Pages: 12344

  2010-05-16 23:04:27

micahgarcia
» n00b
FTalk Level: zero
32
0
1969-12-31

hi guys! Been a long time :) Ngayon lang ako nakapag-PC. Ngayon lang ginanahan :D Anyway, I cannot update just yet. Well, hintay muna akong mga replies. :D TY! :)

[b]CHAPTER EIGHT[/b] "Scam!" Si Coleen. Hayy, Monday na naman. Nasa hallway ako, naglalakad papunta sa room. Hinarap ko siya tapos biglang parang na-shock siya na ewan. "Ba't ang pangit mo?!" she squealed. "Thanks, Col." I said nang walang gana then turned around to walk again. Panu ba naman, tama bang ipagkalandakang pangit ako?! Pinagtinginan pa tuloy kami ng mga tao dun. At sa mga muka nila, parang nag-agree pa nga sila sa sinabi ni Col e. :/ "Hindi nga, anu ngang nangyare at ganyan itsura mo? Wala ka yatang tulog e? Ang laki ng eye bags mo. Ampangit mo talaga!" she squealed ULET. "Pwede bang wag mo nang ipagkalandakan sa mga tao ang kapangitan ko? Nakakasira ka talaga ng reputasyon." Pumasok na ako sa room. "Ay, ou nga pala, may reputasyon ka nga pala.. And speaking of reputation, kumusta naman ang reputasyon sayo ni Tyler? Mukang naka-1 point na sya eh." She teased. "Shut up." I whispered tapos I rested my head on the table at tinakpan yung muka ko para naman hindi na sitahin ni Col kapangitan ko. :< "Pero, wait, so kayo na?" she asked in so much anticipation. "Hinde." I said habang nakaano pa dn sa table ko. "E ba't kayo nagkiss?" "COL!" I yelled to her face na. Tumingin yung tatlong classmates namin na nandun na. Geeks naman silang lahat e. So I don't think nakikinig sila sa pag-uusap nmen. More like tumingin sila sa min dahil istorbo kami sa pag-aaral nila. "Ooops. Chill, Scam. Reputation mo." she grinned. "Hindi nga, baket?" "It was an accident, ok? Just drop it." I rolled my eyes. "E ba't ganyan itsura mo?" "E kasi naman e.. Si.. Si Blake." I whispered. "Hello sunshine!" Si Tyler. Kakadating lang niya. He sat sa tabi ko. Sa left side. Sa right side naman, si Col. "Nice ah, kung makalapit ka sa bestfriend ko, parang wala kayong scandal." Baliw talaga tong Coleen na 'to! "Col!" "Ok lang, Mish." Tyler smiled. Si Coleen naman, ayun, nagpapakamaldita and rolled her eyes. Hindi ko alam anung sumapi sa kn, bigla ko na lang hinablot kamay ni Tyler and the next thing I knew, nasa rooftop na kami ng building nmen.. "Tyler. There's something I need to tell you." "Yeah?" "Look, yung nangyari sa Music Room.." I trailed off. Ang hirap namang sabihin! "Mish.." he smiled sadly. "Wala na ba talaga akong pag-asa kahit kelan? Kahit konti?" I looked down. I can't even look at him! Darn this moment! "I'm so sorry, Tyler." I can hear him holding back the sobs. At super nakaka-guilty. "Ang tagal tagal, Mish, ang tagal-tagal.." This time, naririnig ko na talaga na umiiyak siya. At hindi ko na rin mapigilang umiyak! "Ang tagal tagal, kaya ang sakit sakit.. Kaya ang hirap-hirap tanggapin." Suddenly, he kissed me on the forehead tapos umalis na siya. I didn't even have the guts to turn around and watch him go. Kase ngayon, sigurado na ako.. Mwawala na siya nang tuluyan sa buhay ko.. No more Tyler Pascual. No more. :/ I looked up. [i]Goodbye, Tyler. I'll miss you..[/i] [b]BLAKE'S POV[/b] Papunta na ako sa room. Himala yata. Maaga ako ngayon? Waha. :) Aaminin ko, medyo inspired ako dahil sa nangyari nung alam nyo na, ewan ko ba. Parang ang laki ng epekto sa kin ng 10 seconds na yun. :D Biglang nasira yung mood ko nung nakita ko si Mish. Originally, gaganda yung araw ko e. Pero nung nakita kong hila-hila nya si Tyler, wala naa. Sirang sira na talaga. Di man nga nya ako tiningnan e. :/ Papunta yata sila sa rooftop. Susundan ko baaa? Hinde, wag. Sige na, Sundan mo na! Wag, msasaktan ka lang! Sundan mo na, malay mo naman! sige na nga! AT KELAN PA KO NGING CHISMOSO? at tama nga, sa rooftop nga ang tuloy nila. Nagtago ako nang maigi para di nila ako makita. Tapos nagsimula na silang mag-usap. "Tyler. There's something I need to tell you." Si Mish. "Yeah?" "Look, yung nangyari sa Music Room.." "Mish.. Wala na ba talaga akong pag-asa kahit kelan? Kahit