapos ko lang maligo. palabas na po talaga ako. pasensiya na kayo kung tinanghali ako ng gising. maghahanda na ho ako ng almusal"
"No, hija, kumain na kami ni Mark. natakpan ang pagkain mo sa table"
[b]tumango lang si Sam[/b]
"are you alright, hija?" ani Neri matapos pag aralan ang anyo ng dalaga. "namumugto ang mga mata mo. nagtalo ba kayo ni Mark? sinaktan ka ba niya?"
[b]mabilis na umiling si Sam
[/b]
"hindi k na po namalayan ang pag uwi niya kagabi"
[b]pagsisinungaling ni Sam.[/b]
"then, whats bothering you?"
"wala po. namimiss ko lang family ko sa pilipnas"
[b]nakaramdam naman ng guilt si Neri sa tinuran ng dalaga.[/b]
'im sorry about that, hija. kung gusto mo munang umuwi sasabihin ko kay Mark, basta babalik ka rito"
"No, its okay, Mama. tatawagan ko na lang sila"
"nahihiya ako sayo, hija. siguro doon na muna ako kina Frida"
"Mama, okay lang ako. may mga bagay lang po talaga na hindi maiwasan, gaya nito. makakapag adjust din ako"
"ikaw ang bahala. but dont hesitate to tell me your problem, okay?"
[b]tumango si Sam...[/b]
"kumain ka na muna"
[b]pagdating na pagdating ni Mark sa office ay telepono agad ang dinampot ni Mark...[/b]
"i need to see you" anya kay Erwin
"my goodness, pare, im working!"
"i know. pero mamayang lunchtime"
[b]
Erwin took a sigh...[/b]
"may problema na naman ba?"
"sa tingin ko ay meron. but im not really sure. siguro kailangan ko ng kumilos"
"okay, parating na si Boss. see you later. bye"
[b]maagang umuwi si Mark ng araw na iyon. nag uwi pa siya ng pizza at roasted chicken. nahalata niya ang pangingilap ng mata ni Sam. nadagdagan ang guilt na nadarama ni Mark. mas magiging madali sa kanya ang kausapin ang dalaga kung malalaman niya kung may damdamin din ito sa kanya.
huminga ng malalim si Mark. paano kung totoo ngang may namagitan sa kanila at pinuwersa niya ang dalaga? sana ay nagpakita ito ng galit sa kanya. samu't saring hinala ang nasa isipan ni Mark. maaaring hindi niya aaminin ang totoo para i-save ang pride niya, but thats absurd! mas dapat niyang magsalita. pero paano niya iha-handle ang situation gayong di naman niya lubusang nakikilala ang dalaga? tama si Erwin, kailangang malaman ko ang magiging reaction niya.
patungo na siya sa dining room upang dalhin ang uwi niya ng sitahin siya ng kanyang ina.
[/b]
"bakit parang iba ang gamit mong perfume?"
"ho?" aniya at inaamoy pa ang sarili. "iyong dati pa rin naman ang pabango ko Mama"
[b]nangingilap ang mga mata ni Sam at hindi maiwasang kabahan. naaamoy din niya ang pabangong tinutukoy ni Neri. familiar din sa kanya ang gamit na pabango ni Mark at gaya ni Neri, naghihinala rin siya na pabango iyon ng babae. ibang babae, obviously.[/b]
"magbibihis lang ako then kumain na tayo habang mainit pa ang food" sabi ni Mark na hindi tiningnan ang isa man sa mg kasama.
[b]inihanda na ni Sam ang table. si Neri naman ay nag-iisip na ng sasabihin sa anak mamaya. hindi niya mapapalampas ang ginawa ni Mark, not while Sabrina is around.
kaunti lang ang kinain ni Sam. nag volunteer na si Mark na siya na ang magliligpit ng pinag kainan nila. nagpaalam na si Sam na papasok na sa room. ngunit isang sorpresa ang nadatnan niya. hindi maayos ang pagkakalagay ni Mark sa hinubad nitong damit sa laundry basket kaya inayos ni Sam. ngunit natigilan siya nan mapansin ang bahid ng lipstick sa may kwelyo ng shirt ni Mark.
