Tumayo lang sya sa piano at umalis. Napaka-mean ko yata :
Pero nakakaasar kasi sya ee, masyado nang nakikialam. [i]I hate him.[/i] Hanggang hapon hindi na sya nagpakita sa practice, syempre tuloy parin ang practice namin kahit wala sya, ano sya chicks? kaya rin namin magperform ng wala sya
.
Asar na asar parin ako sa bahay sa ganung ugali ni Dart. Parang tanga talaga.
Kinwento ko lahat kay Kuya Darlo ang nangyari, pati sya naasar din.
[i]"Ano bang problema ng lalaking yun? bakit di kapa tantanan? may girlfriend na siya diba?"[/i]
[i]"Oo nga Kuya eh, hindi ko rin alam kung anong iniisip ng lalaking yon."[/i]
Kuya stopped parang may inisip tapos biglang nagsalita ulit,[i]"Lynne, sa inyo daw ako mage-enroll next year."[/i]
[i]"Sa school na pinapasukan ko?"[/i]
[i]"Oo daw, sabi ni Papa."[/i]
[i]"Edi maganda, atleast hindi na ako magta-tricycle papasok
"[/i]
[i]"Baket? sa tingin mo isasakay kita?
"[/i]
[i]"Ang damot mo talaga!"[/i] Pinalo ko sya ng unan at tumakbo sya at hinabol ko palabas ng bahay, kumapit kay Tita Belle, pinangharang sakin.
[i]"Mama, si Lynne, papatayin ako!"[/i]
[i]"Papatayin ka jan?! Edi wala na akong driver papuntang school!"[/i] sabat ko.
Bumaling naman sya kay Papa, [i]"Pa, bigyan mo na nga ng truck to, para di na ginugulo yung sasakyan ko."[/i]
Tumawa lang si Papa lumapit naman ako sa kanya.
[i]"Papa, basta ayoko ng truck! gusto ko mas maganda pa kesa yung kay Kuya Darlo, ha? Papa ha?"[/i]
[i]
"Oo."[/i] sagot nya sakin.
Binigyan ko naman si Kuya ng [i]ako-ang-nagwagi-look[/i], at umakyat na ulit sa kwarto.
[i]"Di nga, lilipat ka talaga sa school?"[/i] Akala siguro ng Darlong yun na hindi ko sya nakitang sinusundan ako paakyat ng kwarto.
[i]"
kala ko di moko nakita, Oo.. lilipat nga ako."[/i]
[i]"Kelan ka magi-inquire?"[/i]
[i]"Sa susunod na .. nakakatamad, malayo pa naman ang next school year ehh, hello? may April May pa
"[/i]
[i]"Pag andun kana, sali ka sa Guild huh?"[/i]
[i]"Oo, yun nga lang pinunta ko don eh."
"Eh bakit ka nga pala lilipat? Ayaw mo na ba sa Cebu?"
"Ayoko na dun .. malayo."
"Malayo ka jan, eh may bahay naman kayo don
, buti sana kung uwian ka dito sa QC."[/i]
[i]"Basta, ayoko don .. may tao at lugar pati ambience sa Cebu na nakakapagpa-lungkot saken."[/i]
[i]
"Sino? Bakit at ano naman un?"
"Long story .."
"I-summarize mo, o kaya kahit mahaba sabihin mo."
"Wag na .. di mo maiintindihan, nakakaantok."[/i]
[i]"Eh sino naman ung - .."
"Ay! kakain na daw!"[/i]
Tumakbo na sya kaagad sa baba, hindi na tinapos yung sinasabi ko.
[i]"Weehhh! change topic ka bigla ah!
"[/i]
Sinundan ko na sya sa baba para kumain. Malalaman ko rin naman yun, summer vacation na rin naman, maghihintay nalang ako.
Habang kumakain tinanong ako ni Papa.
[i]"Kelan ba yung tugtog nyo ng Guild?"
"Sa .. (nag-isip konti) next week."[/i]
[i]"Manonood kami ah?[/i]" Sabi ni Tita Belle.
[i]
"O - Opo, may five tickets naman ako eh."[/i]
[i]"Para kanino yung dalawa?[/i]" sabat ni Darlo.
[i]
"Sa friend ko pati sa tatay nya."
"Sino naman un?"
"Friend ko nga, yung tatay nya gustong manood
"[/i]
Bandang gabi, tumawag ako kay Jonah. Sinabi ko sa kanya na magkita ulit kami sa TriNoma, bibigay ko na sa kanya yung ticket nila ng Papa nya, kasi nga next week na ung recital.
[b][ kinabukasan ][/b]
Pumunta na ako ng TriNoma ng umaga, kasi mga bandang hapon at sa mga susunod na araw, busy na kami. Nagkita ulit kami sa bridge, and as usual .. he stunned me again.
[i]"Hi Jonah
"
"Naks! Jonah na aa?"[/i]
Kinuha ko na agad sa bag ko yung ticket at binigay sa kanya, [i]"Eto para sa inyo ng papa mo."[/i]
[i]"Thanks
, hindi ko pa sinasabi sa kanya na kilala ko na yung idol na eh .. para magulat sya
. Basta, pagtapos ah? papakilala kita sa kanya .."[/i]
[i]"Oo.. pupuntahan ko kayo kung san kayo nakaupo."[/i]
[i]
"PAno? marami kabang gagawin? pasok muna tayo sa loob."
"May practice kasi kami ng Guild eh, hanggang next week .. malapit na recital."[/i]
[i]"Ganun? sayang naman .. Ingat ka huh? baka ma-late kana.
"[/i]
Nakatalikod na ako para maglakad ng tawagin nya ako ulit.
[i]"Pwedeng sama nalang ako sayo?
"
"Ngayon? Sakin?
"
"Oo .. wala naman akong gagawin sa bahay eh, and besides, gusto kitang makitang tumugtog."[/i]
[i]"Sigurado ka?"
"Oo, Bakit? Ayaw mo ba?"
"T- Tara .. "[/i]
Abot tenga naman ang ngiti nya, Pero parang ibang direksyon yung nilalakaran namin.
[i]
"Teka, hindi dito yung sakayan .."[/i] Sabi ko sa kanya.
[i]"Dito kaya."
"Doon .. [/i]" Tinuturo ko ung opposite direction.
[i]"Dun tayo sasakay oh."[/i] Pinopoint nya yung SUV sa pangalawang hilera sa parking lot.
I chuckled in disbelief, [i]"Sayo yan? May sasakyan ka?"[/i]
[i]"Bigay ng Papa ko nung 17th birthday ko."
"Sabi mo poor ka lang
"
"Poor nga lang ako .. tingnan mo nga yung gulong ko oh, gasgas na."
"Ako nga walang gulong eh, syempre sumasayad yan sa lupa kaya magagasgas talaga yan."[/i]
[i]"Oh sakay na beautiful, male-late na tayo."[/i]
Umalis na kami sa mall at papunta na sa school, pinagmamasdan ko sya mag-drive, parang talagang marunong na marunong na sya.
[i]"Ang galing mo naman mag-drive, pano ka natuto?"
"Si Papa, tinuruan ako."
"Eh nasan mama mo?
"Wala na, patay na."
"Ah? Sorry .. "
"Ayos lang un
, kasi bata pa ako ng namatay sya. Hindi ko na nga maalala yung mukha nya eh, sa picture ko nalang sya nakikita."[/i]
[i]"Eh .. pwede ko bang malaman kung anong trabaho ng Papa mo?"
"Ah si Papa? Marines."[/i]
[i]"Wow."
"Ayan nanamang wow mo
"
"Eh bakit masama bang mamangha?!
"[/i]
[i]"Eh ikaw? Ganun din tanong ko katulad ng sayo
"[/i]
[i]"Tamad magsalita?
Yung Papa ko VP ng isang company sa Makati, Wala na Mama ko she died when I was 8."[/i]
[i]
"Got any brother?"
"Oo .. mas matanda sakin, Si Kuya Lawrence. May step brother ako kasi nagpakasal na ulit si Papa."
"Di ka naman Cinderella sa step mom mo?"
"Hindi, mabait sya sakin .. yung step brother ko lang, dati malakas sya mang-asar pero recently, naging close na rin kami kasi he likes classical music din pala."[/i]
[i]"Birds of the same feather pala kayo?"[/i]
[i]"Oo .. kaya magkasundong-magkasundo na kami."
"That's good, edi kailangan mo pala ng kontrabida ngayon .. Pwede ako
."
"Meron na."
"Kapatid mong panganay?"
"Hindi, wala sya dito sa Manila. Yung lalaking dati kong ka-MU."[/i]
[i]"MU? Edi ang gulo nun? Anong nangyari?"
"Akala ko nililigawan nya ako ng totoo, yung pala merong ibang nililigawan. Tapos sila na ngayon."
"Nagustuhan mo ba sya or minahal?"
"Oo naman, kaya nga big deal lahat ng ginagawa nya eh."[/i]
[i]
"Hanggang ngayon gusto mo parin sya?"
"Hindi na. Naaasar nalang ako."
"Ano bang ginagawa nya?"
"Kasi feeling nya talaga gusto ko parin sya, katulad kahapon nung kausap kita sa cp, tinatanong ba naman kung sino ka, tapos parang ayaw nya na may kausap akong iba .. naiinis ako kasi masyadong nagpe-pretend!"[/i]
[i]"Nagseselos siguro."
"Ang kapal nya .. may girlfriend na sya eh."[/i]
Nakarating na kami sa school at dumiretso na sa Auditorium.
[i]"Ang nice ng school nyo ah.."[/i] He said.
[i]"Oo, lipat ka nalang dito
."[/i]
Lahat ng mga kasama ko sa Guild, nakatingin kay Jonah nung dumating kami, umupo naman si Jonah sa stage katabi ng mga gamit namin. Nung umupo na ako sa piano, lumapit yung isa kong kasama at bumulong.
[i]
"Sino yang kasama mo? Pag nakita yan ni Dart, gulo yan."[/i]
[i]"Pakialam nya naman? ang kapal nya .. nakita mo naman kahapon diba? nakakabwisit sya."[/i]
Nag-start na kaming magpractice, umupo si Jonah sa gilid ng piano at pinanood akong tumugtog.
[i]"God! you're so amazing!"
"Thanks
"[/i]
[i]"Kelan kapa tumutugtog?"
"I started when I -.."[/i]
Biglang dumating si Dart at nakatingin samin ni Jonah, pero tuloy parin kami sa pagtugtog ng mga kasama ko.
[i]"Sya yung kinukwento ko sayo."
"Who?"
"Wag kang titingin, nasa pinto."[/i]
Yumuko si Jonah at bumulong, [i]"Yung Dart?"
"Yeah .. "
"Patay, nakatingin satin ng masama."
"Hayaan mo lang, akong bahala."[/i]
Pinapanood parin ako ni Jonah habang tumutugtog, [i]"Show to Lynne, promise."[/i]
[i]"Subukan nya lang lumapit at mageksena dito, papamuka ko talaga sa kanya kung sino sya."[/i]
[i]
"You'll protect me?"
"Oo naman."
"Sweet mo Lynne ah."[/i] Then he smiled. Napangiti rin ako ng makita kong nakangiti si Jonah. When suddenly, lumapit si Dart. Huminto kami sa pagtugtog.
[i]"Who is he?"[/i] tanong nya sakin.
Hindi ako sumagot. Nakayuko lang si Jonah.
[i]"Sino sya?!" [/i]tumataas na boses ni Dart.
Tumayo ako sa upuan, hinawakan ni Jonah ang kaliwang kamay ko, pinipigilan nya ako akala nya yata makikipagsuntukan na ako kay Dart. Pero nakayuko parin sya.
[i]"Ano bang problema mo?! Ano namang pakialam mo kung sinong kasama ko?!"[/i]
Halatang nagtitimpi lang si Dart. Umupo ako ulit sa piano, lumabas lahat ng kasama ko sa Guild, kaming tatlo nalang natira sa loob, buti nalang wala yung instructor namin. Tumayo si Jonah at tumingin kay Dart.
[i]"Pare, Lynne is a special friend of mine ."
"Akin lang sya."[/i] Nakakabingi ang mga sinasabi nya. Napatigil din kami ni Jonah.
[i]
"Talaga par? Eh bakit niloko mo?"[/i]
Hinawakan ni Dart ang kwelyo ni Jonah.
[i]"Stop it Dart!"[/i]