Pages: 1234567..7

  2008-05-07 22:48:21

nobodyknowsitbutme
» FTalker
FTalk Level: zero
134
0
1969-12-31

Re: [align=center][color=blue][b]SANA PO MAGUSTUHAN NIYO! ;D or Just see it here. [url=http://mynameiskz.bravehost.com/]CLICK THIS.[/url] [/b][/color][/align]

[align=center][b]Chapter XI[/b][/align] “Ang laki talaga ng topak ng isang yun!” Naku po! Malala na ata ako. Dahil sa lalaking iyon, napapansin ko, padalas ng padalas ang pagkausap ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang suot ko. Bakit ba siya nakikialam sa tee-shit ko? Pangit daw? Ang sama-sama talaga ng ugali ng mayabang na yun! Ang cute-cute kaya ng suot ko ngayon. White ang kulay ng tee-shirt ko tapos ang may picture ni Rukawa Kaede. Favorite ko kasi yun. I’m one of his fans. Teka nga! Pangit daw eh magkasing-ugali lang sila pero mas masama ang ugali ni Ruke! Mas mayabang, mas suplado, mas masungit, mas antipatiko, mas… ah basta! Lahat ng masasamang ugali nasa kanya na! Napabuntung-hininga ako. “Baliw na ata talaga ako.” “Matagal na. Ngayon mo lang ba nalaman?” “Ay! Anak ng tipaklong!’’ Napasigaw talaga ako dun sa gulat. “Ano bang problema mo?! Bat ka ba nanggugulat diyan?!” Naaasar na talaga ako. Sa lahat pa naman ng ayaw ko, yung ginugulat ako. “Kanina pa kaya ako dito.” Nakasimangot na pangangatwiran nito. “Bakit di ka man lang nagsasalita diyan?” Inis pa rin talaga ako sa kanya. Tiningnan niya ako na parang nababaliw na. “It’s not my habit to talk to myself. I’m not like… you.” Pinaikot-ikot pa niya ang hintuturo niya sa tenga niya. Nilapitan ko siya at hinampas-hampas gamit ang mga kamay ko pero nakailag kaagad siya. “Nakakapikon ka na talaga, alam mo yun?!” “Ngayon alam ko na kasi sinabi mo na sakin eh.” Napaka-pilosopo talaga! Urgh! “Alam mo, kaugali mo nga si Rukawa pero mas malala ka! Mas masama ang ugali mo! Mas mayabang ka!” Inulit-ulit ko sa kanya ng mga iniisip ko kanina. Napakunot-noo naman siya sakin. Marahil, hindi niya alam ang tinutukoy ko. Sa itsura ba naman yan, hindi yan manonood ng Slam Dunk. Pinagtitinginan na nga kami doon ng mga ka-teammates niya na kalalabas palang mula sa dressing room. Tapos na kasi ang five-minute rest time nila. Magpapatuloy na ata sila sa practice game. Si Ahia naman napansin na nakatingin ang mga alaga niya sa direction namin ni Ruke. Na-curious ata kaya tumingin din siya. Nagulat siya nang makitang nag-aaway kami ni Ruke. “Basta! Lahat ng ‘mas’, nasa sayo na!” Hininginal pa ako ng matapos ako. Parang nag-isip naman siya. Tapos maya-maya lang, nginisihan ako. “At bakit ka naman nakanigisi diyan na parang aso?!” “Di ba sabi mo, lahat ng ‘mas’ nasa akin na?” Mas lalo pa siyang ngumisi. “Oo! Ano naman ngayon?!” “Ibig sabihin, mas gwapo ako kaysa kay Ruwaka na sinasabi mo?” Tumaas-baba ang kilay niya tapos tinapik-tapik ang balikat ko. “Hey… Thanks. You flattered me too much.” Ngumisi muna siya tapos pumunta na sa gitna ng court. +++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ links: http://anjedaw.wordpress.com/category/my-stories/page/4/ http://anjedaw.wordpress.com/category/my-stories/page/3/ http://anjedaw.wordpress.com/category/my-stories/page/2/ http://anjedaw.wordpress.com/category/my-stories/

Pages: 1234567..7

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 05:55

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy