Re: [img=530x350]http://i40.tinypic.com/28ssh2x.jpg[/img]
[align=center][b][size=7][font=Trebuchet MS]We're Near, Yet Far[/font][/size][/b][/align]
[align=center][b]Started:[/b] 05 / 05 / 10
Loooooooong update 'to. HAHAHA.
[align=center][b]Chapter 007.2[/b][/align]
Friday afternoon. September 25. Kakauwi lang, at nasa tren ngayon. Hay, Sabado ulit bukas, boring.
As usual, ganon pa rin, si Renz sa tabi ko.
"Sabado na pala bukas, no?" he said. I nodded.
"Hmm.." sabi niya lang. Ako naman ee, naghihintay sa sasabihin niya.
"Pwede bang.. ano.. ah," he said, stuttering.
"Diretsuhin mo na lang ako, pwede ba?" tanong ko lang.
"Kasi.. ano.. pwede bang mag-date tayo bukas."
"Date.." And na-realize ko na DATE, AS IN DATE PALA!
"D-D-D-D-DATE? As in Date?!" tanong ko, baka naman kasi mali lang ang pagkarinig ko.
He nodded. "Bingi ka ba? Sabi ko nga date diba? Just a friendly date. Walang masama doon." Renz said while blushing.
"Oo nga naman.. pero bakit sobrang sudden naman?"
"Wala lang, naisip ko lang. Boring kasi weekends ko eh."
Napaisip ako. Kung ang isang lalaki inaaya ang babae sa isang date, ano bang iisipin mo? Diba para bang.. may gusto siya sa iyo? Ayokong isipin yun, pero yun talaga ang pumapasok sa akin ee.
"Ano, libre ka ba sa Sabado? O ano? WAG NA NGA LANG!"
"Hindi, hindi. Libreng-libre ako."
"Osige, Sabado, 3pm, sa Furukawa Amusement Park, okay?" sabi niya at tumayo na, palabas ng tren dahil stop niya na.
My first official date with Renz. Official, as in official, aa!
[hr]
"Anak, saan ka ba talaga pupunta?"
"Sa tabi-tabi lang." sabi ko. Ayoko ngang sabihin kay Mama ang tungkol dito.
"May date si Ate Mia. Narinig ko siya kagabi, excited na daw siya makita si.. Renz ba yun?" sabi ni Ami.
"Renz? Yung gwapong mayaman na dinala mo dito, ha, Mia?" sabi ni Mama.
Tinitigan ko si Ami. Naman, binuko pa ako.
"O-opo. Pero, ano.. mag-hangout hang out lang kami no."
"Owss. Pero, bakit ganyan lang ang damit mo? Dapat magandahan sa iyo si Renz."
I stared at what am I waering. Yellow shirt and an old jeans. "Pero Ma, favorite color ko ang yellow at saka komportable ako dito eh."
"Kahit na anak no. Kahit man lang magpanganda ka. Kahit ngayon lang, please, anak?"
"Eh.. pero isang kondisyon."
"Ano?"
"Umm, dagdagan mo yung baon ko, aa?"
"Osige, kung noodles na lang kaya ang ibaon mo? Ha?"
I frowned. "Joke lang yun Ma. Osige, bye na."
"Teka, kung ayaw mo, pwes, pipilitin kita." At ayun, hinila ako ni Mama papuntang kwarto para ayusan.
[hr]
[b]Renz's POV[/b]
Mga sampung minuto na ako naghihintay kay Mia. Ang tagal niya, hindi kaya nagbago na siya nang isip? Sigh. Tiningnan ko ulit yung relo ko at kapag hindi pa siya dumating within 5 minutes, aalis na ako.
Tapos, nagulat ako nang biglang may babaeng biglang pumunta sa harapan ko. Nakalugay ang buhok, naka-headband, puting dress, black sandals at maliit na black na body bag. Ang ganda niya, para siyang anghel mula sa langit.
"Sorry kung late ako aa." sabi niya. Teka, parang pamilyar ang boses.
"Uhm, excuse me Miss?" sabi ko.
"Sorry kung late ako. Inayusan pa kasi ako ni Mama eh. Nakakaasar nga."
And I realized..
"IKAW BA SI MIA?!"
Nagulat siya sa akin, at tinitigan ang sarili niya. "Oo. Ako si Mia De Castro, age sixteen, nag-aaral sa eskuwelahan na pinapasukan mo din. Bakit ba?"
"Hindi ako makapaniwala ee. At saka, parang tumangkad ka. Yung Mia, pandak yun. Ikaw matangkad."
Bigla niya kong binatukan. "Aray, masakit yun aa!"
"Pinagsuot kasi ako ni Mama nitong sandals na over sa heels. Kaya tumangkad, haler?"
"Ahh. O sige, halika na nga." sabi ko na lang sa kanya. Bumili na kamin ng tickets tapos nag-libot libot.
"Anong gusto mong unahin?" tanong ko.
"Kahit ano. Hmm, ayun kaya?" sabi niya at itinuro yung carousel.
Tinitigan ko siya. "Ano ka ba? Doon tayo sa roller coaster, masaya doon. Huwag diyan, eh pambata yan ee."
Tinitigan niya rin ako. "Eh paki mo ba kung gusto ko diyan, maganda diyan no."
"Ayoko diyan, basta."
"Edi sige, bahala ka." sabi niya at she crossed her arms. She looked upset.
"Sige na nga.." sabi ko, kahit na ayaw ko talaga.
