A/N: Sorry for the short update at Chapter 03. I was really busy.
So.. here's chapter 04. I hope you'll enjoy this topic. It's kinda.. err.. medyo boring for me. Hahaha. I can't think of any stuffs na interesting. But just wait... magiging okay na ito sa mga chapters na darating.
Err..
NEW READERS, you're always welcome here. Thanks for reading.
And the avid readers, thanks for appreciating the work. Above all else, Glory be to God.
[hr]
[b]Chapter 04[/b]
"Sabihin na kasi. Anong koneksyon mo kay Rhys?"
Tiningnan ko siya at nagpout sakin si Bea. Kungsabagay, may karapatan siyang malaman. Ano pa't naging magkaibigan kami. Tsk.
"Well, tinanong ko siya kung bakit niya ako hinatid, sabi niya naman.." tumango siya saken. "Sabi niya, dahil family friend daw ako ni Vincent." I smiled bitterly. "So yun lang."
She looked at me habang nakataas ang kilay. "Oooowwsss?"
"Ows ka diyan. Tigilan mo nga ako. Yun lang talaga. Heartbreaking kasi I didn't hear the reason na gusto kong marinig."
Bigla na naman siyang tumingin saken at nanlaki ang mga mata nito.
"OMG. Ikaw riiiin? Nakagat ka rin ng "Rhys-bug"? OMG." O___O
Bigla akong napatahimik. Oo, mukha nga.
"Oh please.. wag ka ng magdeny! Alam ko na no. Halata sa PULA mong mukha." At bigla siyang tumawa.
"Very funny." I said sarcastically.
"Kung sabagay bestfriend, gwapo nga naman si Rhys. Matalino pa. At medyo matino. Kaya hindi ako magtataka kung nakagat ka din ng Rhys-bug." She laughed again.
"Eh bakit ikaw? Hindi mo ba siya gusto?"
"Ano ka ba! Alam mo namang may gusto akong iba diba?" She grinned.
"Hindi ko alam kung bakit mo nagustuhan yung Raph na iyon. I mean.. diba dapat nga-"
"Diba dapat nga hindi ko siya nagugustuhan dahil kuya siya ng bestfriend kong si Yana?" She laughed again. "Naku Yana, ayos lang ito no. Wala namang malisya itong pagkakagusto ko sa kanya. Kung-"
"Pero masasaktan ka lang Bea. May girlfriend na si Kuya at sa tingin ko, it's time to give him up."
Bigla siyang napatigil at napatingin sakin. Nanlaki na naman ang mga mata niya at napanganga siya.
"Repeat that again."
"It's time to give him up?"
"No! The other one.. before that, I think."
"May girlfriend na si Kuya." Bigla siyang napahawak sa ulo niya at sumunod sa kanyang puso.
"Sabihin mong nagbibiro ka lang Yana! Walang girlfriend ang Kuya mo! Yan ang sinabi niya saken noon! At hindi siya sinungaling! Kaya wag kang magbiro ng ganyan!"
"Pero Bea.. last year niya pa iyang sinabi sa iyo na wala pa siyang girlfriend. Meron na ngayon. Kaya tigilan mo na siya."
"Tumigil ka nga! Kahit kailan, hindi ko titigilan ang Kuya mo. Over my dead body."
"Ewan ko sa iyo." sabi ko at naglakad na. Sumunod naman si Bea saken.
Pagkatapos ng Physics naming subject, nagligpit na muna ako ng gamit at pupunta na sana ng toilet room nang kinalabit ako ng seatmate ko sa gilid.
"B-bakit Trish?" O_O
"Nagdate ba kayo ni Rhys Romualdez kahapon?"
"Huh? N-nag-d-d-date? Anong pinagsasabi mo?"
"Wag mo ng ideny. Nakita ka ng mga schoolmates natin! Alam mong mahal na mahal ko si Rhys at marami pa ang nasa sitwasyon ko din! How could you do this to us?! How could you?!"
"Hindi kami nagdate. Hinatid niya lang ako sa bahay."
"Hiiiinaaatttttiiiiiidddd?!" Napahawak siya sa puso niya at nahimatay. Promise, nahimatay si Trisha. Kaya naman dinala namin siya sa clinic. Tumawa nga ang nurse ng malamang si Rhys Romualdez ang dahilan ng pagkahimatay niya.
