[b]Chapter.o8
[/b]
Kinabukasan, naging tahimik ang IV-A.
Nabalitaan na nila nag kalagayan ni Belinda. Namumugtong pa rin ang mga mata ni Shane. It was an unusual day. Wala so mood ang lahat. Pati si Shane, di nakapag-concentrate sa klase.
Recess time. Shane spent her day reading her and Belinda’s favorite novel. [b]Circle of Friends ni Maeve Binchy[/b]. Ayaw tumigil ng mga mata ni Shane sa pag-iyak. Pinipilit niya nag sarili niya na tumigil na sa kakaiyak. She decided to go to the library. Nang biglang…
“Oyyy…” Si Kyle yun.
Nagkabanggaan sila.
Tsk.
“I’m sorry.”
“Hanggang ngayon, tanga ka pa rin.”
“Hanggang ngayon din Kyle, ang yabang mo pa rin.”
“Hanggang ngayon, iyakin ka pa rin.”
“Hanggang ngayon, pakialamero ka pa rin.”
“Hanggang ngayon, emotera ka pa rin.”
“Tss.. Hanggang ngayon, trip mo pa ring bad trippin ako.”
“Haha… Ano? Di ahh.”
“Excuse me.”
“Hanggang ngayon, suplada ka pa rin.”
“Hanggang ngayon, engot ka pa rin!!!!!!!!!”
“Haha… ang sabihin mo hanggang ngayon, pogi pa rin ako.”
“Whateberrrrr. Ang pangit mo kaya. Nakakasira ka pa rin ng araw.”
“Galit ka pa rin sa’kin no? Miss na kita, alam mo ba? Hahahaha!”
“Hahaha… Funny. Tsk.”
Hindi na pinansin ni Shane si Kyle at dumiretso sa library. Ayaw niyang lumala ang pagkabadtrip niya.
All she must think about is Belinda. No. Ayaw ni Belinda na napapabayaan ni Shane ang pag-aaral niya. Shane managed to scan her textbooks. Pinilit niyang pag-aralan in advance ang mga lessons niya lalo na’t by October ay may Math Provincial Decathlon sa kanila.
She would be busy this school year. May Romeo and Juliet, may Math Decathlon, may Divison Schools Press Conference plus school activities pa.
[i][b]Miss na kita…[/b] Tama ba yung narinig ko sa kanya. Tsk. Probably, isa na naman yun sa mga trip niya.[/i]
The day went on. After ng dismissal sa hapon ay dumiretso na si Shane sa auditorium. Namumutla siya. Hindi kasi siya nag-recess dahil wala ng natira sa pera niya.
Andun na ang ilan sa mga casts--- si Montague, si Lady Capulet, ang Nurse at si Benvolio. They have waited for 5 minutes bago sila nakompleto. Shane couldn’t help herself from glancing at Carl. She was thinking that he was so handsome.
[i]Siguradong matatawa si Belinda kapag nalaman niyang tama ang prediction ko.[/i]
They started their second rehearsal at first rehearsal ni Shane.
She noticed that Kyle was staring at her.
[i]Tsk…
[/i]
[….]
[b]De Castro Residence. 7:00 pm.
MRS. CAROLINA DE CASTRO’s birthday. [/b]
Hindi nakadalo ang pamilya ni Nicca sa birthday. Pumunta kasi sila sa CITY. Sa halip, dinala ni Kyle ang ilan sa mga classmates at barkada niya---- sina Marco, Paul, Kervy, Cedie, Chonggee, Yves, Janelle at Angelica.
“O Kyle, sila ba ang mga classmates mo?” tanong ni Mrs. De Castro.
“Opo, Ma.”
“E si Nicca?”
“Wala e. May lakad sila ng pamilya niya.”
“Oh sige..”
Tiningnan ng mama ni Kyle ang mga friends niya, head to foot.
[i]Grrr! Ayan na naman siya.[/i]
Okay lang naman sa mama ni Kyle na may inimbita siyang mga kaibigan…….. na lalaki. Ayaw ng mama niya na may pumupuntang babae sa bahay nila dahil kay Kyle lalo na kung di pa niya kilala. She hated that kind of girl. Yung parang naghahabol sa anak niya, pumupunta ng bahay nila at tinitext si Kyle maliban kay Nicca.
She liked Nicca dahil kilala na niya ang pamilya nito at business partners niya ang mga magulang nito.
“Kyle, ikaw na ang bahala sa kanila. Okay?”
“Yea.”
Nilapitan pa ni mama si Kyle and whispered, “And please Kyle, alam mo namang ayaw kong may pinapupunta ka ditong babae. Make sure hindi iinit ang ulo ko sa mga iyan.”
