Pages: 123

  2010-04-05 13:48:00

sellahxhin
» FTalker
FTalk Level: zero
194
0
1969-12-31

late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

Right after that traumatic experience, sinubsob ko na ang sarili ko sa pagpa-piano. 5 pieces a day ang pinag-aaralan ko, I really have to do this para makamove-on na nang tuluyan. I belong to a music team named [i]The Luzon Music Guild[/i], nung hindi na feel magsayaw, naghanap na ako ng isang grupo na talagang magtatagal ako at babagay sa forte ko. Im not into RnB and HipHop music, siguo kaya kong sumayaw ng HipHop pero hindi matatagalan ng kaluluwa ko na maupo at makinig sa maingay na music na yon. Lalo naman ang rock! Dun ako sa mga Classical Music, kaya maraming inaantok pag hinihiram nila ang iPod ko =D. [b]10 : 30 pm [ sa bahay ][/b] Busy ako sa pagpe-perfect ko ng [i]Fur Elise[/i], when my Dad suddenly entered at my room. [i]"You're stressing yourself."[/i] [i]"Im not."[/i] I paused for a while and continued playing again. [i]"May problema kaba 'nak?"[/i] [i]"Wala."[/i] I began to act coldy towards my Dad nung nagpakasal sya kay Tita Belle 5 years ago, Tita Belle is a sophisticated but nice woman. Gusto ko naman sya kaso I still can't forget my mom. She died when I was 8, at 17 na ako ngayon. Hindi tutol ang nag-iisa kong kuya sa pagpapakasal ni Daddy, hindi ko naman masisi si Daddy, pero ang sakin lang naman, ayoko na ng bagong mommy. At isa pa, may isang anak si Tita Belle na saksakan ng angas! si Darlo. Siya na walang katalent-talent at malakas pa mang-asar :disgust:. Parati nalang kaming nagtatalo pag nasa bahay sya, buti nalang sa Cebu sya nag-aral, he's been there for two years kaya walang asungot for the mean time, He's 19. [b][The Next Day .. ][/b] Nagpe-play ako ng piano on our school auditorium with my co-musicians. When Dart entered. He's looking straight at me, hindi kumukurap. Alangan namang magpatalo ako sa kanya? Edi tinitigan ko rin sya. I'm Lynne Ibañez, no one can beat me:angry:. [i]"I wanna join"[/i] he said. [i]"Dito sa Guild?"[/i] I replied. [i]"Obviously .. "[/i] he griined. Hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita nya kaya I stand up at hinarap ko sya. Huminto naman sa pagtugtog ang mga kasama ko, alam nila ang ginawa sakin ni Dart kaya pinaubaya nalang nila sakin ang pagde-desisyon tungkol sa pagsali ni Dart. [i]"Ano naman sa tingin mo ang magagawa mo sa Guild?"[/i] i gave him my eye-taray. [i] "I can sing."[/i] Umupo ako sa piano at pinatayo sya sa gilid nito. [i]"Anong kakantahin mo?"[/i] I asked him. [i]"On Bended Knees"[/i] Nakatingin lang sa kanya yung mga kasama ko, alam na pinahihirapan ko sya. [align=center]Can we go back to the days Our love was strong. Can you tell me how A perfect love goes wrong. Can somebody tell me How to get things back, The way they used to be. Oh God, give me the reason, I'm down on bended knee.[/align] Nabu-bwisit ako sa lyrics ng kinakanta nya. Parang pinapatamaan nya ako. Sa sobrang inis ko, tumayo ako at tumingin sa kanya ng diretso. [i]"You're not qualified!"[/i] Umupo ulit ako at tumugtog ulit ng Fur Elise. [i]"But why?! You're getting personal! You're unfair!"[/i] He said out loud. [i]"Hindi namin kailangan ng singers! We need musicians! Yung humahawak ng instruments!"[/i] Tumahimik sya at lumabas ng auditorium, tahimik parin sa loob yung mga kasama ko. Asar na asar ako the whole day, hindi ako makatugtog ng maayos:no:. [b][ 4 : 00 pm the same day, umuwi ako ng bahay ][/b] Umakyat ako sa kwarto ko. Humiga lang ako sa kama pero nakatulog ako, nagising nalang ako sa malakas na patugtog. Rock songs pa na may growls ang pinapatugtog! Galit na galit akong umupo sa kama at tinakpan ng unan ang dalawa kong tenga, kaso naririnig ko parin! Tumayo ako at pinakinggan kung saan nanggagaling yung tugtog. Lumabas ako ng kwarto, palakas ng palakas ang tugtog. Sinipa ko yung pintuan sa kwarto ni Kuya Darlo. Nandito na pala ang asungot! :angry: Parang hindi nya narinig ang sipa ko sa pintuan nya kaya bumaba ako sa garahe at binaba ang switch ng kuryente sa buong kabahayan. Pumasok ulit ako sa bahay at nakita sina Tita Belle at Daddy na nakatingin sakin, Iniisip siguro nila na trobol nanaman kami ni Kuya Darlo. Trobol talaga! Pabalagbag akong