Pages: 1234567..7

  2008-05-06 20:15:15

nobodyknowsitbutme
» FTalker
FTalk Level: zero
134
0
1969-12-31

Re: [align=center][color=blue][b]SANA PO MAGUSTUHAN NIYO! ;D or Just see it here. [url=http://mynameiskz.bravehost.com/]CLICK THIS.[/url] [/b][/color][/align]

[align=center][b]Chapter X[/b][/align] Wala akong pasok ngayon pero kailangan ko pa ring gumising ng maaga dahil may practice ang basketball team namin. Malapit na kasi ang regional tournament at kasali dun ang Thimbleweed. Andun kasi ang captain nila na super yabang! Hah! Magaling naman talaga siya kaya nga crush na crush ko siya… NOON! Naalala ko yung nangyari sa amin nung isang araw. Ano nga kaya ang nangyari sa kanya at ang daldal-daldal niya nun? “At inaway-away pa ko!” Parang baliw na kausap ko sa sarili habang hinahanda ang mga gamit ko na iiwan ko sa gym. One week na din pala ang nakakalipas ng mangyari and insedenteng yun. One week na din akong walang balita kay Ruke. Naging busy kasi ako sa art class ko kaya di ako nakakaatend ng practice. Buti nga at hindi nabusy si George, isa pang manager ng Thimbleweed. Siya lang muna ang gumawa ng mga trabaho ko habang absent ako. Naiintindihan naman niya at ni Ahia. Mahirap talaga kapag graduating student ka. Maalala ko nga pala, ang bilis-bilis-bilis-bilis kumalat ng chismis sa SCUS! After one second, alam na ng buong campus na kami na “DAW” ni Ruke! Nagulat nga ako. Mas matindi pa sila. Yung mga teachers na nakakasalubong ko, kinu-congratulate ako. Yung Kruger’s Army naman, though they did not try to get into my nerves again, I could sense that they still hate me. Yung mga lalaki naman, ilag na sakin. Halos wala na ngang lumalapit eh! Malay ko kung bakit basta ang alam ko, nakakainis naaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Nang matapos na akong mag-ayos ng gamit, naligo na ako at nagbihis. Patakbong bumaba ako. Pumunta ako sa kitchen room para kunin yung tubig na baon ko. Nakakauhaw kaya maglinis ng gym! Lumabas na ako at hinanap ang family driver namin. “Mang Bert, pahatid naman sa school.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Oo ba! Malakas ka sakin eh!” Tatawa-tawang sabi niya niya. “Kumusta na ba ang Ahia mo? Hindi na nadadalaw rito eh.” “Mabuti naman po siya. Busy po kasi. Malapit na ang regional tournament kaya nagfo-focus sila sa practice.” “Ganoon ba? O, siya. Ikumusta mo nalang ako ha?” “Opo, manong.” Matagal na naming family driver si Mang Bert. Mabait ito at talagang napakasipag. Parang anak na nga ang turing niya sa amin ni Ahia eh. Namatay kasi ang mag-iina niya dahil sa landslide sa kanilang lugar. Nakita kong nasa tapat na kami ng school. Bumaba na ako. “Salamat po sa paghahatid, Mang Bert. Alis na po ako.” Paalam ko sa kanya. “Ingat ka ha?” “Opo, manong.” Tumakbo na ako papuntang gym. Late na kasi ako. “Okay. Five minutes rest.” Sabi ni Ahia sa mga players pagkapasok ko. “Ahia…” Hinihingal na sabi ko. “Sorry po na-late ako.” Hinawakan ako sa ulo ni Ahia at ginulo ang buhok. “Ayos lang.” Ngumiti siya. Ganyan talaga kaming magkapatid. Close din naman kasi. Mabait kasi siyang kapatid at responsible. “Kinukumusta ka nga pala ni Mang Bert.” Naalala ko ang pinag-usapan namin kanina sa kotse. “Ganun ba? Pakisabing dadalaw nalang ako next week. Busy pa kasi ako nagyon eh. Regional Tournament na kasi. Pasensya nalang sabihin mo.” “Yun din ang sabi ko sa kanya.” Tumango lang si Ahia at pumunta na sa dressing room ng mga players. Nandun na rin kasi lahat. Sinundan ko lang siya ng tingin. Alam kong namimiss na rin niya ang bahay namin pati na ang mga taong nakatira doon. Napansin kong may taong nakatingin sakin kaya lumingon ako sa likod ko. “Anong tinitingin-tingin mo diyan?” Pagtataray ko kay Ruke. “Wala.” Pailing-iling na sabi nito at lumakad na papuntang Dressing room. Huminto siya sandali tapos tumingin ulit sakin. “Ang pangit kasi ng tee-shirt mo!” Nakaismid na sabi niya. Tapos nun, tumakbo na siya.

Pages: 1234567..7

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 04:23

[ 12 queries - 0.022 second ]
Privacy Policy