konti?" "I'm so sorry, Tyler." :O DID I HEAR THAT ONE RIGHT?! WOOHOO! YES! YES! Halos mapatalon ako sa tuwa. Pero parang gusto kong batukan yung sarili ko nung nagsalita uli si Tyler. "Ang tagal tagal, Mish, ang tagal-tagal.." Umiiyak na sila. Silang dalawa. At nakakakonsensyang mging masaya habang sila, umiiyak. Iyak na din ba ako? Hinde noh. Ako? Iiyak? Dream on! "Ang tagal tagal, kaya ang sakit sakit.. Kaya ang hirap-hirap tanggapin." Urrgghh, ang sama sama ko yata! Nakita ko pang hinalikan ni Tyler sa forehead si Mish. Hinayaan ko na. Last na rin nman siguro yun diba? Tapos umalis na si Tyler. Napapano ba ako? Hindi na kami ni Mish, so anung karapatan ko nga pala? Sampal sa muka yung realization na yun. I watched Mischa as she kept on crying. Kahit gustung-gusto ko, hindi ko sya pwedeng lapitan. Hindi na katulad ng dati e. Hindi na ganun.. Tahimik na lumabas ako ng rooftop, making sure that I wouldn't disturb her solitary moment. [hr] [b]MISCHA'S POV[/b] "Ano 'to, Dad?" Nasa library kami sa bahay. He just gave me paperworks, books, and whatevers. "Pag-aralan mo yan lahat. Next week, you're gonna have a deal to close." he said without even looking at me. He was busy with his laptop. "What, Dad? Anong deal?" My gosh naman. Padalos-dalos naman si ama. Don't tell me, OMG. Di ko kaya 'to! "Our company have decided to enter the world of fashion. Clothes, accessories.. that stuff. And also, you will be the one to handle that business. It'll be your training ground." WTH? Hello! A HIGH SCHOOL senior student here! How can I possibly be able to manage a business like that? "Dad, are you kidding me? This is one big project and you're gonna let me take care of it? Gusto mo bang masayang lahat ng iiinvest mo sa business na 'to? I'm only sixteen!" I squealed. But he didn't budge. He didn't seem to care and he seemed really serious about this thing. "Dad, come on! I cannot handle this, ok?" Instead of arguing with me, kinuha niya yung phone niya and called somebody. "Come on in." I heard him say. Suddenly, bumakas yung pinto and some tall, gorgeous man walked in. He's really gorgeous, ok? Let's not sweat it. "Good morning, Sir, Miss." He politely said. I raised an eyebrow. "This is Kester Vanderbilt. Siya ang magtetrain sa'yo. Be good. Don't be stubborn. Now go. I've got lots of work to do. Kester, ikaw nang bahala sa kanya." my dad said without, again, looking at us. "Dad, you can't do this. It's not fair. I'm not capable of this-" "Mischa Monteverde." this time, dad looked at me, straight in the eye. "Go." With that, there was nothing more for me to say. I followed the Kester-guy out. Tumuloy siya sa living room. Sumunod lang ako. Wow, feel na feel at home. Last time I checked, ako ang nakatira dito ah? Tumayo siya sa harap ng center table habang hinihintay akong makadating dun. "S-sit down." I said. He sat naman. I sat opposite him. "So.. I'm Kester Vanderbilt. And I will be training you to make sure that you will be prepared enough to close a multi-million-peso deal." He said, tuloy-tuloy. As in, walang paligoy-ligoy-- STRAIGHT! "W-woah, wait. I don't understand. Bakit ako?" I sat straight. "Well, I only follow instructions. At yun ang instructions ng daddy mo kaya yun ang susundin ko." Anu 'to, robot? Disgusting. Nakaka-turn off ahh. Wala man lang akong maisagot! "So we'll start tomorrow. Goodbye, for now." he smiled na uber tipid. I was left in AWEEEE. Ang gwapo niya, seriously. Kaso, sayang siya. Msyadong stiff. Tss.. Kester huh. [hr] [b]THE LAST SONG[/b]. Perfect! Nasa library ako. Kanina ko pa hinahanap 'tong librong 'to para basahin. Tuesday na nga pala ahh. Three hours pa kasi bago yung next subject. Bakit three hours? Buh malay ko sa kanila. Hindi na ko nakiusyoso, dumiretso na ko dito. Si Coleen kse, wala nmang hilig sa mga ganitong lugar. I bet pupunta sya sa room nina Drake. Ewan ko ba sa dalawang yun. Halata namang sila na, ayaw pang umamin e. Basta ako, iiwan ko na muna sa labas ng library lahat ng problema ko. Si Blake, Si Tyler, at.. Yun lang yata e? E ba't