“Ma, what’s wrong with you? Mga kaibigan ko sila.”
“Basta. Tandaan mo ang sinabi ko.”
“Tsk…”
“Have fun.”
Mrs. De Castro left them. Pumunta sila sa may veranda at dun tumambay kasi wala masyadong tao dun. Nasa loob halos lahat ng mga guests ni Mrs. De Castro. Medyo bad trip si Kyle.
“Pwede bang maligo sa pool niyo?” tanong ni Marco.
“Haa.. Sige. Wala naman kayong dalang damit ee,”sagot naman ni Kyle.
“Haha.. Hindi naman siguro papayag si Tita Carol,”dagdag naman ni Angelica.
“’Wag na muna tol. This weekend na lang. Wala dito ang monster that time.”
Cedie suggested, “Talaga? Sige ba. Magdadala na lang din kami ng pagkain.”
“Okay. Kayo’ng bahala.”
“Ba’t di pa tayo kumuha ng pagkain?”
“Relax. Dadalhan lang tayo dito ni Manang Remy.”
After a few minutes dumating na si Manang remy at dalawa pang katulong na may dalang pagkain at drinks.
“A, Kyle..” Manang Remy said.
“Bakit po?”
“May naghahanap sa’yo sa labas, Sheena Katerin Rodriguez daw ang pangalan.”
Parang natigilan si Kyle.
“ Si Shane po?”
“Sheena raw, Kyle.”
“Shane din po yun! Sige po. Nasaan siya?”
“Nasa gate. Ayaw pumasok e.”
“Puntahan mo ‘tol. Uuyy. Nawala lang si Nicca, may Shane ka na,” pang-iinis ni Chongee.
“Uuuyyy..”
“Tumahimik nga kayo. Sige po, Manang. Pupuntahan ko po siya.”
Nagmamadaling lumabas ng bahay si Kyle at pumunta sa gate.
“Manong Jose, paki-bukas nga ng gate. Ba’t di nyo pinapasok si Shane?”
“E, Kyle. Ayaw niyang pumasok . Sandali lang naman daw siya.”
Binuksan ni Manong Jose ang gate. Nakita ni Kyle si Shane sa may landscape. Naka-yuko ito sa gilid ng gate at may dalang papel.
“Hoy…” tawag ni Kyle kay Shane.
“Ayy.. Buti lumabas ka na, hoy.”
“B-ba’t di ka pumasok?”
“Sandali lang naman ako e. Tsaka, mukhang may party jan sa inyo. Siya nga pala…” She paused.
“A-ano?”
“Ako nga pala si Sheena Katerin Rodriguez. Para mas madali, Shane nalang itawag mo sa’kin.”
“Tss. Pumasok ka nga. [i]Ipagmamalaki kita sa mga kaibigan ko..[/i]”
“Ayoko. Dito na lang kahit malamok.”
Medyo ‘di makapagconcentrate si Kyle. Ang ganda ni Shane sa gabing iyon kahit simple lang ang naging porma niya.
Nakalugay ang medyo kulot niyang buhok. Naka-3/4 sleeved na blouse at naka-cargo pants. Bagay na bagay sa kanya.
[i]‘Pag papasok ‘to, delikado siya kay mama.[/i]
“Ano’ng sinakyan mo?”
“Naglakad. Ah, madilim na Kyle kaya heto o. Ibibigay ko na sa’yo ‘tong permit para sa rehearsal natin this Saturday. Inutusan ako ni Mrs. Valdez kasi ako lang daw yung medyo malapit sa bahay niyo.”
“S-Saturday?”
“Oo. Sige, bye.”
“T-teka.”
“Ano?”
“Ihahatid na lang kita hanggang sa entrance.”
“’Wag na kaya ko naman ee. Tsaka, ang layo pa ng lalakarin natin.”
“Sige na. Madilim sa unahan. Patay ang poste ng ilaw dun.”
“Nakakatakot ka naman e.”
“Bakit? ‘Di naman kita aanuhin.”
“Kaya ko na talaga.”
“Ang kulit mo naman .”
“O sige. Baka sabihin mo pang napaka-oa ko.”
Sinamahan ni Kyle si Shane papuntang entrance. Nasa dulo kasi ng Monteverde Subdivision ang bahay nina Kyle at ang bahay naman nina Sheena ay katapat lamang ng nasabing subdivision.
“Di naman patay ang mga street lights dito.”
“Tingnan mo nga dun sa unahan o. May tatlong poste ng ilaw na patay dun.”