Nung hapon na, sumabay sakin si Bea sa paglabas ng gate.
"Sasabay ako sa iyo sa pag-uwi. Hekhekhek."
"O bakit ka sasabay saken? May sundo ka diba?"
"Eh syempre. Loka ka! I'm going with you so that I can go with Rhys! Wahahaha."
"Ah..ganun? Eh malas mo, ayun na ang sundo mo o."
Bigla naman siyang pumunta sa likod ko.
"Itago mo ako." She whispered.
"Sorry. Nakita ka na ni Tita."
"Whhhaaaattt?! Si Mama ang sumundo sakin? Awww.." Lumabas siya sa likod ko ng nanghihina at nagbabye nalang sakin. Wala siyang choice eh. Hindi siya makakatakas. Ako naman, naghintay pa ako sandali dun.. hindi sandali - matagal pala.
"Uy.. kanina ka pa diyan?" S-si RHYS. O_O Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?
"Obvious naman diba?"
"Aish. Suplada ka talaga." He chuckled.
"Ba't ka nandito?"
"I'm waiting for someone." He smiled.
"Ahhh. Have a happy waiting then." Umurong ako dun sa gilid at umupo.
"Wala ka na naman bang sundo?" He said and sat beside me. Umurong naman ako sa gilid.
"Hinihintay ko pa."
"Ahhh.. kung gusto mo, pwede mokong gawing hatid-sundo mo." He grinned.
Tiningnan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala. Crap. Anong pinagsasabi nito?
"Are you crazy?"
"Not really." He grinned again. "Seriously."
RED ALERT. RED ALERT. I'm sure, namumula ako ngayon.
"G-ganun ba?" I looked at him and he looked at me.. and kulang nalang magmelt ako sa tingin niya. "H-hindi pwede eh."
"Bakit naman?"
"Strict ang parents ko." I whispered. Bigla aman siyang tumawa. As in humalakhak talaga.
Aissh. Niloloko lang siguro ako nito. Tsk.
"I figured." He stopped laughing. "Uhmm.. can I have your digit?"
"W-wala akong cellphone."
"Kunwari ka pa. nagtetext daw kayo ni Vincent eh."
"Wo? Sinabi niya?" O_O
Tumawa na naman siya.
"Bakit?"
"Wala lang. So can i have your digit?"
"O-okay." I said and binigay na kaagad ang number ko.
Dumating din naman kaagad ang sundo ko at nagbye siya saken. Uuwi narin daw siya. Sinigurado niya lang daw na may sundo ako kasi kung wala.. ihahatid na naman ako ni Rhys. Flattering na talaga at super kiligness pa.
So ayun nga, umuwi ako ng bahay. Nung gabi na, pumasok si Mommy sa kwarto to ask if everything's alright about me.
"B-bakit po?"
"Kasi nitong mga nakaraang ilang oras, medyo you're out of your mind once in awhile. There's something wrong ba?"
"W-wala naman po. Everything's fine po Mom." I said.
"OKay. But if you feel uncomfortable about something or someone, just tell me ha?" She smiled sweetly.
This is the great thing about me and my Mom. We can talk like friends. We can communicate as such kaya medyo madali ang buhay. Si Dad naman, medyo busy lagi. Pero he always finds some time to be with us during Sundays. Kaya Sunday is like a family day for us talaga. And my brother... he's living in Singapore already. Medyo malaki kasi yung gap namin, but he always calls me. And he goes home once in awhile.
So okay parin.
"Nga pala sweetie, someone called."
"Sino raw?"
"Rhys ata ang name." Nabigla naman ako at napatingin sa floor.
"Ayyeee... a suitor?"
"Mom, no!"
"Ba't defensive? OKay lang naman iyan eh. You're beautiful."
"Nahhh." I shook my head. "What did he say pala?"
"He'll call back." She said and went out of my room smiling.
So ayun nga, I put my HWs away and waited for his call.
I waited. And I waited. And waited.
[i]
[b]But he didn't call.[/b][/i]
Last edited by *kim-a-holic (2008-05-23 00:05:50)