Sorry sa late update :-(((( Wee.
[hr]
[align=center][b]Chapter 006.1[/b][/align]
September 20 na ngayon. Meaning, malapit na ang b-day ni Adrian, 3 days na lang!
Nag-iisip pa ako kung ano ang pwedeng iregalo kay Adrian. Last year, binigyan ko siya ng medyas. Last last year, binigyan ko siya ng medyas. Last last last year, binigyan ko siya ng medyas.
Teka.. puro medyas ang binigay ko sa kanya?! Naman, hindi ko alam.
Nandito ako sa Mall ngayon para bumili ng regalo. Napadaan sa bentahan ng medyas. Ito na lang kaya ulit ang iregalo ko? Mura lang, at saka mahilig kasi si Adrian sa basketball, kaya kaylangan niya ng medyas. Hay, ibalik mo nga yang kinukuha mong medyas, Mia. Iba naman ang regalo mo sa kanya.
Napadaan naman ako sa bentahan ng ballpen. Ballpen na lang kaya? Student Council President siya, kaylangan niya 'to. Hay, ang cheap nga lang kung ballpen ang regalo ko.
And lastly, napadaan ako sa Wacdo. Kakain muna ako, nakakapagod mag-shopping eh.
[hr]
"SAM! Tulungan mo ako! Wala akong nabiling regalo para kay Adrian kahapon eh!" I told Sam nung lunch break na namin.
"Hay, you spend an hour in the mall without buying anything? Hay, tulungan ka na lang kaya namin ni Tammy bumili ng regalo mamayang uwian?"
"Talaga? Thanks talaga!"
[hr]
Ayun, namili kami nila Sam and Tammy kaninang hapon. Sa makalawa, birthday na ni Adrian. Yay!
Kinabukasan, PE time namin, at wala talaga akong magawa. Nakakainis, takbo-takbo na naman, kaya tumakas na lang ako sa PE Class. Bibili na sana ako ng inumin nang biglang nakasalubong ko si Adrian.
"Ah. Adrian, ikaw pala. Hello!" I said, naku, excited na ako sa b-day niya bukas.
"Mia. Ah.. oo nga pala, may naalala ka kung anong meron bukas?"
Hmm, siguro kunwari nakalimutan ko. "September 23 bukas no..? Hmm.."
"Hmm?" sabi ni Adrian while staring at me. Natatawa ako, grabe.
"Ah! Evaluation nung project sa Physics, no?"
"Hindi yun, Mia."
"Eh ano bang meron?" I asked. Adrian just sighed.
"Wala, never mind." he said. "Oo nga pala, diba dapat PE Class na? Bakit nandito ka?"
Since Adrian is busy kasi Student Council President siya, pwede siyang exempted sa Classes.
"Ah.. nauuhaw kasi ako. Alam mo na? Ang hirap talaga takbo takbo, diba? Pinagpapawisan na nga ako eh, 20 minutes na ako tumatakbo."
"Haha, nakita kita kanina, nakaupo ka lang at mukang bagot na bagot."
"Ayy.. bistado.. hihi.."
"Haha, akala mo ah." he said. Nagtatawanan lang kami nang biglang may dumating. Si Renz.
"Ate pabili nga po ng Softdrinks." Renz said. PE Class din nila, and.. kahit na pagod na pagod siya, he looks hot pa rin.. oyy teka, panget nga yan eh. Errrr.
"Oh, Mia! Nandyan ka pala, sorry hindi kita napansin eh, ang liit mo kasi." he said while laughing.
I glared at him, at inapakan ang paa niya. "ARAY!" he moaned.
"You deserve it." I said with an evil laugh.
"Ikaw pandak ka, pasalamat ka babae ka, hindi kita papatulan!" he said. I just laughed.
I feel really happy when I spend time with Renz.
Nang umalis na si Renz, I sighed and smiled at Adrian. "Oh ano, halika na?" I asked.
Adrian stared at me. Parang iba yung tingin niya.. para siyang galit. "Mia, may tatanong lang sana ako sa iyo, and please answer truthfully, okay?" he asked.
"Okay? Ano yun?" I asked with a smile.
"May gusto ka ba kay Renz?"
Last edited by oniongurl (2010-06-03 04:47:41)