[hr]
Mas nakakahiya ang mga sumunod naming rides. Sumakay kami sa bump car, sa may tren na maliit kung saan puro bata ang kasama namin, at pati na rin sa airplane-airplane na yun. Nakakainis, kung anong gusto niya, doon kami. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, nakakahiya, grabe.
"Saan naman tayo?" tanong niya habang ngingiti-ngiti pa.
"EH KUNG SA ROLLER COASTER NAMAN KAYA?!"
"Ayoko dun, masyadong pambata eh."
"At yun pa ang tinatawag mong pambata, eh yung mga gusto mong rides yung pambata kaya."
She crossed her arms again. Err, hindi na ako magpapadala this time.
"Halika na, doon tayo sa roller coaster!" I said at hinila siya papunta doon.
[hr]
"Ang saya sa roller coaster no? Doon naman tayo." sabi ko at tinuro yung gumagalaw-galaw na pabaliktad, nakalimutan ko ang tawag doon, Viking ata?
"Eh, ayoko na doon." sabi niya. She looks pale.
"Sige na." hinila ko rin siya papunta doon. Tapos nun, sumakay pa kami sa iba't-ibang nakakahilo at nakakatakot na rides.
At, nag-decide na magpahinga muna. Umupo muna kami sa isang bench at nag-iisip kung anong kakainin.
"Anong gusto mo ba?" tanong ko. She shrugged her shoulders.
"Uyy, ano nga? Bahala ka, wala kang pagkain." sabi ko. Hindi siya sumagot. "Ano bang problema mo Mia?" tanong ko. Ang putla-putla niya na.
"W-wala. Siguro.. uhm.. Ice Cream na lang."
"O sige. Anong gusto mong flavor?"
"Cookies and Cream."
"O sige, hintayin mo ako dito."
"Okay." sabi niya sa mahinang boses.
Pumunta ako sa may bilihan ng ice cream. "Mama, dalawang ice cream nga po. Chocolate at Cookies and Cream." Pagkatapos ko bumili ng ice cream, bumalik na ako kay Mia at kumain na kami. Tapos nun, malapit na bumaba ang araw.
"Ayan. Nandito na tayo." Tinitigan ako ni Mia at sumimangot siya.
"H-h-h-horror house? Seryoso ka ba?"
"Oo naman."
"Hay." she sighed.
Pumasok na kami sa loob at sobrang dilim. Nakahawak si Mia sa may braso ko at nanginginig sa takot. Hindi niya ata napapansin na nakahawak siya eh. Tapos may nagsilabasang multo, di naman nakakatakot. Eh itong katabi ko, takot na takot. Sigaw nang sigaw at sinasabing, "Alis na tayo!" o kaya, "MAMAMAMAMAMA!" Tinatawanan ko lang siya.
Pagkalabas namin, malapit na ang pagbaba ng araw, siguro 2 minutes na lang, kaya Ferris Wheel na lang ang huli naming sasakyan. Para maganda ang view. Buti na lang hindi masyadong mahaba ang pila, kaya nakasakay na kami agad.
"Last na 'to, promise ah?" sabi ni Mia at sumakay na kami sa loob ng ferris wheel.
Umandar na, at palapit siya nang palapit sa akin, at nanginginig pa.
"Ano ba talagang problema, ah?" tanong ko.
"W-w-wala nga. Ang kulit mo naman."
"Okay." Tapos, napansin kong nagsisimula na pala. "Tignan mo oh." sabi ko sa kanya at tumingin siya sa sunset.
"Ang.. ganda." sabi niya habang nakatitig pa rin at nakangiti pa. Ngumiti ako. Naalala ko tuloy yung araw na iyon.
"Yellow. Hindi mo ba alam na favorite color ko yan?" sabi ko. Napatingin siya sa akin.
"Owws? Yellow din sa akin ee."
"Haha. Pareho pala tayo. Bakit naman Yellow favorite mo?"
"Hmm.. kasi, sa tingin ko Yellow symbolizes Hapiness. At saka Yellow ang pinaka-bright na color sa lahat, at saka.. diba nga ang araw kulay yellow? Nagbibigay yun ng pag-asa at kapayapaan sa bawat isa."
Napangiti ako. "Ang deep naman non." Tumawa siya, "Eh yung sa iyo, bakit yellow din?" tanong niya.
"Kasi.. secret."
"Nge, ang daya mo naman."
"Haha, ganun talaga." tumawa ako at pinagsusuntok niya ako nang mahina at pinipilit ako sumagot. Tapos bigla siyang napahinto.
"Hindi.. ko.. na.. kaya.." sabi niya, at nagtataka ako. And, ayun. Sinukahan niya ako.
[hr]
[b]Mia's POV[/b]
"Sorry talaga. Sorry." sabi ko kay Renz. Bumili na lang ng bagong damit si Renz tapos nag-dinner kami tapos ngayon hinatid niya pa ako sa bahay. Nakakahiya na.
"Haha, okay lang yon. Oo nga pala.. nag-enjoy ako."
"Ako rin." sabi ko at ngumiti.
"O sige, alis na ako ah."
"Okay. Ah, teka. Thank you nga pala."
"Wala yun." Nilapitan ko siya at kiniss sa cheeks. Teka, ginawa ko ba talaga yun?
"S-s-s-s-sige, bye na!" sabi ko while blushing.
"S-sige.. bye na." sabi niya at umalis na.
I really kissed him on the cheeks? Nakakahiya. Papasok na ako sa bahay namin nang naalala ko na sinabi ni Renz na favorite color niya ang yellow. Tapos, biglang pumasok sa isip ko yung sinabi niya sa akin kung bakit sila nag-break ni Sam.
Ano nga ulit codename nun? Hay, wag na nga. Ang weird ko talaga.