• ARCHIVES 
  • » late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

Pages: 123

late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

zheaisthria
» FTalker
FTalk Level: zero
256
0
1969-12-31

late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!
sellahxhin
» FTalker
FTalk Level: zero
194
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

Parang lumulutang ako buong maghapon pagkatapos ng conversation namin ni Dart. Hindi ako gumagalaw sa upuan ko sa school, hindi rin ako nagugutom, nakatulala lang ako sa kawalan. Si Klein lang na bestfriend ko ang nakapansin sa katamlayan ko. [i]"Anong problema?"[/i] kinaladkad nya ang isang monobloc chair at umupo sa harapan ko. I sighed. [i] "Ay nako, Alam ko na .. Dart again?:|"[/i] [i]"Ang labo nya kasi ehh .."[/i] [i]"Gusto mong malaman kung anong nasa isip ko ngayon, Lynne?"[/i] "Spill." Itinaas ko ang paa ko at pinatong ko sa binti nya. [i]"You're too beautiful for him. Look at him, he's just a plain school singer. Dahil lang don attracted kana sa kanya? Eh ikaw, look at yourself. You're a piano wizard and everybody admires you because of your talent."[/i] I pouted. [i]"What do you mean?"[/i] [i]"Aisshtt .. You're too good for him! he's not handsome, hindi kayo bagay."[/i] [i]"But I like him.:paranoid:"[/i] [i]"Gusto mo sya pero hindi ka naman nya gusto."[/i] I gave him an i-hate-you-look [i]"Pero sabi nya mahal na ako.=(" "Think about this, Mahal ka nya pero girlfriend nya si Gwen. Okay, sabihin natin na magiging kayo, pero malaki ang possibility na saktan ka lang nya. Tingnan mo nga yang ginawa nya kay Gwen, sila pala pero sinabihan ka nya na mahal ka nya? Pano kung ikaw yung nasa lagay ni Gwen? Edi masakit diba?"[/i] I began to think critically. [i]"You're right.:|"[/i] [i]"..Kung magiging kayo, gagawin nya rin sayo ung ginawa nya kay Gwen."[/i] I nodded. [i]"..Itsura nyang yon, maloloko ka nya?! si Lynne Ibañez ka kaya!:/"[/i] I chuckled. [i]"Oo nga naman, hindi ako pwedeng magpaloko, lalo na sa tulad nya."[/i] [i]"Yan! ganyan dapat! Ano nalang sasabihin sayo ng mga ka-Guild mo kung makita nila si Dart?! I can't imagine."[/i] He grinned. [i]"Oo na! Buti nalang ginising moko!:yes:"[/i] Pinahawak sakin ni Klein ang PSP nya at nakipag-habulan sa kaklase kong kanina pa kiliti ng kiliti sa kanya. Nang napatumba na nya yung kaklase kong makulit, niyaya nya ako sa cafeteria. [i]"Tara Lynne, Iced Tea tayo!"[/i] [i]"Libre mo?!:D"[/i] [i]"Utot.:disgust:"[/i] [i]"Damot.:disgust:"[/i] Bumaba kami sa Ground Floor. Maya-maya, umatras si Klein, naapakan pa yung shoes ko. [i]"You idiot! inapakan mo shoes ko!:angry:"[/i] [i]"Si Dart nasa loob."[/i] He whispered. [i] "So what?!:rolleyes:"[/i] [i]"Kaya mo na bang makita yon?"[/i] [i]"Ofcourse I can!"[/i] Nauna pa akong lumakad sa kanya papasok ng cafeteria. Kaso nung nakapila na ako sa bilihan ng Iced Tea, si Gwen pala yung nasa harapan ko sa pila :disgust:. Nasa harapan nya si Dart at nasa likod ko naman si Klein. Si Dart, hawak hawak pa yung kamay ni Gwen :disgust:. Napansin yata ni Klein na naaalibadbaran ako kaya he whispered in my left ear. [i]"Remember, you are Lynne Ibañez."[/i] Parang lumabas nanaman ang Inner Kamalditahan ko. [i] "Excuse me Dart, malaki na yung space sa harap nyo oh .. If you don't mind (I looked at Gwen), mauuna na kami ng kasama ko sa pila kasi I think busy kayo.:|"[/i] Hindi nanaman nakapagsalita si Dart, kaya nag-overtake nalang kami. [i]"Miss, nauna kami."[/i] Gwen poked me. Lumingon ako sa kanya but I just stared at her eyes. Nakatingin naman sakin si Dart. I smiled at him. [i]"Im sorry, kami na nauna ngayon."[/i] Hindi na rin pumalag sina Dart hanggang sa makabili kami ni Klein ng Iced Tea, Si Klein naman hindi mapigil sa kakangiti. [i]"Bakit kaba ngiti ng ngiti dyan?"[/i] [i]"Gusto ko yung ginawa mo kanina."[/i] He said while sipping his tea. [i]"Maganda ba?"[/i] I chuckled. [i]"Ganon ang kilala kong Lynne."[/i] [i]"Bakit? Sino ba si Lynne?"[/i] I grinned. [i]"Mean :lol2:"[/i] [i]"Ang sama neto :disgust:"[/i] [i]"Gwen isn't beautiful, natitigan ko sya kanina."[/i] Klein said. [i]"Si Dart, di rin naman gwapo diba?" "Oo nga, kaya bagay sila :lol2:" "Perfect match diba?:lol2:" "Birds of the same feather.. :lol3:"[/i] Thanks to Klein, nagising ako sa truth. Yes, Dart doesn't deserve my heart.