Pakiramdam ni Sam ay unti unting nauubos ang lakas niya. ipinaloob na niya iyon sa basket at nahiga na sa bed. tahimik siyang napaluha at di naman masisi si Mark lalo pa at alam niyang wala itong gusto sa kanya. siya lang ang nag-iilusyon. lalaki si Mark at mapusok. maaaring dahil sa kalasingan ay inakala nitong girlfriend ang nakatabi.
She must save herself from her miseries. kailangan na niyang lisanin ang tahanang ito. nakakahiya ang nangyari sa kanya! ngunit ano ang sasabihin niya kay Mark, nagseselos siya? [i]No![/i]
naisip niya si Neri. she's always been so good to her. para siyang tunay na anak kung ituring nito. kung napagsisilbihan man niya si Neri, hindi nya ito maituturing na sakripisyo dahil mabait ang ginang at hindi naman siya nahihirapan.
magpapalipas pa siya ng mga ilang araw at saka makikipag usap kay Mark. hindi pwede ngayon dahil baka maghinala ito na nagseselos siya gayong alam naman ni Mark na naririnig niya ang paninita ni Neri.
ngayong kumbinsido na siya na may babe si Mark, mas nararapat siguro na mag asawa na ito at patirahin ang babaeng iyon dito kapalit niya. siya naman ay haharapin ang buhay na sadyang nakalaan sa kanya.
nananakit na ang ulo ni Sam sa madalas na pag iyak. nagpasya na siyang kontrolin ang emotion dahil baka datnan pa siya ni Mark sa ganoong situation. sa palagay niya ay walang nalalaman si Mark sa namagitan sa kanila. kung meron man, binabalewala lang nito dahil wala naman talaga itong pagtingin sa kanya. ipinamumukha pa nito sa kanya ang kawalang halaga niya. nawala man ang iniingatan niya, sinong makapagsasabi ng totoo? hindi ko iyon aaminin sayo para pagtawanan mo lang ako, Mark. masakit man.
dalawang oras pa ang lmipas ay pumasok na rin sa room nila si Mark. nakita niyang nakapikit ang dalaga. marahan siyang umupo sa bed at pinakiramdaman ang dalaga. napansin niya ang hinubad niya, maayos na ang pagkakalagay sa laundry basket.
ano kaya kung kausapin ko na siya? pero mukhang natutulog na. God, namumugto ang mga mata niya. huminga ng malalim si Mark. maybe this is not the right time. bukas na lang, kung apektado siya ngayon, malamang hindi kami magkakaintindihan ngayon.
[/b]
[b]Chapter 9[/b]
[b]Almost three a.m. nang maramdaman ni Sam ang pagdantay ng braso ni Mark sa ibabaw ng tummy niya. mababaw lang ang naging tulog niya at mabilis na bumabalik ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw sa gunita niya. tuluyan ng nagising ang dalaga. marahang inalis ang kamay ng binata at tinalikuran niya ito. ipinikit lang niya ang mga mata kahit ayaw ng dalawin ng antok. ilang minuto pa ang lumipas nang may maramdaman si Sam sa paligid. parang narinig niyang may kumakaluskos sa kabilang room. wala naman sigurong magnanakaw sa paligid. patuloy lang na nakikiramdam si Sam. hindi kaya si Mama Neri, yon? Baka may kailangan siya.
