[b]Chapter.o6

[/b]

[align=center][i]New York to Los Angeles and all it takes in between
After miles and hours on the road, you’re the best I’ve seen
I feel good, you’re the best friend that I’ve found
I feel good when I’m coming back to your town
So quit your life and stay with me
We’ll order in and watch TV
We’ll paint the house and wash the car
We’ll take a walk but not too far
So quit your life and stay with me

[/i][/align]
“Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa kantang ‘yan?”

Nicca asked Kyle.
“Nope,” Kyle replied.

“Huh. Maganda nga ang boses mo Kyle. But wala ka na bang ibang pwedeng kantahin maliban jan?”

“Shhh... Nicca, please.”

“Okay. Okay! What’s with that song ba at parang di mo kayang bitiwan?”
“Nicca, sabi ko naman sa iyo diba na favorite song ko ito? Hehe... Ba’t ang kulit nitong girlfriend ko?” Kyle tickled Nicca on her left side.
“Haha... stop it, Kyle. Para ba naman kasing may inaalala kang ibang tao jan. You’re so shady ha? BY the way, your mom called me last night. Invited daw ako sa bukas sa birthday niya.”
“Ha? Pupunta ka ng bahay bukas?”

“Yes. Bakit parang ayaw mo?”
“Huh? Di ahh.”
The bell rang... They went their separate ways. Nicca went to the powder room and Kyle headed to his classroom.
Kyle and Nicca were sweethearts. They have been a couple for 10 months. Magkaibigan ang parents nila. Nicca’s family owns a rural bank and a department store sa lugar nila. Dahil parehong mayayaman, naging mag-close ang pamilya nila at dahil dun ay nakilala ni Kyle at Nicca ang isa’t isa.
[b]Nicca Marie Santillan.[/b] She’s the campus-crush. Maganda? Yes. Matalino? Yes. Mayaman? Yes. Oh, Nicca Marie was the only daughter of Mr. and Mrs. Danilo Aidan Santillan. Ibig sabihin, spoiled brat. Ika nga, what Nicca wants, Nicca gets. Shopaholic. Maraming friends? Oo naman! Sino bang di lalapit sa kanya upang makipag-kaibigan e, she’s anak-mayaman. Even though nasa kanya na ang lahat, she has insecurities too. Lalo na sa Section- A student na si... Shane.

Kyle was about to enter their classroom pero na-realize niya na naiwan ang hiniram niyang notebook ng kaklase niyang si Bob (malaking tao at nakatakot ang boses) dun sa canteen. Agad-agad siyang bumalik sa canteen, natatakot at baka may kumuha na nun.

“Argh... San na nga ba yun? Ang laking tanga talaga ng notebook na yun.”
Naalala ni Kyle na dun pala niya huling binasa yung notebook sa table nila ni Nicca.
“Darn. Ba’t jan siya naka-upo?”

Shane has occupied their table. Nag-iisa. Nagmumukmok. At nagsusulat sa isang pamilyar na notebook. [b]XD[/b]
He had no choice. Kailangan niyang kunin ang notebook na iyon kundi mapupuno iyon ng walang kwentang sulat ni Shane at siguradong bugbog sarado siya kay Bob. He remembered...
[i]
“Hoy, Shane. Nauubos na iyang notebook mo o. Puro drawing na ampapangit naman. Ano ba ‘yan?”
“Si Spongebob... Di bale nang pangit tong mga drawings ko. Mas pangit ka naman.” Shane said sarcastically.
“Spongebob? Haha.. hollow block ean e. Nilagyan mu lang ng malaking mata.”
“Kyle, wala ako sa mood. Alam mo bang ang liit lang ng score ko sa test?”[/i]
Ganyan si Shane. ‘pag wala sa mood, nag-dodrowing o nagsusulat lang ng kung anu-ano sa back pages ng notebook niya.
“Tsk. Ililigtas ko notebook mo, Bob.”

Dali-daling nilapitan ni Kyle si Shane. He noticed na marami na palang kalokohang ginawa si Shane sa notebook ni Bob.
[i]Aba... Delikado ako nito ngayon.[/i] Kyle thought.
Saktong-saktong nasa harapan na niya si Shane ay hinablot niya ang notebook na sinusulatan ni Shane.
“Hey!” sigaw ni Shane.

“Ano? Di sa iyo to. Ba’t mo sinusulatan?”
“Pwede ka namang mag-excuse ah. Kahit kelan talaga.”

Kyle scanned the back pages of the notebook. Puro nga sulat at drawings ni Shane. May flowers pa. May Hello Kitty. May isda. May heart na pinapalibutan ng apoy. May clouds na nilagyan ni Shane ng paa at kamay. May pusa na nakalabas yung dila. Pangalan ni Shane tapos may smiley face sa huli. At maraming stars...
[i]Stars...[/i] Naalala na naman ni Kyle nung nagpa-drawing siya ng border kay Shane para sa Math written activity nila.
[i]“Shane, pa-drawing naman ng border. Yung maganda ha?”
“Ano’ng klaseng border? Ano bang gusto mo?”
“Kahit ano basta yung maganda. Ikaw na yung bahala.”
“Sige. Hintay lang.”
At pagkatapos ng 5 minutes ay isinauli na ni Shane ang bond paper ni Kyle na may stars na border. Nagalit pa nga ito kay Shane.
Nainis si Shane at sinigawan ni Kyle sa mukha, “Akala ko ba kahit ano basta maganda?!!!!!”

Di maipinta ang mukha ni Kyle. But when he tried to hide Shane’s written activity, nalaman niyang magkapareho sila ng border. Then, he concluded... [b]Mahilig siguro to si Shane sa stars[/b].[/i]
“I’m sorry. Sa’yo ba yan?”
“Tama na nga yang pagpuputak-putak mo jan!! Ang mabuti pa atupagin mo ang pag-aaral mo. Hindi yung, nag-cucutting classes ka. (Pause) Haha... Aba, aba. Nag-cucut ka na ng klase ha?!”
“Haha? Excuse me, hindi po ako nagpuputak-putak. And excuse po ulit pero hindi po ako nag-cucut ng klase ko. Gosh... ewan ko sa iyo.”
[i]Huh? She’s not ranting? Darn...[/i]
“I’m sorry ulit kung nasulatan ko iyang notes mo. Wa---“
“Wala ka ba sa mood?”
“(*Smiles*) Sort of. Wala kasi yung best friend ko.”
[i]Best friend mo?[/i]
“It would be better if we get going, Kyle. 3rd period na oh. Pasensya ulit.”
“O-okay.”
[i]She’s still the same Shane that I have known. Sobrang bait. Nakakahiya naman ako...[/i]
They went the same direction. Magkapit-classroom lang kasi sila. Yea, araw-araw nilang nakikita ang isa’t isa pero ngunit ‘di naman nagpapansinan.
[b]Shane:[/b]
[i]^^ I couldn’t believe that he remembered what I was like when I am not in the mood. Xxxhhhh... Kainis naman.[/i]
Binilisan ni Shane ang paglalakad. Ayaw niyang magkasabay sila ni Kyle pabalik sa kanya-kanyang classroom but she paused when they met Mrs. Valdez along the way.
Mrs. Valez outstretched her arms, niyakap si Shane at Kyle, and said, “Oh.. Buti nahanap ko rin kayong dalawa. Naman, I’ve been looking for you kanina pa. ‘San ba kayo galling? Anyways, let’s continue all the talking in my office.”
And she led them to her office.
“Are you ready for the first reahearsal?” Mrs. Valdez asked the two of them. The two teens were both speechless.