Last edited by sellahxhin (2010-04-04 11:14:48)

zheaisthria
» FTalker
FTalk Level: zero
256
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

hmm klein baka naman nahulog ka na ka lynne ahmm hahaha sige lang move one lynne marami pa diyan sa tabi mo lol next na
ghetto_quiin24@yahoo.com
» FTalker
FTalk Level: zero
176
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

new reader :) hihi .. kyoot ng story mo .. update n poh ..
sellahxhin
» FTalker
FTalk Level: zero
194
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

Right after that traumatic experience, sinubsob ko na ang sarili ko sa pagpa-piano. 5 pieces a day ang pinag-aaralan ko, I really have to do this para makamove-on na nang tuluyan. I belong to a music team named [i]The Luzon Music Guild[/i], nung hindi na feel magsayaw, naghanap na ako ng isang grupo na talagang magtatagal ako at babagay sa forte ko. Im not into RnB and HipHop music, siguo kaya kong sumayaw ng HipHop pero hindi matatagalan ng kaluluwa ko na maupo at makinig sa maingay na music na yon. Lalo naman ang rock! Dun ako sa mga Classical Music, kaya maraming inaantok pag hinihiram nila ang iPod ko =D. [b]10 : 30 pm [ sa bahay ][/b] Busy ako sa pagpe-perfect ko ng [i]Fur Elise[/i], when my Dad suddenly entered at my room. [i]"You're stressing yourself."[/i] [i]"Im not."[/i] I paused for a while and continued playing again. [i]"May problema kaba 'nak?"[/i] [i]"Wala."[/i] I began to act coldy towards my Dad nung nagpakasal sya kay Tita Belle 5 years ago, Tita Belle is a sophisticated but nice woman. Gusto ko naman sya kaso I still can't forget my mom. She died when I was 8, at 17 na ako ngayon. Hindi tutol ang nag-iisa kong kuya sa pagpapakasal ni Daddy, hindi ko naman masisi si Daddy, pero ang sakin lang naman, ayoko na ng bagong mommy. At isa pa, may isang anak si Tita Belle na saksakan ng angas! si Darlo. Siya na walang katalent-talent at malakas pa mang-asar :disgust:. Parati nalang kaming nagtatalo pag nasa bahay sya, buti nalang sa Cebu sya nag-aral, he's been there for two years kaya walang asungot for the mean time, He's 19. [b][The Next Day .. ][/b] Nagpe-play ako ng piano on our school auditorium with my co-musicians. When Dart entered. He's looking straight at me, hindi kumukurap. Alangan namang magpatalo ako sa kanya? Edi tinitigan ko rin sya. I'm Lynne Ibañez, no one can beat me:angry:. [i]"I wanna join"[/i] he said. [i]"Dito sa Guild?"[/i] I replied. [i]"Obviously .. "[/i] he griined. Hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita nya kaya I stand up at hinarap ko sya. Huminto naman sa pagtugtog ang mga kasama ko, alam nila ang ginawa sakin ni Dart kaya pinaubaya nalang nila sakin ang pagde-desisyon tungkol sa pagsali ni Dart. [i]"Ano naman sa tingin mo ang magagawa mo sa Guild?"[/i] i gave him my eye-taray. [i] "I can sing."[/i] Umupo ako sa piano at pinatayo sya sa gilid nito. [i]"Anong kakantahin mo?"[/i] I asked him. [i]"On Bended Knees"[/i] Nakatingin lang sa kanya yung mga kasama ko, alam na pinahihirapan ko sya. [align=center]Can we go back to the days Our love was strong. Can you tell me how A perfect love goes wrong. Can somebody tell me How to get things back, The way they used to be. Oh God, give me the reason, I'm down on bended knee.[/align] Nabu-bwisit ako sa lyrics ng kinakanta nya. Parang pinapatamaan nya ako. Sa sobrang inis ko, tumayo ako at tumingin sa kanya ng diretso. [i]"You're not qualified!"[/i] Umupo ulit ako at tumugtog ulit ng Fur Elise. [i]"But why?! You're getting personal! You're unfair!"[/i] He said out loud. [i]"Hindi namin kailangan ng singers! We need musicians! Yung humahawak ng instruments!"[/i] Tumahimik sya at lumabas ng auditorium, tahimik parin sa loob yung mga kasama ko. Asar na asar ako the whole day, hindi ako makatugtog ng maayos:no:. [b][ 4 : 00 pm the same day, umuwi ako ng bahay ][/b] Umakyat ako sa kwarto ko. Humiga lang ako sa kama pero nakatulog ako, nagising nalang ako sa malakas na patugtog. Rock songs pa na may growls ang pinapatugtog! Galit na galit akong umupo sa kama at tinakpan ng unan ang dalawa kong tenga, kaso naririnig ko parin! Tumayo ako at pinakinggan kung saan nanggagaling yung tugtog. Lumabas ako ng kwarto, palakas ng palakas ang tugtog. Sinipa ko yung pintuan sa kwarto ni Kuya Darlo. Nandito na pala ang asungot! :angry: Parang hindi nya narinig ang sipa ko sa pintuan nya kaya bumaba ako sa garahe at binaba ang switch ng kuryente sa buong kabahayan. Pumasok ulit ako sa bahay at nakita sina Tita Belle at Daddy na nakatingin sakin, Iniisip siguro nila na trobol nanaman kami ni Kuya Darlo. Trobol talaga! Pabalagbag akong umakyat ng hagdan at kinalabog ang pintuan ng kwarto ni Kuya Darlo. [i]"Hoy Darlito! buksan mo nga tong pintuan mo!:mad:"[/i] Binuksan naman nya ang pinto pero nakangisi sya na talagang kinakulo nanaman ng dugo ko. [i]"Bakit?:eh:"[/i] he said. [i]"Bakit bakit kapang animal ka! Hindi lang ikaw tao dito sa bahay kaya hinaan mo yang tugtog mo! Alam mo bang nagpapahinga ako ha?!:mad:"[/i] [i]"Sorry, hindi ko alam eh:dumb:"[/i] Sa sobrang asar ko, hindi nalang ako nagsalita. Alam kong sinasadya nya yang mga ginagawa nya. Makikita mo rin Darlo! may araw ka sakin! :angry: Bumalik nalang ako sa kwarto at humiga, kaso hindi na ako makatulog. Bwisit talaga yang asungot na yan!:mad: Pumasok nanaman si Daddy sa kwarto at kinausap ako. [i]"Lynne anak, may nabalitaan ako sa school nyo.." "Ano nanaman? :disgust:" "Hindi mo raw tinanggap sa Guild yung lalaking magaling kumanta." "At ano naman sa inyo kung hindi sya matanggap don?:disgust:" "Nagiging personal kana anak, kahit sa mga bagay na hindi dapat inuungkat ang personal na problema."[/i] [i]"Wala kayong alam sa nangyari kaya wag nyo akong pangaralan, Alam ko ginagawa ko. Hindi namin kailangan ng singers! mga musikero!"[/i] Lumabas nalang si Daddy sa kwarto. Ayaw nya narin sigurong palawakin ang issue. Kahit ako, nagulat sa pagsagot-sagot ko kay Daddy. [b][ 9 : 30 pm , same day ][/b] Hindi ako sumabay sa kanila sa hapunan. Bukod kasi sa uungkatin nanaman ni Daddy ung tungkol sa issue, nandun nanaman si Kuya Darlo. Baka kumulo nanaman ang dugo ko. Tumugtog nalang ako ng tumugtog ng piano at pinag-aralan ang mga piyesa. Maya-maya, may kumatok sa pinto. [i]"Pwede pumasok?"[/i] Si Kuya Darlo. [i]"Anong kailangan mo?:disgust:"[/i] sumagot ako sa kanya ng hindi binubuksan ang pinto. [i]"Hindi ako manggugulo."[/i] He said calmly. Ngayon ko lang narinig na walang halong pang-aasar ang boses nya at nasa mababang tono. Binuksan ko ang pinto at dumapa ulit sa kama para pag-aralan ang mga piyesa. [i]"Ang ganda pala ng kwarto mo."[/i] Kuya Darlo said. [i]"Salamat :disgust:"[/i] Umupo sya sa piano seat at hinawak-hawakan ang itaas ng piano. [i]"Alam mo, sa pagkakaalam ko .. ang piano para sa malulungkot na tao lang."[/i] he said in a low voice. Napahinto ako sa ginagawa ko. [i]"Bakit mo nasabi?"[/i] [i]"Dahil sa piano lang nila nae-express ang feelings nila, through music.. Kahit naman mga nagba-violin, ganun din ang tingin ko."[/i] [i]"So you mean, malungkot ako?"[/i] He chuckled. [i]"Ano ba kasing problema mo? Bakit hindi mo tinanggap yung lalaki?"[/i] [i]"Mahabang istorya .. :paranoid:"[/i] [i]"Kahit umagahin tayo dito, makikinig ako."[/i] I sighed. [i] "He broke my heart .. and I don't want to see him anymore." "Do you still love him?"[/i] His words strucked my heart, tears started to run down on my face. Hindi ko alam kung bakit, habang umiiyak ako, nababaduyan ako sa sarili ko, pero hindi ko mapigil. Lumapit sakin si Kuya Darlo at niyakap ako. [i]"Hay nako, nung huling pumunta ako dito, parang bagets na bagets kapa .. ngayon, inlove na ang little sister ko .. You still love him."[/i] [i]"Pero hindi nga pwede, may girlfriend na un:cry:" "Ipakita mo kasi sa kanya na kaya mo .. sa ginagawa mong yan, lalo mong pinapatunayan sa kanya na mahal mo nga sya at hindi mo kaya. At dahil don, lalaki ang ulo nya."[/i] [i]"Anong gagawin ko?:sleepy:"[/i] [i] "Tanggapin mo sa Guild at ipakita mo ung natatamasa mo ngayon, ipakita mo sa kanya na maraming opportunities na dumating sayo kahit wala sya :|." "Effective naman kaya yun?" "Why don't you give it a try?" "Why not nga naman?" "That's our girl! . ay wait."[/i] Lumabas sya ng kwarto at bumalik na may hawak-hawak na violin. [i]"Wow Kuya?! you're playing violin?! :D"[/i] [i]"Yes .."[/i] He grinned. I paused and think .. [i]"Teka .."[/i] He looked at me. [i]"Anong nangyari sayo sa Cebu? Diba sabi mo pianos and violins are for sad persons?"[/i] He grinned again. [i]"..edi malungkot ka rin?"[/i] He never utter a single word. Kinukulit ko sya pero hindi sya nagsasalita. Tumugtog nalang kami ng sabay. We played [i]Canon D[/i]. Habang tumutugtog kami, I can see the sadness in his eyes.
ghetto_quiin24@yahoo.com
» FTalker
FTalk Level: zero
176
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

whew . preho clang mdrama ha! haha update n poh .
rmarquez15
» n00b
FTalk Level: zero
43
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

ang drama ng big bro nia,.. jhahaha
zheaisthria
» FTalker
FTalk Level: zero
256
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

sweet naman nila magkapatid sige lynne just give it a try bait ngayon ng kuya darlo mo ah and obviously he's sad ano kaya problem nun?? update
shyprincess_abe
» Banned
FTalk Level: zero
969
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

nice story . update .
brokenheartsrings025
» FTalker
FTalk Level: zero
121
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

next na.. kabitin eh
regina_garcia26@yahoo.com
» n00b
FTalk Level: zero
28
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

--new reader :) i have read your stories in your blog.. and as expected super ganda nila.. and siyempre, this story will surely be great too.. :) andrama naman nilang magkapatid.. lynne, kaya mo yan, makakalimutan mo rin si Dart just give it a try :) i'll wait for your update po :)
parfaitsosweet
» n00b
FTalk Level: zero
46
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

ganda... nice, update new reader nga pala
sellahxhin
» FTalker
FTalk Level: zero
194
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

I'll be updating this story soon .. napaka-kupad kasi ng connection sa bahay ee .. :no: alam nyo ung ganong feeling?! pag walang net .. hayy .. =(
regina_garcia26@yahoo.com
» n00b
FTalk Level: zero
28
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

[quote=sellahxhin;#3520078;1271057508]I'll be updating this story soon .. napaka-kupad kasi ng connection sa bahay ee .. alam nyo ung ganong feeling?! pag walang net .. hayy ..[/quote] aha.. super nakakainis po kapag mabagal ang connection.. i'll just wait for the next update :)
sellahxhin
» FTalker
FTalk Level: zero
194
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