Sandaling natahimik ang paligid. inisip ni Sam na baka guni-guni lamang niya iyon. ngunit di niya mapigil ang kabang nadarama. marahan siyang tumayo at maingat na lumabas. madilim ang paligid pero may naririnig siyang kaluskos mula sa kusina. lalong dumalas ang kaba ng dalaga. nakayakap lamang siya kaya naiiwasan niyang makalikha ng ingay. naisip ng dalaga na kung may intruder sa bahay, kailangan niyang maging handa. hindi pa naman sigurado na may ibang tao nga roon kaya minarapat niyang magmatyag na muna nang nag-iisa. maingat niyang tinungo ang kinaroroonan ng figurine at kinuha iyon upang may maipandepensa sa sarili kung sakali.
Naka-off ang ilaw sa kitchen pero lalong lumalakas ang kaluskos. may napansin siyang liwanag kaya napasilip siya. halos tumigil ang hininga niya sa pagkabigla. natutop ni Sam ang bibig niya at naluluhang naiiling. [b]Niloko niyo ako! Niloko niyo ako![/b] matapos uminom ay isinara na ni Neri ang ref. kasabay niyon ay naglaho ang liwanag na dala niyon. binuksan na niya ang dalang flashlight at nagsimula nang humakbang pabalik sa silid niya.
mabilis namang kumubli sa Sam sa likuran ng sofa. umalis lang doon ang dalaga nang makalagpas ang ginang at masiguro niyang nakabalik na ito sa silid niya. nanghihinang umupo sa sofa si Sam. ngayon alam na niyang hindi totoong paralitiko si Neri, wala ng dahilan para magtagal pa siya sa bahay na ito. noon din ay nagpasya si Sam na babalik na sa Pilipinas. tumawag si Sam sa airline upang magpa reserve ng flight patungong pilipinas. madalang ang bumibiyahe nang panahong iyon kaya siniguro sa kanya ng kausap na makakauwi siya sa araw na iyon.
Pinlano ni Sam ang mga sumusunod pang gagawin. bumalik na siya sa silid at muling nahiga. pag alis ni Mark mamaya ay ihanhanda na niya ang mga gamit niya. hinintay ni Sam na magising si Mark at tulad kahapon, nagkunwari siyang tulog. masamang masama ang loob niya kay Neri, itinuring pa naman niya itong parang ina. wala na siyang balak pang kausapin pa ito. nang makaalis si Mark ay kaagad niyang inihanda ang suitcase niya, pagkatapos ay gumawa siya ng letter para sa mag-ina.
Hapon pa ang flight ni Sam pero kailangan niyang makarating sa airport nang mas maaga. after lunchtime ay nagpapahinga sa room nito si Neri. sasamantalahin ni Sam ang pagkakataong iyon na makalabas ng bahay. nakatulog si Neri at alas kuwatro na nang hapon nagising. wala si Sam sa paligid, inisip niyang nakatulog din ito kaya hindi na niya hinanap.
Nang tumunog ang telephone ay si Neri na rin ang sumagot[/b]
"hello?"
"Ma..."
"O, Hijo..."
"huwag na kayong magluto ng hapunan. mag-uuwi na lang ako ng pagkain. I'm on my way home"
"tamang tama, natutulog pa si Sabrina, hindi ko na aabalahin para magluto"
[b]napangiting sabi ng ginang. naramdamman niya ang sigla ng tono ng anak, marahil ay natauhan na ito at gustong bumawi sa dalaga. nasa salas lang si Neri at nanonood ng TV. Humalik si Mark sa ina at napansin naman ni Neri ang mga bulaklak na dala ni Mark. ngumiti ang ginang. [/b]
"hindi ako magtatampo kung di man ako ang pagbibigyan mo niyan"
[b]
Kinindatan lang ni Mark ang ina at inilapag sa centertable ang pagkaing uwi niya. pagkatapos ay tumuloy na siya sa bedroom nila ng dalaga para sorpresahin ito. ngunit siya ang nasorpresa ng blangkong room. humahangos niyang tinungo ang ina.
[/b]
"Mama..."
"bakit, hijo?"
"sabi niyo natutulog si Sab. bakit walang tao sa room?"
