Pages: 123

  2008-10-26 04:56:12

mitchelyn
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
563
0
1969-12-31

Re: im found mei OLD stori....gosh mtgal qn hanap toh s Documents....now q lng nkita...nhalo pla s folder ng mama q :lol::lol: [align=center] [img]http://www.freewebs.com/lovekagome/Chibis%20Kissing.bmp[

Chapter 5 Negligee ang nakasanayang isuot ni Samantha sa pagtulog. kung minsan nga ay naka bikini lang siya dahil mas presko sa pakiramdam niya ang ganun. ngunit sa pagkakataong ito at minabuti niyang magsuot ng terno na pajama. pagkatapos niyang pantulog ay nahiga na siya sa bed. kaagad niyang kinuha ang body pillow at inilagay sa gitna para magkaroon ng division sa pagitan nila ni Mark. pagod na siya at gusto na ring mag rest. ipinikit niya ang mga mata ngunit subconscious sa paligid, lalo na ng pumasok si Mark sa room. aware pa rin si Sam na naroon na si Mark pero minabuti niyang magpanggap na natutulog. tahimik na ang paligid kaya maging ang paghugot ni Mark ng malalim na hininga ay narinig niya. pagod na rin si Mark kaya matapos niyang magpalit ng pantulog ay nahiga na rin sa tabi ng dalaga. saglit niyang pinagmasdan ang mukha ni Sam at saka tumagilid paiwas. ilang sandali pa ay narinig na ng dalaga ang paghilik ni Mark. bukod sa hindi sanay na may katabi, lalong hindi sanay si Sam sa ingay ng paghilik. gustong gusto niya ng hampasin ng unan ang lalaki. biglang kumilos si Mark kaya naalarma si Sam. nakahinga siya ng maluwag ng nag iba lang pala ito ng position. pansamantalang natigil sa paghilik ang lalaki. gayunpaman, hindi pa rin makuhang matulog ni Sam. ngayon ay malaya niya ng napagmasdan ang mukha ni Mark. Gwapo talaga! at parang natutunaw na naman ang puso niya sa anyo ng lalaki. pinag aralan ni Sam ang damdamin niya pero wala siyang makapang takot sa piling ni Mark. kung may pinangangambahan man siya yon ang pagkakahulog ng damdamin niya sa lalaking ito. ang lakas talaga ng dating ni Mark para sa kanya pero kailangan maging maingat siya. inabot na ng madaling araw ang dalaga sa kakaisip sa posibleng kahihinatnan ng ginagawa niyang ito. nang mapagod ng husto ang isipan ay saka lang siya nakatulog. dahil hindi comfortable sa suot na pantulog, maya't maya kung gumalaw si Sam. bukod sa pagbiling biling ay nariyan ding yakapin niya ang body pillow. nang bumaling siya sa kanan ay dala niya ang pillow. nang magawa ng matulog ni Sam ay nabitawan na rin niya ang unan. at dahil kalahati niyon ay naka hang sa bed, nalaglag yon ng muli siyang kumilos. nang muling bumiling sa kaliwa si Sam ay hindi na rin niya namalayan nang tumama sa mukha ni Mark ang braso niya, dahilan para magulat ang binata. babalikwas sana ng bangon si Mark nang maalala niyang may katabi siya bago matulog. napahugot na lang ito ng malalim na hininga at marahang inalis ang kamay ni Sam sa mukha niya. ngunit matapos ibahin ni Mark ang posisyon ng kamay ni Sam ay muli itong kumilos patungo sa bewang nya. mahigpit itong yumapos kay Mark at isiniksik ang ulo ni Sam sa tagiliran niya. hindi na magawang matulog ni Mark. sa likot ni Sam. habang lumilipas ang mga sandali ay nakaramdam naman ng kakaibang init si Mark. pinigil niya ang sarili na matukso dahil hindi naman siya ang tipong nananamantala. wala sa vocabulary niya ang mamilit ng babae kahit pa may kasalanan ito sa kanya. nang bumaling sa kanan si Sam ay nakahinga nang maluwag si Mark. ngunit pansamantala lang pala iyon at lalong hindi niya inakala ang susunod na kilos ng dalaga. napasulyap lang si Mark nang makita niyang napakamot sa waistline nito ang dalaga. maya maya ay parang walang pakialam si Sam na inililis ang pajama hanggang sa tuluyan na itong mahubad. nang itapo iyon ng dalaga ay tumama pa sa mukha ni Mark. God! nausal ni Mark at hindi niya napaglabanan ang sariling curiousity nang bumaba ang tingin niya sa shapely legs ni Sam. napalunok siya sa paghanga. hinfi natapos doon ang kalbaryo ni Mark dahil hinubad din ng dalaga ang pang itaas nito. naiwan na lang ang two-piece suit ng dalaga. na realized ni Mark na hindi sanay ang dalaga na matulog ng balot na balot ang