Pages: 1234567..7

  2008-05-09 22:28:38

nobodyknowsitbutme
» FTalker
FTalk Level: zero
134
0
1969-12-31

Re: [align=center][color=blue][b]SANA PO MAGUSTUHAN NIYO! ;D or Just see it here. [url=http://mynameiskz.bravehost.com/]CLICK THIS.[/url] [/b][/color][/align]

[align=center][b]Chapter XIII- Chapter XIV[/b][/align] Humanga talaga ako sa sinabi ni Ruke. Ang galing niya! Galing lang dahil dinagdagan pa niya ng ka-epalan niya sa pinaka-last sentence. “Whew! That was the longest lines I’ve ever heard from Captain!” Namamanghang sabi ng isa sa mga ka-teammate ni Ruke na ang hula ay Tarri ang pangalan. Dalawa pa lang kasi ang kilalang-kilala ko sa Thimbleweed players. First one, Ruke, kasi nga crush ko siya DATI at super duper sikat siya inside and out of the campus. Second one, Muggy, he is the boyfriend of George the other basketball manager. Kaya ayon, nalilito pa ako sa mga names nila. Ngayon ko lang nalaman na nakalapit na pala samin ni Ahia ang mga players. Para kaming nag-oopen forum doon. Nakapalibot silang lahat sakin. “Believe it or not, Harrow!” Pangungumbinsi ni Muggy sakin. Para namang di ako naniniwala. Kahit nga ako nagtataka sa mga ikinikilos ni Ruke. Ang daldal kasi niya masyado for the past weeks. “Oo nga!” Duet pa sina Saggy at Mitts. “I agree, too! I agree, too!” “Me, too! Me, too!” Mula sa kung saan na sabi ng dalawang makukulit na boses. Sino pa nga bas a tingin niyo? Yeah. They came from Dennis and Eiji. Ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang ‘to dito? Naalala ko tuloy ang nangyari sa canteen. Yung pinaupo ako ni Eiji sa table nila. Grabe! Di ko ma-take ang mga pinagtatanong ng dalawa! Lahat nalang ata ng pwedeng itanong, kahit gaano pa ka-nonsense yun, tinanong nila sakin. Gaya na lamang ng ‘May daga sa bahay niyo?’ o di kaya, ‘Sa bahay ng isa naming maid, ang dami-daming langgam! Meron kayo sa bahay ninyo?’ Ay! Talaga naman! Kung ako siguro ang nanay ng dalawa, maaga akong mamamatay sa mga pinag-iisip ng mga ito! Puro kalokohan! Whew! Buti nalang at hindi ako ang naging nanay nila! Hindi kakayanin ng powers ko! “What the hell are you doing here? Both of you?” Hehe. Mukhang mainit na naman ulo ni Ahia, ah. Hindi pa rin pala nagbabago si Ahia. Ayaw pa rin niya ng makukulit. “Jiaolian naman. Don’t be like that.” Nakangusong sabi ni Dennis. Ang cute-cute talaga ng dalawang makukulit na ‘to! “Um. Um.” Tatango-tangong sang-ayon ni Eiji kay Dennis. “Teka. Ano nga pala pinag-uusapan niyo kanina?” Tingnan niyo ang makukulit na yan. May-pa-agree-agree pa silang nalalaman kanina, di naman pala alam kung ano ang pinag-uusapan talaga. Hayyy… Kailan kaya mag-seseryoso ang mga ugok na ‘to. “The two of you agreed but you didn’t really know what we were talking about ealier? How troublesome.” Napahawak pa si Ahia sa noo niya. Tumawa lang sina K1 at K2. Parang walang pakialam sa nangyayari. “Seriously, what happened here, guys?” Seryoso talaga ang mukha ni Eiji. Hindi bagay. Ahehe. “Yeah. What gotten into you, guys? You seemed… ah… shocked or something?” Curiosity was all over Dennis’s face. “Captain… He’s becoming so weird lately.” “And it all started when Harrow became his girlfriend!” Napatingin ako kina Muggy at Mitts. Napaatras naman sila. “Hala… Ikaw pala ang salarin, Harrow.” May naninisi bang napakaganda ng ngiti? Sina K1 at K2 (remember the code names?), mukhang masayang-masaya pa sa nalaman nila. Todo-ngiti ang dalawa. Halatang tuwang-tuwa sa mga happenings. “Oo nga, Harrow… What have you done? What did you do to our best friend?” Paninisi naman ni Eiji at inakbayan si Dennis. “Bad ka pala. Harrow.” Pakikisali ng mga ka-teammates ni Ruke. Pati ba naman sila?! “Akala pa naman namin, mabait ka.” Ayon na nga ang nangyari. Pinagsisisi nila ako dun. Pinagkakaisahan. Pinagtritripan! Ano ba namang buhay ‘to? Bakit ba ako ang may kasalanan sa kaweidohan ni Ruke? Matagal na namang may topak ang isang yun, eh. At ang hindi ko talaga maintindihan, masyadong big deal sa kanila ang mga nangyayari. “That’s enough, guys.” Awat ni Ahia. Hindi ko alam kung anong reason. Naiingayan ba siya o naaawa na siya sakin. Either of the two, thankful pa rin ako sa kanya. “Lagot ka, Harrow… Pagbabayaran mo ang lahat…” Aba! May umepal pa talaga! Ang kapal ng mukha mo, tsong! Sabi nang tumi———– teka nga… Huwag niyong sabihing si… “Ruke?!” “Yes. Your one and only.” Then, ngumisi siya.

Pages: 1234567..7

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 05:53

[ 12 queries - 0.022 second ]
Privacy Policy