Pages: 123

  2008-10-28 02:36:47

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: im found mei OLD stori....gosh mtgal qn hanap toh s Documents....now q lng nkita...nhalo pla s folder ng mama q :lol::lol: [align=center] [img]http://www.freewebs.com/lovekagome/Chibis%20Kissing.bmp[

Chapter 11 "Good afternoon!" "Good afternoon" ganting bati ni Andrea (ang Mama ni Sam at Sab) sa di nakikilalang panauhin. lumabas si Rafael mula sa gallery at nakita niya na may kausap ang asawa. "Good afternoon Sir!" napahakbang palapit sa dalawa si Rafael "Good afternoon!" "ako po si Mark Andrade" "have a seat. what can we do for you, Mark?" "K---kaibigan po ako ni Sam" "oh, she's here. na-miss daw kami kaya dito siya natulog kagabi. sandali, tatawagin ko" "sandali lang po, kayo po ang sadya ko" "a---ako?" nagtatakang tanong ni Rafael "opo. kayo po" biglang kinabahan ang mag-asawa pero minarapat nilang pakitunguhan ang lalaki "malaki ho ang kasalanan ko kay Samantha" kumunot ang noo ni Rafael... "anong ibig mong sabihin?" yumuko si Mark "gusto ko hong pakasalan ang inyong anak" "ano???" magkapanabay na tanong ng mag-asawa sa pagkabigla "bigla ka na lang susulpot dito at hihingin mo ang kamay ng anak ko. bakit mag nobyo ba kayo?" ani ni Rafael na nagsisimula ng uminit ang ulo "alam kong kahit sinong magulang ay magagalit sa nagawa ko. pero hayaan niyo sana muna akong magpaliwanag. nakahanda ho akong tanggapin kung anumang parusa ang igawad niyo sa akin. wala na akong ililihim dahil gusto kong patunayan na malinis ang intention ko sa anak ninyong si Sam at mahal ko siya" mahigpit ang pagkakagagap ni Andrea sa kamay ng asawang si Rafael kaya pinilit ng lalaki na magpakahinahon "sige, magpaliwanag ka" ani Rafael kahit halos umakyat na sa ulo ang dugo nito sa tension shock na shock ang mag-asawa sa narinig. maging si Andrea ay walang makuhang sabihin. nanginginig sa galit si Rafael nang tumayo ito para umbagin si Mark. "Papa, wag!" ngunit nagawa na ni Rafael ang marahas na action. nilingon nito ang paparating na si Sabrina "ako ang nagpapunta sa kanya rito. hinamon ko siya na sabihin niya sa inyo ang totoo. i was anticipating this to happen. kanina pa dapat ako umuwi kaya lang may dumating sa office, hindi ko maiwan" "anong kalokohan itong pinaggagawa ninyo, Sabrina?" ibig bang sabihin nito ay hinayaan mong gawin ito ni Sam. paano kung napahamak ang kapatid mo?" "i'm so sorry, Papa. pero hindi naman namin akalaing aabot sa ganito ang situation. isa pa, nagpupumilit din noon si Sam" "sorry??? bakit hindi niyo agad pinaalam sa amin ng Mama mo?" "si Sam naman kasi Papa, lagi na lang siyang nagpapakabayani. hindi ko malaman kong tanga or nagtatanga-tangahan!" ang hindi alam ng lahat ay nasa dulo ng hagdanan si Sam at narinig ang sinabi ni Sabrina. napaluha ang dalaga. maya-maya ay isang bisita pa ang dumating. "Mama!" nagulat na sabi ni Mark "i'm sorry, hijo, hindi ko matiis na hayaan kang magpaliwanag nang nag-iisa dahil ako ang may kasalanan kay Sam" "Babae ang anak ko, hindi ako papayag na maagrabyado siya" ani Rafael parang sumakit bigla ang ulo ni Andrea. "sandali lang, hindi natin pwedeng pangunahan ang damdamin ng anak ko" "bakit, Sabrina?" puno ng hinanakit na tanong ni Samantha na ikinagulat ng lahat "Sam...i'm sorry" "No, you're not! nagbayad na ako sa katangahan ko, gusto ko lang ng katahimikan. bakit hindi mo ako napagbigyan? i decided to do that because I CARE FOR YOU. ito pa ba ang maririnig ko sayo?" nanghihinakit pa ring sabi ni Sam kay Sabrina "Sam, hija, pakinggan mo sana ang paliwanag ko" sabat ni Neri "utang na loob, umalis na kayo! umalis na kayo!" sigaw ng dalaga "you heard my daughter" ani Rafael "No, wag kayong aalis!" pagmamatigas ni Sabrina "shut up Sabrina! sa pagkakataong ito ako pa rin ang masusunod dahil ako ang ama ninyo. magkikita na lang tayo sa korte" sabi nito sa mag-ina. "hindi ko na ito mapapalagpas. pinagbantaan niyo ang anak ko kaya napilitang tumira sa inyo" "just let them go, Papa. hindi sila kawalan sa akin" sabi ni Samantha. "gusto ko lang ng katahimikan please" napailing si Rafael. "all right, since ikaw lang ang inaalala ko, pagbibigyan ko sila. umalis na kayo" "hindi ka matatahimik hanggat hindi mo tinatanggap ang totoo Samantha" giit pa rin ni Sabrina "SHUT UP!" hindi na napigilang bulyaw ni Samantha sa kakambal na si Sab "sinabi ko kay Mark na mahal mo rin siya. im sorry hindi ko lang matanggap na mauwi lang sa ganito ang pagsasakripisyo mo" lumuluhang nilapitan ni Sam ang kapatid at sinampal "how dare you!" tinanggap iyon ng buong puso ni Sabrina "i deserve it" umiling si Sam at napaatras "Dear God!" nasabi ni Andrea at napaupo sa sofa "Sam..." tawag ni Mark hindi lumingon ang dalaga. tuloy tuloy lang ang pagtakbo nito patungo sa room niya. hindi maiwasan ni Mark ang mag-alala nang labis. inisip niyang hindi lang nasaktan kundi napahiya rin. baka makaisip itong gumawa ng kung ano kaya sinundan niya ito. aawatin sana ni Rafael ang binata pero hinila siya ni Andrea sa kamay. "kung totoo ang sinabi ni Sabrina, pabayaan na natin silang ayusin ang gulong ito. kung ano ang mapagkasunduan nila pagkatapos mag-usap, dapat natin yong igalang" wala ng nangahas pang magsalita...

Pages: 123

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 05:58

[ 12 queries - 0.019 second ]
Privacy Policy