"baka naman nasa bathroom?"
[b]kinakabahan si Mark pero iniisip pa rin niya ang posibilidad sa sinabi ng ina. si Neri naman ay pinagulong ang wheelchair at napasunod sa anak. lumikha ng ilang pagkatok si Mark sa pintuan ng bathroom. nang walang makuhang tugon ay nangahas siyang pihitin ang knob at agad namang nabuksan ang door. [/b]
"She's not here!"
[b]lalong lumakas ang kaba ni Mark.[/b]
"anong wala?"
[b]kinakabahan na sabi ni Neri[/b]
"hindi ako iiwanang mag isa ni Sabrina dito dahil sa kalagayan ko. i know her"
"pero nasaan siya, Mama?"
[b]parang masisiraan ng bait na sabi ni Mark. naisipang niyang buksan ang closet na pinaglalagyan ng damit ng dalaga. wala na ang mga gamit ng dalaga. kapuna-puna ang dalawang envelope na naroon.[/b]
"I...I think this one is for you"
[b]medyo nanginginig ang tono ni Mark. wala pa naman siyang nababasa ay kinatatakutan niya ang nilalaman ng liham.
[/b]
[i]Mark,
I guess i have nothing to explain to you anymore. i've wasted some time of my life with you and your mother. kung ano man ang naging kasalanan ko sa'yo pinagbayaran ko na yon nang higit pa sa nararapat. Huwag mo na akong guluhin, Mark. ang alam ko lang, hindi niyo na ako kakailanganin pa.
Sabrina[/i]
[b]Napasulyap si Mark sa ina at nanghihinang umupo sa kama[/b]
"ang laki kong gag*! sinaktan ko siya Mama"
hindi kaagad nakapagsalita si Neri. napahagulhol siya dahil sa nilalaman ng letter. maikli lang iyon pero sapat na para maramdaman niya ang sakit na naidulot niya sa damdamin ng dalaga.
[i]Mrs. Andrade,
You made a fool out of me. I didn't realize that until this day, 3:45 a.m.
Sabrina[/i]
"I'ts not your fault, Mark"
"i think it is, Mama" kung kailan gusto kong sabihin sa kanya ang totoo, saka naman niya ako iniwan. sana kahapon ay kinausap ko na siya"
No, you dont understand" sabi ng ginang at tumayo mula sa kinaluluklukang wheelchair.
"M---Mama?!?" daig pa ni Mark ang makakita ng multo...
"wHY???" puno ng hinanakit angtono nito.
"I'm sorry, son. please let me explain..." ani Neri habang hindi maampat sa pag iyak
[align=center]Chapter 10[/align]
[b]si Sabrina mismo ang sumundo kay Samantha sa airport. tinawagan ni Sam ang kakambal para magpasundo sa driver pero minabuti niyang siya na mismo ang sumundo sa kapatid. naghihinala siyang may kakaibang nangyari sa panahon nang pamamalagi ni Sam sa amerika. mahigpit ang yakap ni Sam kay Sab nang salubungin siya nito. kaagad na hinila ni Sabrina si Samantha patungo sa sasakyan.[/b]
"what happened?"
[b]
umiling lang si Sam...[/b]
"are you all right? hindi ka ba talaga magsasalita?"
"pag uwi na lang please"
[b]habang nasa biyahe ay tahimik ang dalawa. manaka- naka ay sinusulyapan ni Sab si Sam. madalas niya itong nahuhuling nagpapahid ng luha. napapailing na lang siya at napabuntong hininga na lang.
One week later. nasorpresa ang totoong Sabrina nang may madatnan siya sa opisina nang araw na iyon. ngunit pinanatili niyang matatag ang sarili.[/b]
"what are you doing here, Mark?"
