Re: [img=530x350]http://i40.tinypic.com/28ssh2x.jpg[/img]
[align=center][b][size=7][font=Trebuchet MS]We're Near, Yet Far[/font][/size][/b][/align]
[align=center][b]Started:[/b] 05 / 05 / 10
Aww, thanks po sa comments niyo <3333 I love you all, readers!
[hr]
[align=center][b]Chapter 002.2[/b][/align]
"Mabait na girlfriend si Sam, maganda, matalino, mayaman, at higit sa lahat matapang. Ang swerte ko nga na naging girlfriend ko siya eh. Kahit na may pagka-childish ako minsan, maunawain si Sam, sobrang mature niya, grabe. Kaso.. isang araw, hindi ko alam. May napansin akong babae, matagal ko na siyang kilala, pero hindi ko siya napapansin. Napansin ko lang siya nang.." Napahinto siya, at he looked away.
"Uyy, tuloy mo na." sabi ko sa seryosong tono.
"So I was saying.. I fell for this girl. Mabait siya, masipag, resp—"
"Sinong babae?" tanong ko, and raised a brow.
"Secret ko na yun. Itawag na lang natin siya sa pangalang.. Yellow. Sa tingin ko bagay sa kanya yun eh."
Yellow ah.. Nakakaasar naman 'tong lalaki na ito, magkukuwento sa akin bigla, tapos hindi pa gaano ka-detailed. Naman. Paano ko malalaman kung sinong malanding babae yung nagpaiyak sa best friend ko? Kaasar talaga.
"Ayun. Hindi naman kami nag-uusap, hindi niya alam na may gusto ako sa kanya. Minsan, oo, magkaka-usap kami, pero yung parang saglit lang. Hindi kami close. Tapos, isang araw.. parang bigla na lang.. lagi siya yung iniisip ko, at na-realize ko na unting-unti nawawala yung pagmamahal ko kay Sam."
"Ayun na yun? Teka, bakit mo ba nagustuhan yung flirty na Yellow na yun?"
He stared at me and smiled. "Una, hindi siya malandi. Second, secret na yun."
I sighed in defeat. "Oo na, panalo ka na. Pero, malandi pa rin siya. Naku, pag nalaman ko lang talaga kung sino yang babaeng yan, humanda siya sa akin."
"Talaga?" sabi ni Renz.
"Oo naman."
He smiled and poked me on my head. "Loka-loka ka." Naguguluhan talaga ako sa lalaking 'to. Ang sakit pa nang ulo ko dun ah.
"The next stop will be in Nagoya Station. I repeat, the next stop will be in Nagoya Station." sabi nung announcer sa train.
"Oh sige, pandak, bye na."
"Pandak ka dyan! 5 foot kaya ako!"
He just chuckled, and lumabas na. He waved good bye, and I did too. Sa next stop pa ako, kaya nakinig na lang ulit ako sa Ipod ko.
Sasabihin ko kaya kay Sam yung sinabi sa akin ni Renz?
[hr]
"Uy, uy! Mia!" Nabalik na ako sa sarili ko nang may tumawag sa pangalan ko. Si Tammy pala, kasama si Sam.
Ah, oo nga pala. Nandito kami sa field dito sa school. PE time kasi eh.
"Ano bang problema mo at parang natutulala ka?" tanong ni Tammy.
"Oo nga, kanina ka pa namin tinatawag, pero hindi ka sumasagot." Sam agreed. Napangiti ako sa kanila at kinamot ang ulo ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi at natutulala ako dahil kakaisip sa sinabi sa akin ni Renz kahapon.
"May bumabagabag ba sa iyo?" tanong ni Sam. She smiled at me so sweetly. Naman, na-guiguilty ako kung hindi ko sasabihin sa kanya yung nalaman ko.
"W-wala. Siguro pagod lang, nag-deliver kasi ako ng mga noodles kahapon eh."
"Kung pumunta ka kaya muna sa clinic? Sabihin ko na lang kay Sir Dela Fuerte na you're not feeling well."
"Hindi na, ano ka ba." sabi ko, ngi-ngiti ngiti at iginagawaygay pa ang kamay.
At ayun, sapul. Sa clinic din ang bagsak ko.
[hr]
"Anong nangyari..?" sabi ko, nang magising. Nasa clinic ako, andoon sila, nakapaligid sa akin.
Sobrang lapit sa akin ni Adrian, namumula tuloy ako.
"Mia! Buti naman at gising ka na. Kanina pa ako nag-aalala sa iyo, kasi.. sorry talaga! Naglalaro kasi kami ng basketball, eh ayun, sobrang lakas ng pagbato ni Renz na tumama sa iyo.. sorry talaga!" sabi niya habang shine-shake pa yung balikat ko.
"Adrian.. Nahihilo ako.." sabi ko, at huminto siya. "Sorry, sorry. Sorry Mia." he said.
"Hmm.." Napatingin ako sa paligid. Nandito si Adrian, Sam, Tammy, Sir Dela Fuerte, Ken, Gary, Michael at si.. Renz.
"Renz! Kasalanan mo yun diba, mag-sorry ka naman kay Mia." sabi ni Tammy.
"Ayoko nga. Siya naman may kasalanan nun eh, hindi kasi siya tumitingin."
Sam looked at me, tapos kay Renz. "Mag-sorry ka na kay Mia, please. It's your fault."
Napahinto si Renz, at natahimik ang lahat. "S-sorry." Renz akwardly said.
"Hay, marunong naman pala mag-sorry eh. Akala ko wala na talaga siyang puso." sabi ko na lang.
Ayun, nagalit si Renz, at sumigaw nang, "Ako na nga ang nag-sosorry dito pandak ka! Gusto mo ulit tamaan kita dyan ng bola?" Lalapit sana siya sa akin pero inawat siya nila Ken at Gary saka ni Sir.
"Sa tingin ko kaylangan mo munang lumabas, Mr. Hernandez."
Buti nga. Pinalabas na rin yung mokong na iyon. Baka awayin ulit ako eh.