Pages: 1234567..7

  2010-05-08 06:04:10

oniongurl
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2236
0
1969-12-31

[img=530x350]http://i40.tinypic.com/28ssh2x.jpg[/img] [align=center][b][size=7][font=Trebuchet MS]We're Near, Yet Far[/font][/size][/b][/align] [align=center][b]Started:[/b] 05 / 05 / 10

[align=center][b]Prologue[/b][/align] "Mia! Eto na yung order at address. Ikaw na ang mag-deliver ah?" sabi ni Mama. Nagbabasa ako ng Magazine habang kumakain ng cookies, kaso, mabibitin ata ang relaxation ko for this weekend. "Opo!" sabi ko, then kinuha yung paborito kong cap. Inayos ko yung buhok ko ng pataas at nilagay yung cap. Kinuha ko kay Mama yung order at yung maliit na papel kung nasaan nakalagay yung address. Sumakay na ko ng bike ko and, ayun, bye bye. Whew, ang hirap pala kapag ang pamilya niyo ay merong noodle shop, eh? "Lalalalalalala~" pakanta-kanta lang ako habang papunta doon sa bahay ng nag-order ng noodles. Si Mama ang magluluto, ako ang mag-dedeliver in case may nag-order via sa phone. Hindi naman masyadong mahirap, kayang-kaya. Oo nga pala, I'm Mia De Castro. Age, 16. Nag-aaral ako sa isang private school, medyo mataas ang tuition fee doon pero nakakaya pa naman. Basta may trabaho. Hay. I have a younger sister named Ami, ang papa ko naman isang.. well, actually wala siyang trabaho. Pero tumutulong siya paminsan sa negosyo. Basta, yun lang naman ang dapat niyong malaman sa akin. Wala naman ako masyadong masasabi sa sarili ko eh. Narating ko na rin yung bahay, and wow. Malaking bahay pala ito, eh bakit nag-oorder ng noodles? Hmm. Pinindot ko na yung doorbell ang wow, nagsasalita yung doorbell. Astig ah. "Hello, sino po ito?" tanong ng isang babaeng boses. "Uhm, eto po yung Noodle Koto Shop Delivery service. Nag-order po sila?" "Teka ah.." After a few minutes, merong lumabas na yaya. Lumapit siya at lumabas ng gate. Hinarap ako. "Eto na po yung order." kinuha ko yung order at binigay sa kanya. "Sige, salamat." sabi niya, tapos binigay yung bayad. "Salamat din." Binilang ko muna yung pera para tignan kung may sukli pa, tapos, biglang may lumabas pa mula doon sa bahay. Lalaki. At pamilyar. Teka, isn't he.. Siya nga? Oh no. "Ah, tamang-tama 'tong bayad. Sige. Salamat ulit." sabi ko, nagmamadali, at paalis na, nang biglang may tumawag sa akin. "Mia De Castro? Ikaw ba yan?" sabi nung boses na iyon. Gotcha. Siya nga iyon. Renz Hernandez, the worst guy in the planet. "Huh? Hindi kita maitindihan, sige alis na ko ha?" Nagmadali akong paalis, nang bigla na namang hinila niya ako. "Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "Ikaw si Mia eh?" "Hindi nga, sige bye bye." pero, tinanggal niya yung cap ko, at laking gulat na.. well, bistado na. He sticked his tongue out. "Hi Mia~ Delivery Girl ka pala?" "Hindi nga!" "Haha." "Bahala ka dyan, sige bye na." "Uyy sandali lang!" hinawakan niya ulit ako, and ayun tuloy, nasuntok ko siya. He groaned. "Ikaw pandak ka.." he muttered. "Oyy, hindi kaya!" Nag-bike na ako palayo. No way. Renz Hernandez. My friend's ex.

Pages: 1234567..7

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 11:12

[ 12 queries - 0.013 second ]
Privacy Policy