[b]
saglit na natigilan si Mark dahil parang naninibago siya sa kaharap.[/b]
"I---I guess we really need to talk"
"sa loob tayo mag-usap. pakidalhan mo kami ng kape" aniya sa nadaanang secretary
"kasama ko ang Mama, naiwan lang siya sa hotel ngayon. nakikiusap siya na sana ay harapin mo naman at pakinggan, Sam. magpapaliwanag siya kung bakit kinailangan niyang magsinungaling"
"what for, Mark?"
[b]Iba talaga ang kutob ni Mark. kahit halos hindi masasabi ang pagkakaiba ng kambal, para bang kilala niya ang babaeng nagpatibok ng puso niya sa pamamagitan ng mga mata nito.[/b]
"i had this feeling that you're not Sabrina"
"bakit, dahil ba mukhang tanga ang babaeng nakasama mo sa states at hindi mo na kayang bilugin ang ulo ko ngayon?"
"i'm sorry, that's not what i mean. gusto kong humingi ng tawad" aniya at yumuko si Mark
[b]Sabrina considered a moment to study his gesture[/b]
"hindi ba sinabi kong wag mo na akong guguluhin?"
"nakukunsensiya ako, Sabrina!"
"i'm glad at meron ka non. gusto kong sabihin sa'yo na kaya kong burahin sa alaala ko ang panahong inilagi ko sa inyo ng Mama mo. kung anuman ang problema ninyong mag-ina, hindi na ako magpapagamit pa sa inyo. wag kang magkakamaling pagbantaan ako gaya noon dahil babaliktarin ko ang sitwasyon ngayon. hindi mo lubusang kilala ang family ko at kung ano ang kaya naming gawin, Mark. If i were you, i'll go back to the states and make a life! if you'll excuse me, i have so many things left undone"
"luluhod ako sa harapan mo para mapatawad mo lang ako Sabrina" puno ng emosyong sabi ni Mark.
[b]bagama't hindi nagpahalata, nabagabag naman ang damdamin ni Sabrina.[/b]
"i tell you, it doesnt make sense"
"i know how much i hurt you. pero malakas ang kutob ko na may namagitan sa atin, aminin mo man o hindi. wala bang halaga sa'yo ang sarili mo? I LOVE YOU Sabrina! marami pa akong gustong ipaliwanag sa'yo..."
[b]ikinagulat ni Sab ang nalaman niya kay Mark. hindi niya akalaing umabot sa ganoon ang lahat. ang alam niya ay niloko sila ng ina ni Mark. sa labis na hinanakit sa nangyari sa kapatid ay hindi niya napigilang sampalin si Mark.
[/b]
"how dare you!" sabi ni Sabrina at napaiyak
[b]
hahawakan sana ni Mark si Sabrina pero pinigilan siya ng dalaga sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay.[/b]
"Bullsh*t!" galit na sabi ni Sab "ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo. hindi ako ang nakasama mo kundi si.....ang kakambal kong si Samantha"
"what???" si Mark naman ang nagulat pero kaagad na nakabawi. "kaya pala iba ang pakiramdam ko"
"how dare you!" paulit ulit na naiiyak na sabi ni Sabrina kay Mark. "alam mo kung ano ang pagkakaiba namin ni Samantha? masyado siyang mabait at mapagbigay, tuloy napapahamak siya!" at muli na namang naiyak.
"i'm so sorry. pwede ko ba siyang makausap?"
"ewan ko kung dapat pa ba?"
"please...parang awa mo na. sa panahon ng pamamalagi niya sa amin, napamahal na siya ng tuluyan sa akin"
"ayokong madagdagan ang sakit na nadarama ng kapatid ko, Mark. iba na siya nang bumalik mula sa states. mula sa pagiging malambing, naging malungkkutin na siya. minsan kasalanan din niya kung bakit nagiging maldita ako sa kanya dahil ini-spoiled niya ako. can't you see? she doesn't deserve this! gusto kitang patayin, alam mo ba un?"
"i know" ani ni Mark at namagitan ang katahimikan...