umakyat ng hagdan at kinalabog ang pintuan ng kwarto ni Kuya Darlo. [i]"Hoy Darlito! buksan mo nga tong pintuan mo!:mad:"[/i] Binuksan naman nya ang pinto pero nakangisi sya na talagang kinakulo nanaman ng dugo ko. [i]"Bakit?:eh:"[/i] he said. [i]"Bakit bakit kapang animal ka! Hindi lang ikaw tao dito sa bahay kaya hinaan mo yang tugtog mo! Alam mo bang nagpapahinga ako ha?!:mad:"[/i] [i]"Sorry, hindi ko alam eh:dumb:"[/i] Sa sobrang asar ko, hindi nalang ako nagsalita. Alam kong sinasadya nya yang mga ginagawa nya. Makikita mo rin Darlo! may araw ka sakin! :angry: Bumalik nalang ako sa kwarto at humiga, kaso hindi na ako makatulog. Bwisit talaga yang asungot na yan!:mad: Pumasok nanaman si Daddy sa kwarto at kinausap ako. [i]"Lynne anak, may nabalitaan ako sa school nyo.." "Ano nanaman? :disgust:" "Hindi mo raw tinanggap sa Guild yung lalaking magaling kumanta." "At ano naman sa inyo kung hindi sya matanggap don?:disgust:" "Nagiging personal kana anak, kahit sa mga bagay na hindi dapat inuungkat ang personal na problema."[/i] [i]"Wala kayong alam sa nangyari kaya wag nyo akong pangaralan, Alam ko ginagawa ko. Hindi namin kailangan ng singers! mga musikero!"[/i] Lumabas nalang si Daddy sa kwarto. Ayaw nya narin sigurong palawakin ang issue. Kahit ako, nagulat sa pagsagot-sagot ko kay Daddy. [b][ 9 : 30 pm , same day ][/b] Hindi ako sumabay sa kanila sa hapunan. Bukod kasi sa uungkatin nanaman ni Daddy ung tungkol sa issue, nandun nanaman si Kuya Darlo. Baka kumulo nanaman ang dugo ko. Tumugtog nalang ako ng tumugtog ng piano at pinag-aralan ang mga piyesa. Maya-maya, may kumatok sa pinto. [i]"Pwede pumasok?"[/i] Si Kuya Darlo. [i]"Anong kailangan mo?:disgust:"[/i] sumagot ako sa kanya ng hindi binubuksan ang pinto. [i]"Hindi ako manggugulo."[/i] He said calmly. Ngayon ko lang narinig na walang halong pang-aasar ang boses nya at nasa mababang tono. Binuksan ko ang pinto at dumapa ulit sa kama para pag-aralan ang mga piyesa. [i]"Ang ganda pala ng kwarto mo."[/i] Kuya Darlo said. [i]"Salamat :disgust:"[/i] Umupo sya sa piano seat at hinawak-hawakan ang itaas ng piano. [i]"Alam mo, sa pagkakaalam ko .. ang piano para sa malulungkot na tao lang."[/i] he said in a low voice. Napahinto ako sa ginagawa ko. [i]"Bakit mo nasabi?"[/i] [i]"Dahil sa piano lang nila nae-express ang feelings nila, through music.. Kahit naman mga nagba-violin, ganun din ang tingin ko."[/i] [i]"So you mean, malungkot ako?"[/i] He chuckled. [i]"Ano ba kasing problema mo? Bakit hindi mo tinanggap yung lalaki?"[/i] [i]"Mahabang istorya .. :paranoid:"[/i] [i]"Kahit umagahin tayo dito, makikinig ako."[/i] I sighed. [i] "He broke my heart .. and I don't want to see him anymore." "Do you still love him?"[/i] His words strucked my heart, tears started to run down on my face. Hindi ko alam kung bakit, habang umiiyak ako, nababaduyan ako sa sarili ko, pero hindi ko mapigil. Lumapit sakin si Kuya Darlo at niyakap ako. [i]"Hay nako, nung huling pumunta ako dito, parang bagets na bagets kapa .. ngayon, inlove na ang little sister ko .. You still love him."[/i] [i]"Pero hindi nga pwede, may girlfriend na un:cry:" "Ipakita mo kasi sa kanya na kaya mo .. sa ginagawa mong yan, lalo mong pinapatunayan sa kanya na mahal mo nga sya at hindi mo kaya. At dahil don, lalaki ang ulo nya."[/i] [i]"Anong gagawin ko?:sleepy:"[/i] [i] "Tanggapin mo sa Guild at ipakita mo ung natatamasa mo ngayon, ipakita mo sa kanya na maraming opportunities na dumating sayo kahit wala sya :|." "Effective naman kaya yun?" "Why don't you give it a try?" "Why not nga naman?" "That's our girl! . ay wait."[/i] Lumabas sya ng kwarto at bumalik na may hawak-hawak na violin. [i]"Wow Kuya?! you're playing violin?! :D"[/i] [i]"Yes .."[/i] He grinned. I paused and think .. [i]"Teka .."[/i] He looked at me. [i]"Anong nangyari sayo sa Cebu? Diba sabi mo pianos and violins are for sad persons?"[/i] He grinned again. [i]"..edi malungkot ka rin?"[/i] He never utter a single word. Kinukulit ko sya pero hindi sya nagsasalita. Tumugtog nalang kami ng sabay. We played [i]Canon D[/i]. Habang tumutugtog kami, I can see the sadness in his eyes.

Pages: 123

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 02:24

[ 12 queries - 0.013 second ]
Privacy Policy