Re: [img=530x350]http://i40.tinypic.com/28ssh2x.jpg[/img]
[align=center][b][size=7][font=Trebuchet MS]We're Near, Yet Far[/font][/size][/b][/align]
[align=center][b]Started:[/b] 05 / 05 / 10
[align=center][b]Chapter 001[/b][/align]
Late na ko! Late na ko!
Nakakainis naman kasi si Mama eh. Paano ba naman kasi, trabaho na nga ang weekends ko, nagpuyat ako kakagawa ng homeworks. Eh dahil sa sobrang antok, nakalimutan ko na i-set ang alarm clock ko. Kaya ayun. Hindi ako nagising, hindi kasi ako ginising ni Mama. Wala pa akong almusal.. grr, kainis talaga!
Sana naman di ko ma-miss yung tren. Please, please!
Patuloy akong tumakbo at nandito na rin sa train station. Ang daming tao, syempre kasi since September na, malapit-lapit na ang Christmas, kaya todo effort na ang lahat sa trabaho at school. Nagsisimula na rin ang sales. And limited edition stuffs. Ayy, ang mahalaga, kung nakaalis na kaya yung tren?
Tumakbo ako nang mabilis and, ayun! Buti na lang andito pa. Bilisan mo pa nang unti, Mia. Sasara na yung pinto.. and boom.
Yehey~ Nakapasok ako. Whew, buti na lang talaga nahabol ko pa. Tumingin-tingin ako sa paligid kung may upuan pa. Punuan ngayon, grabe. And wow, may nakita akong isang bakanteng seat.. wow, Thank you po Lord!
Papunta na ako sa seat nang biglang, may tumakbo at umupo sa seat na iyon. Lalaki. Naka-uniform tulad ko.
And.. si Renz pala iyon.
Oh my, nakakainis!
"Oyy! Nauna kong nakita iyan!" sabi ko sa kanya.
"Sorry ka, nauna akong umupo eh."
"Edi umalis ka dyan. Be gentleman naman."
"Ayoko."
Aba. Ngumiti-ngiti pa ang loko. Tapos, naglabas ng Ipod mula doon sa bag niya and nakinig na. Nakakainis talaga 'to ohh.
"Oy!" sinigawan ko pa siya. Nakakaasar talaga, ako pa ang pinatayo dito.
"Tsk.. manigas ka dyan." sabi niya, tumatawa pa. Para talagang demonyo. Whoa.
Lumayo na lang ako sa kanya at tumayo. Grabe, ang hirap naman kumapit dito. Ang dami pang tao.
Nakakainis. Aagahan ko ang pag-uwi mamaya.
[hr]
Break time.
"Mia! Sam! Kain tayo. Bilis. Anong order niyo?" ni Tammy. Nasa classroom pa kami, kumokopya pa ako nang notes di pa ako tapos eh. Si Sam naman, wala lang, nag-tetext text.
"Bili mo na lang ako ng sandwich saka juice. Yun lang. Eto pera ko oh." sabi ni Sam.
"Ayaw mo pumunta sa cafeteria?" tanong ni Tammy.
"Ayaw ko eh. Dito na lang ako."
"Ahh. Okay. Eh, ikaw Mia, pupunta ka sa taas?"
"Ah! Hindi pa ako tapos dito eh."
"Ayaw mong kumain? Bibilhan kita."
"Huwag na. Busog pa naman ako eh." I lied. Oo. Kasi, diba nga wala akong almusal? Naman, okay lang yan, lilipas din naman ang gutom ko eh.
"Oh sige. Ah, oo nga pala Mia. Si.. Adrian, di mo ba siya pupuntahan?" tanong ni Tammy.
Nahinto ako sa pagsusulat. Adrian James Dizon. My guy best friend. Ever since bata pa lang kami, magkalaro na kami and laging si Adrian ang kasama ko. Minsan, akala pa ng iba naming classmate kami na, pero hindi talaga. Kapatid lang kasi ang turing ko kay Adrian.
Pero.. last week, he started acting weird. Di ko alam, pero simula yun nung sinabi kong may crush ako sa isa naming classmate. Pero joke ko lang talaga yun, sinabi ko lang yun para di nila ako asaring tibo kasi never pa akong nagka-boyfriend at hindi ako masyadong nagkaka-crush.
Hay, enough of that na nga.
"Hay.. hindi ko nga alam eh. Hindi niya na ako kinakausap."
Napahinto si Tammy and Sam, ang tumitig silang dalawa sa akin.
"Hindi kaya may gusto siya sa iyo, Mia?" sabi ni Sam.
"Oo nga!" ni Tammy naman.
Nagulat ako. Ako.. gusto ni Adrian? Malabo ata yun.
"Hindi noh! Kayo talaga."
Tumingin ako sa may bintana. Love.. or infatuation, wala ako nun.
[hr]
"Sige, bye na Sam at Tammy ah! Nagmamadali ako! Sige bye!" agad na akong lumabas ng classroom at umalis papuntang train station. Akala nung Renz na yun ha, siya naman ang aagawan ko ng upuan.
Tumakbo ako and, whew. Ayun, nandito na rin sa wakas.
"Akala nung Renz na yun hahaha." sabi ko at pumasok na ng bus. And..
Maluwag. Walang masyadong tao. Siguro, mga lima lang kami doon.
At isa na yung Renz na yun.
"Anong kala ko?" sabi niya, at ayun, nandun siya sa may upuan. Nakakainis!
"Wala! Hmph!" umupo ako malayo sa kanya. Umandar na yung bus and chineck ko na lang ang phone ko.
At ayun, lumapit siya sa akin.
"Mia, delivery girl ka pala ha."
"Ewan ko sa iyo." Inirapan ko nga.
"Sus. Nakakainis ka, ang sakit nung kahapon ah."
"Gusto mong makaisa pa?"
"Ayaw ko na? Okay."
Tumawa lang ako. Tapos tinitigan ko siya, and he is laughing too. I smiled.
Ang loko na ito.