katawan at napilitan lang ito dahil may ibang katabi. ngunit parusa ang ginagawang iyon ni Sam sa kanya. yaman din lang na hindi na siya makatulog, mas mabuti pa siguro kung lumabas na lang siya at sa salas na lang magpaumaga. akmang babangon na ang binata nang muling bumiling si Sam at yumakap sa binata. ipinikit na lang ni Mark ang mga mata niya at paulit ulit na nanalangin na huwag sana siyang matukso sa ginagawa ng dalaga. nag settle na sa position nito ang dalaga. hinayaan na lang ito ni Mark. kinaumagahan nang magising ang dalaga ay gulat na gulat siya nang makitang imbes na unan ay si Mark ang yakap niya. nanlaki ang mga mata ni Sam sa pagkabigla at napabalikwas ng bangon. nang maramdaman niya ang lamig na humaplos sa balat niya ay saka lang niya napansin ang anyo. kumunot ang noo niya at mabilis na hinila ang kumot at binalot sa katawan. "what did you do???" she sounded as if accusing him of anything tumayo na rin si Mark at napailing. "huwag mo kong pagbintangan nang kung ano ano. pasalamat ka at ako ang katabi mo. alam mo bang halos hindi ako nakatulog dahil sa kalikutan mo?" "ako? malikot??? hindi naman ah!" she said defensively "anong gusto mong isipin ko, inaakit mo ako?" "hoy! hoy! hoy! dahan dahan ka sa mga sinasabi mo ha! sabi ni Sam habang hinahagilap ang mga piraso ng damit niya. "okay, i assumed hindi ka sanay sa suot mong pantulog kaya sumobra ang likot mo. ilang beses mo pa nga akng nasapok eh! nang hubarin mo ang damit mo saka ka lang nakatulog" "at pinag-piyestahan mo ang katawan ko???" "hoy, mas sobra pa diyan ang mga nakita ko" sabi ni Mark na hinaluan na lang ng biro ang tono. "pwede ba, ang aga aga pa para makipag away. pakiramdaman mo nga ang sarili mo, may nagbago ba sayo? pasalamat ka nga at nakatulog ka. samantalang halos mamanhid ang balikat ko dahil sa ginawa mo itong unan" sabay stretch ng kanyang braso. napalunok ang dalaga sa pagkapahiya pero minabuti na lamang niyang huwag ng makipagtalo pa. pumasok siya sa bathroom at inayos ang sarili. pinagmasdan ni Sam ang anyo niya sa salamin. unang gabi pa lang niya sa bahay na yon at ito na kaagad ang nangyari. ano pa kaya ang susunod? ngunit napatunayan din niya na kahit may pagka pilosopo si Mark, mapagkakatiwalaan ito. kahit naman attracted si Sam sa binata, ayaw din naman niyang itaya ang dignidad niya bilang babae nang ganun ganun na lang. nangarap din naman siya sa sa future ay makatagpo ng lalaking magpapatibok ng puso niya at magmamahal sa kanya. tulad ng ibang babae, gusto niyang ialay ang lahat sa tamang lalaki. she likes Mark but love must be a two-way street. hindi namalayan ni Samantha ang mga sandali. nagulat pa siya ng katukin siya ni Mark. "Sabrina, matagal ka pa ba?" nagmamadali siyang kumilos at ng makalabas ay pumasok naman sa bathroom si Mark. ngunit muli nitong binuksan ang door. "magluto ka na ng breakfast, papasok pa ako" at muling isinara ang door anong akala nito sa akin, katulong? nakakunot ang noong sabi ni Sam sa sarili. muling bumukas ang pintuan "i know what you're thinking. alam mong hindi uso ang katulong dito sa america. si Mama ang nagluluto ng pagkain pero hindi pa niya kaya. and since ako ang nagta trabaho, ikaw ang gagawa ng mga gawain niya. may reklamo?" manghuhula ka ba? ngunit hindi na iyon naisatinig pa ni Sam. bumuntong hininga na lang siya at iniwan si Mark. mabuti na lng at mahilig siyang mag-usyoso sa mama niya tuwing naiisipang mag experiment sa kusina. bahagyang napapangiti si Samantha. ina-underestimate ni Mark ang kakayahan niya. inisip marahil ni Mark na typical rich man's daughter siya at ang mga gawaing bahay ay isang parusa. itinuring ni Sam na isang challenge ang presence niya sa bahay na ito. isang adventure sa life niya na maaari rin niyang maranasan sa hinaharap. habang naghahanda ng pagkain ay naalala niya ang ina. naitanong kasi niya minsan sa mama niya kung bakit nagpapakahirap pa itong magluto amantalang may katulong naman sila, tuloy nahiwa ito ng kutsilyo at natilansikan pa ng mantika. "when you love a person, you can never help giving him your best. even the impossible