“’Di naman ako dito dumaan kanina aa.”
“Ha? San ka dumaan?”
“Dun lang sa isang kanto na dinaanan natin.”
“Ha? Hayaan mo na.”
Narating na nila ang madilim na parte ng kalsada. Tahimik nilang nilalakad ang bahaging iyon ng subdivision.
Tahimik din ang buong paligid ng biglang…
[b]Arf…. Grrr… Afr…Arf…Arf… Grr!!![/b]
Napaatras silang dalawa. May isang malaki at mabangis na aso ang humaharang sa kanila. Nanlilisik ang mga mata nito.
“Kyle?”
“S-shane?”
“Takot ka ba?!”
“H-h-hindi.”
“Relax ka lang okay. Balik na lang tayo sa dinaanan natin kanina. Di naman siguro tayo susugurin niyan.”
Hindi na makagalaw si Kyle. Parang naparalisa ang kanyang whole body.
“Shane. Muntikan na akong makagat ng asong iyan dati e. Akala ko lalapain na talaga ako. Buti dumating ang Papa ko.”
“So? Na-trauma ka? Napaka-baby mo naman o. ‘Wag ka ngang matakot jan. Relax. Sabayan moko sa paglalakad.”
Unti-unti nang ginagalaw ni Shane ang kanyang mga paa. Pero si Kyle ay tila naka-glue na ang mga paa sa semento. Lumalapit na ang aso sa kanila.
“Kyle?! Halika na nga. Bilisan mo pero ‘wag kang tatakbo.”
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Kyle. Parang galit nag alit sa kanya ang aso kaya na-rattle siya at agad na tumakbo. Napatakbo na rin si Shane. Kaya yun.. hinabol sila ng aso.
[b]Arf.. Arf.. Arf.. Arf.. Arf..[/b]
“Kyle! Sandali!”
Sobrang mabilis si Kyle. Halos di na siya maabutan ni Shane. Humarurot ng takbo si Shane hanggang sa pareho na sila ng pace sa pagtakbo. Nakasunod pa rin ang aso ngunit medyo malayo ito.
“Kyle, hinto muna!”
“Hindi Shane. Lalapain tayo niyan.”
“Teka, wait.”
Tumigil sa pagtakbo si Shane at kumuha ng mga bato na nasa gilid ng kalsada. Pinagbabato niya ang aso at agad-agad naming umiwas ang aso at tumakbo palayo sa kanila.
Hinihingal na si Kyle. Bakas sa kanyang mukha na hindi sya makapaniwala.
“Are you okay?”, tanong sa kanya ni Shane.
“Alam ko ‘to e.”
“Ano’ng alam mo?”
“Napanaginipan ko na ‘to e.”
“Ano bang ibig mo’ng sabihin? Tara na nga Kyle.” Nilapitan ni Shane si Kyle at Hinahaplos ang likod nito dahil sobrang hinahabol ni Kyle ang kanyang hininga.
“S-Shane?”
“O bakit? Okay ka na? Wala na ‘yung aso o,” sabay smile.
Napatitig siya kay Shane. Hindi siya makapaniwala na nagkatotoo ang panaginip niya. At si Shane pa ang nagligtas sa kanya.
“Huy. Okay ka lang, Kyle?”
“Ang pangit mo pag pinagpapawisan. Napaka-oily.”
“Walang hiya talaga. Ikaw na nga ‘yung niligtas e.”
“Tara na. Hatid na kita sa entrance.”
“Okay.”
Tumutulo ang kanilang pawis habang binabagtas ang Violet St. Pero, ang malamig na simoy ng hangin ang nagbigay sa kanila ng refreshment.
Narating na nila ang entrance.
“Salamat ha. Takot ka pala sa mga aso.”
“Sino’ng di matatakot dun e nangangain ‘yun ng tao.”
“Haha.. Sige. Gusto mo ihatid ulit kita sa inyo baka magkasalubong na naman kayo ng asong ‘yun.”
“Nagpapatawa ka ba. ‘Di ako duwag ‘no. Kung nangangain ‘yun ng tao, nagangain naman ako ng aso.”
“HAHAHAHA. Joke ba ‘yun, Kyle?”
“Gumaganti ka ba sa’kin?”
“Ha? Hahaha. Para san?”
“W-wala.”
“Sige, bye Kyle. Ingat… sa aso.”
“Uwi na.”
“Bye-bye.”
“Bye.. Salamat.”
[spoiler]Edited kasi maraming typo...
[/spoiler]
Last edited by HAHEHIHOHU (2010-04-28 02:47:19)