Alas-dos na yata nang antukin kami ng kuya ko, may pasok pa bukas. Gusto ko pa sana naming magtugtugan kami kaso matulog na raw ako. Umupo sya sa piano seat at hinintay akong makatulog. Umaga na ng idilat ko ulit ang mga mata ko, nakita ko yung violin ni Kuya Darlo .. naiwan nya. Lumabas ako sa kwarto at nagpunta sa kusina, kumakain na don sila Tita Belle, Si Papa pati si Kuya Darlo. Nakatingin sila Papa at Tita sakin na parang ewan, Lalo silang nagulat ng lumapit ako at magsalita. [i]"Kuya .."[/i] Kuya Darlo looked at me. [i]"..naiwan mo."[/i] Tumakbo na ako agad paakyat ng kwarto pagkaabot ko ng violin. [i]"Thank you."[/i] Kuya Darlo whispered, pero narinig ko. Huminto ako konti at ngumiti. Speechless sila Papa, nagtataka yata kasi kahapon parang nagbabangayan kami tapos ngayon, with matching thank you thank you na. May pasok pa ako kaya naghanda na ako, nagsusuklay na ako ng kumatok si Kuya Darlo. [i]"Ang tagal mo naman maghanda .."[/i] Binuksan ko ang pinto. [i]"Bakit? Hinihintay moko?"[/i] [i] "Oo .. Sabay na tayo, pupunta ako sa mall."[/i] Kinuha ko na ang bag ko, 'tas kumaripas na ako ng takbo papunta sa kotse ni Kuya Darlo. [i]"Ngayon lang ako makakasakay sa kotse mo! :D"[/i] [i]"Tss .. eh bakit? wala kbang kotse? :p"[/i] I gave an[i] i-hate-you [/i]look. [i]"Ang yabang mo naman .. syempre next month pa birthday ko, mahirap magka-license pag baby pa."[/i] [i] "Baby? :lol2:" "Eh anong nakakatawa? :disgust:"[/i] [i]"Wala .. san ka nakakita ng babyng akala mo .."[/i] he chuckled. [i]"Ano?!" "Wala .. tara na."[/i] Nagmamadali na akong sumakay sa kotse nya, akala mo akin :lol3: . Ibinaba nya ako sa school, then sinabi rin ni Kuya na dadaanan nya parin ako mamayang uwian namin. Good thing, alas-dos ang tapos ng klase ko ngayon .. pwede pa akong magpagala-gala, atleast legal ang paglayas ko ngayon, kasama ko kuya ko ee =D. Papasok na ako sa gate ng tawagin ukit ako ng Kuya ko .. [i]"Basta, gawin mo yung makakapagpa-ayos ng sitwasyon nyo."[/i] Lumingon ako sa kanya .. [i]"What?"[/i] He sighed, [i]"Mahirap yang dinadala mong problema, all you have to do is to accept and move-on."[/i] Nakatingin parin ako kay Kuya, ina-absorb ang mga sinasabi nya. [i]"About Dart ba?"[/i] I finally said. [i]"Alangan namang ako! :rolleyes:"[/i] I smiled, [i]"Okay, I'll do what you want me to do."[/i] [i]"Tange, for your sake naman yon ah .. Remember, letting go is also saying I love you, masaya naman siguro sya kung anong meron sya ngayon, you must be happy for him nalang."[/i] I rolled my eyes, "[i]Orayt .. orayt .. gagawin ko na."[/i] Kuya waved his hands and started his engine. [i]"Buh-bye, dummy."[/i] he chuckled. [i]"Oo na :disgust:, basta 2:00 dapat nandito kana, libre moko sa Chowking."