You are viewing a post by sellahxhin. View all 58 posts in late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!.
.
"Pahingahin nyo yang mga kamay at utak nyo, walang iinom ng alak, mawawala kayo sa kondisyon. Linisin nyo mga instruments nyo. Pati yung isusuot nyo. Galingan nyo sa Wednesday. Okay Team?"
"Yess Sir!"
Lumabas na kami ni Jonah, nagba-bye na rin ako sa mga kasama ko. 4:00 pm palang ng hapon.
"Grabe naman ugali non, pati ako inaaway." Sabi nya sakin habang nagda-drive.
"Ang sama no?"
"Sobra."
"Baliw yung eh, hindi nag-iisip."
"Anong napag-usapan nyo sa loob?"
"Closure na un."
"Sa tingin mo, tinanggap nya naman yon?"
"Dapat nyang tanggapin."
Silence ..
"Nagugutom ako." He said. Hindi naman ako sumagot.
Pumasok kami sa Max's sa loob ng TriNoma. Habang kumakain kami, nakita ko naman si Dart .. kasama si Gwen. Tinapik ko si Jonah.
"Alam mo, yan ang hindi ko maintindihan sa kanya."
Tumingin naman si Jonah sa direksyon na tinitingnan ko. He chuckled.
"Bakit?" I pouted.
"He's playing."
"Pano?"
"Hindi ka mahal nyan, nanggugulo nalang."
"Pano mo nasabi?"
He chuckled again.
"Pano nga?!"
"Lalaki rin ako, syempre naaamoy ko rin kung ano trip ng kapwa ko."
"Edi, nagpapa-epal nalang sya?"
"Oo." He drank his juice.
"Ganon?"
Napatingin sakin si Jonah and he gave me naughty smile. Ngumiti rin ako ng nakakaloko.
"Anong iniisip mo?" He said while smiling.
"Tinatanong mo kung anong balak ko?" I replied.
Nakatingin parin sya sakin.
[i]
"Abangan mo resbak ko
."[/i]
You are viewing a post by sellahxhin. View all 58 posts in late!! ako lynne was right... magulo nga si dart. sighed pano kaya ang nangyari?? nabitin ako next na!!!.