just to make him happy" sabi ng mama niya sa kanya "hindi ba alam naman ng papa na mahal na mahal mo siya at mahal ka rin niya kahit hindi niyo gawin yan? magagalit pa yon kapag nakitang nasugatan kayo" "Dear, im sure gagawin mo rin ang mga ginagawa ko in the future. simply because it makes you really happy. lalo na kapag pinuri ng mahal mo ang mga ginagawa mo para sa kanya. pero kahit pa hindi, ang pagkakataong masilbihan mo siya ay isa ng kaligayahan" nginitian lang niya ang makulit na si Samantha ngunit dahil sa pagsariwa ni Samantha sa mga alaala nila ng kanyang Mama, nasunog ang pini-prito niyang itlog. nang mapuno ng usok ang kitchen ay saka lang nataranta ang dalaga. nang mga sandaling yon ay itinutulak na ni Mark ang wheelchair ng ina palabas sa room nito.nagmamadali siya ng maamoy ang nasusunog na pagkain. napailing si Mark at kinuha ang frying pan. "next time, hinaan mo lang ang apoy kapag nagprito ka ng itlog" hindi na nakipagtalo si Sam. hinayaan na lang niya si Mark dahil halatang nainis ito. at nabigo siya na patunayang nagkakamali ito ng pagkakakilala sa kanya. nang magsalubong ang tingin nila ni Neri ay nginitian siya ng ginang. inabot nito ang kamay niya at pinisil. "its all right, hija. dont worry sa susunod tutulungan kita" naupo na lang si Sam at si Mark na rin ang naghanda ng lahat. parang ayaw niyang kumain sa pagkapahiya pero pinilit niya para hindi na madagdagan ang inis ng binata. "magpa deliver na lang kayo ng pagkain mamaya, Mama. ani Mark matapos ubusin ang almusal niya. "dont worry about us, hijo. matututo rin si Sabrina" tumango si Mark pero hindi mapalagay ang loob niya sa kapalpakan ng anak mayamang pag-iiwanan niya sa ina. kung hindi nga lang siya nakukulitan sa panenermon ng ina, hinding hindi niya susunduin ang dalaga. at wala sa vocabulary niya ang maunyo ng manuyo ng babae. lalo na ang sumunod sa kapritso nito. hinagkan na ni Mark ang ina bago ito magpaalam. nang makatalikod si Mark ay sinita siya ni Neri. "hijo..." "yes, Ma?" "nakalimutan mong hagkan ang asawa mo" "Ma, were not married" napalunok si Samantha sa narinig niya. "ganoon na rin yon. kasal lang naman ang kulang sa inyo. hindi dahil nasunog ni Sabrina ang itlog ay babalewalain mo na siya. ang babaw mo naman" napailing si Mark, at dahil ayaw ng makipagtalo ay nilapitan niya ang dalaga at mabilis na hinagkan sa pisngi. hindi na nakatanggi ang dalaga at lalong nabigla sa huling salitang binitiwan ni Mark. "bye sweetheart, take good care of Mama, okay?" bumaba ang tingin ni Sam sa nakatinging si Neri. napilitan na lang siyang tumango. nang mawala si Mark ay pansamantala siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. "pagpasensyahan mo na si Mark, hija" pilit na ngumiti si Sam "okay lang po yon. pasensiya na rin ho kayo kung nasunog ko ang itlog" "para yon lang. ako nga ang nahihiya sayo, halatang hindi ka sanay sa gawaing bahay. pati ako pasanin mo pa" "naku, wag niyo hong sasabihin yan. wala kayong dapat alalahanin sa bagay na iyan" "talaga, hija?" she nodded sincerely... "noong una pa lang ay naramdaman ko ng ikaw ang tamang babae para sa anak ko. sana naman sa pagkakataong ito ay magbago na ang pananaw niya sa buhay" hindi maunawaan ni Sam kong matutuwa ba siya sa sinabi ng ginang ngunit nag-iwan yon ng palaisipan sa kanya. gayunpaman, ayaw niyang alamin kung ano ang nasa likod ng sinabi ng ginang. "ah, Tita..." "Mama ang itawag mo sa akin" naiilang na ngumiti si Sam at tumango... "M---Mama, gusto niyo na po bang maligo?" "kaya ko ng maligong mag-isa, hija" "pero---" "salamat sa pag-aalala mo hija. alalayan mo na lang akong makapasok sa banyo. may upuang inilagay roon si Frida. kaya ko na yon at saka ayaw ko rin naman maging pabigat kahit kanino" "hindi ho kayo pabigat, Mama" "alam kong may mabuti kang kalooban, Sabrina. sundin mo na lang ang sinabi ko, isa pa, gusto kong maka recover agad" nasunod si Neri... "tawagin nyo na lang po ako kung kailangan niyo ng tulong" " sige, salamat, hija"

Pages: 123

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 19:47

[ 12 queries - 0.017 second ]
Privacy Policy