[/i] [i]"Opo .. opo"[/i] then he left. Pinanood kong lumayo yung sasakyan ni Kuya, pero iniisip ko parin yung sinasabi nya. Nagkibit-balikat lang ako at pumunta na sa Building F. Matagal ang professor namin kaya nakapag-isip isip pa ako. Pumunta ako sa vending machine, bumili ng C2 at sumandal sa gilid. Nakatulala lang ako sa space ng parang bigla nalang akong magising na may tao pala na nasa machine, lumingon ako .. Si Dart pala. Sumandal din sya sa gilid ng machine, pero dun naman sa may dingding. Bumaba ako sa hagdan, papunta ng stage at kinuha ang microphone. Nakatingin sakin si Dart at lahat ng mga tao sa baba. [i]"Attention Mr. Dart Alvarez of DIT, please proceed to the school auditorium, NOW. Attention Mr. Dart Alvarez of DIT, please proceed to the school auditorium, NOW."[/i] Ibinaba ko ang mic at lumakad na papunta sa school auditorium, nakikita ko naman sa sulok ng paningin ko na nakatayo parin si Dart sa 2nd floor kung nasan yung vending machine. Pero maya-maya lumakad na rin sya papunta rin sa pupuntahan ko, pagpasok ko sa loob, umupo ako sa piano at tinuloy ang pag-inom ng C2. Hindi nagtagal, pumasok na rin si Dart. Tumayo sya sa gilid ng piano. Tinugtog ko ang [i]On Bended Knees[/i], mabuti naman at na-gets nya na pinapakanta ko talaga sya. [align=center][i]Can we go back to the days Our love was strong. Can you tell me how A perfect love goes wrong. Can somebody tell me How to get things back, The way they used to be. Oh God, give me the reason, I'm down on bended knee.[/i][/align] Huminto na ako pagtugtog at tumingin sa kanya. [i]"Gusto mo pa bang mag-join dito?"[/i] I said in a very loud but calm voice. [i]"Oo."[/i] He replied. [i]"Can you still forgive me sa nangyari last time? Im just out of my mind."[/i] He look surprised, [i]"Ofcourse, it's not your fault."[/i] [i]"Thanks."[/i] I coldly said. Tinawag ko na lahat ng kasama namin sa Guild at pinakilala ko na si Dart. [i]"Luzon Music Guild, This is our new member .. Dart Alvarez."[/i]
ghetto_quiin24@yahoo.com
» FTalker
FTalk Level: zero
176
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

update n poh whew . astig ung kuya nya :)
wyona24
» n00b
FTalk Level: zero
21
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

new reader.. wow. ganda nman poh ng story.. hehehe
rmarquez15
» n00b
FTalk Level: zero
43
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

hahhaha. that's it.
sellahxhin
» FTalker
FTalk Level: zero
194
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

[b]@ rmarquez15:[/b] sa blog ko na sinusulatan ko ng stories, ginamit ko rin ung pic na kapareho ng ava mo .. :) tnx nga pala sa support. :D [quote]Guys, mas mahaba na poh ang updates ko sa susunod. Handa nyo na sarili nyo .. :lol3::)[/quote]
rheiya58
» FTalker
FTalk Level: zero
265
0
1969-12-31

Re: late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

sellahxin - its me rhea. i think i know some of the characters here :) true to life again?
  • ARCHIVES 
  • » late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!

Pages: 123

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 00:15

[ 10 queries - 0.808 second ]
Privacy Policy