Pages: 12

  2008-05-06 07:41:49

sasha008
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
332
0
1969-12-31

Do you believe in angels? Kasi ako I believe in them. Sabi sa Bible nandito na raw yung angels before the creation of the world. Some say na they are spirits of our loved ones na namatay.. Who knows..

[i][b]CHAPTER 4[/b][/i] “Alam mo hindi talaga ako makapaniwala na hindi ka ang ex ni Josh. Kamukhang kamukha mo talaga sya.” Sambit ni yaya Marcy habang kausap si Melody. “Ganon po ba?” “Oo, baka naman kakambal mo si Jasmine.” “Hindi po pwedeng mang-yari yun” “Eh bakit naman? Di ba nga nakalimutan mo yung nakakaraan mo. Malay mo naman, malaking posibilidad yun kasi mag kamukha talaga kayo.” Hindi nalang sinagot ni Melody ang sinabi ni yaya Marcy, ayaw na niyang makipagtalo pa dito dahil baka masabi pa niya ang tunay niyang pagkatao… ♥----♥-----♥-----♥----♥----♥ Lumipas ang ilang araw, unti-unting nagiging close sila Melody and Joshua sa isa`t isa. Napaka bait nito sa kanya at napaka maalalahanin pa. Minsan pinapasyal sya ni Josh sa Manila. Minsan naman they went to the movies pero ang mas Masaya nun ay kasama niya si Josh even though hindi niya alam kung bakit. Isang araw habang nasa opisina si Josh, naisipan ni Melody na libutin ang buong bahay. Napunta sya sa attic kung saan maraming bagay ang nakatambak doon. May nakita syang isang mantel na tinatakpan ang isang bagay. Out of curiosity, she removed the mantel and there stood a painting of a girl, a girl who really looked like her. “Wow!”mang hangang sabi ni Melody. Hindi sya makapaniwala na ganun kaganda mag paint si Joshua. Parang buhay na buhay yung painting and the eyes, they look expressive. Parang syang nakatingin sa kanyang sariling portrait. “So this is Joshua`s Jasmine. Magkamukhang magkamukha nga kami.” Sabi ni Melody sa sarili. “Oo, you were like twins.” Sabi ng isang boses sa likod niya. ♥----♥-----♥-----♥----♥----♥

Pages: 12

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 15:18

[ 12 queries - 0.015 second ]
Privacy Policy