ang bigat-bigat ng pakiramdam ko? Whatever! FYI. Si Tyler? Hindi siya pumasok. :/ Sabi ni Coleen, bigyan ko daw ng space at hayaan na munang maka-get over. Kaya di ko siya tinext or tinawagan kung ba't di siya pumasok. :/ Pumunta ako dun sa pinakalikod na part nung library. Wala kasing masyadong pumupunta dun. Mga oldies yung mga books na nandun eh. Ayon. Umupo ako dun. Nakasandal sa wall. Then kinuha ko sa bulsa ko yung iPOD ko. Pumipili na 'ko ng kanta nang biglang- "Finally." Somebody snatched my iPOD! "H-hey!" When I looked up, OH. "Been looking for you. I didn't know you love hiding out in dusty places." "Mr. Vanderbilt, what are you doing here?" I stood up. "'Kester'. Just call me 'Kester'." "Anu ngang ginagawa mo dito?" "First day ng training mo, Ms. Monteverde." Oh, shoot! Ou nga pala! "Ba't ang bilis naman?" "If my memory serves me right, which I'm quite sure it does, I reminded you yesterday." "Pero-" "You have a three-hour break, right? That'd be enough for your first day. Please follow me." Darn it! Anu ba 'to! Nabulilyaso pagbabasa ko. :< I followed him. At grbe, ang bilis niyang maglakad! "W-wait!" I already ran kase sobrang layo na nang pagitan nmen. This is the reason why I hate business people! Ambibilis maglakad! [hr] "Look, wala akong naiintindihan sa binabasa ko." Nasa garden kami ng school. Kung anu-anong pinapabasa niya sa kin eh, wala namang pumapasok sa ulo ko kase masyado pang baby utak ko para sa mga ganitong bagay! "I told you to ask me kapag may hindi ka naiintindihan, diba?" he paused doing whatever he's doing in his laptop and looked at me. Lumapit siya sa kin tapos tinanong niya kung anong hindi ko naiintindihan. With so much irritation, tinuro ko yung part na di ko magets. Actually, halos lahat di ko magets. Pero napaka-patient naman niyang mag-explain at uber mas madaling intindihin habang ineexplain niya kaysa kapag nagbabasa lang. "Teacher ka dati noh?" I asked out of the blue. GOSHH!! Anu ba namang pinagtatanong ko! "What?" he raised his eyebrow. Halatang pagod na siya. Inalis na nga niya yung necktie niya e. Gwapo talaga! "Uhh, nothing, nothing." I smiled. "Ayaw mo bang magpahinga muna? Pagod ka na eh." "No. We still have an hour. So, as I was saying-" Mag-eexplain na sana siya ulet but I stopped him. "Come on. Kahit mas matanda ka sa kin, I'm still the boss, ok? You rest, and that's a command." "NO-" "Mr. Vanderbilt." I said with all the authority na nahigop ko sa loob-looban ko. Good thing he did shut up. Kinuha ko yung bag ko and kinalkal. Nilabas ko yung maliit na pillow na lagi kong dala. Bigay yun ni Blake, actually. Hindi kasi ako naglilinis ng bag kaya naman andun pa rin yun. (WEH?) Whatever! "Here." I smiled sweetly. "You have a pillow?" He raised his eyebrow. "In your bag? You planned this, didn't you?" "Of course not! Lagi ko talagang dala yan noh. Tulog ka na nga dyan. Gigisingin na lang kita kapag aalis na ko. Ittry ko munang ipasok to lahat sa utak ko. Sige, goodnight!" I smiled cheerfully. Di na siya sumagot. Humiga na sya at sympre, pinang-unan niya yung maliit na pillow na binigay ko. :D Yihee. :D Habang binabasa ko yung mga paperworks na hawak ko, hindi ko talaga mapigilang hindi mapatingin sa kanya. Gwapo talagaa! Ang hirap namang magconcentrate kung alam mong may katabi kang nilalang na ganito ka-gwapo! I sighed heavily. Then tumalikod ako sa kanya para di ako ma-distract. :< [hr] Nag-CR ako sandali. Hindi naman siguro ki-kidnap-in sa labas yung lalakeng yun noh? I was washing my hands na. Tapos nagmamadali na akong lumabas. Pagkalabas ko, andun si Blake. Papaok yata siya ng CR. Nagkatinginan kame. Shoot. Awkwardness. "M-Mish.." "H-Hi, Blake." I smiled. Ang hirap ah. Para lang kaming tanga. "Pwede bang magtanong, Mish?" "Sure, what is it?" "Sino yung guy na kasama mo kanina pa? W-well, usap-usapan lang kasi sa room, na-curious lang ako kase kanina pa daw kayo sa garden pero kung ayaw mong-" "Si Kester yun. Kester Vanderbilt. Tauhan siya ng Dad ko. Trainer ko siya." "Trainer para sa?" I shrugged my shoulders. "Believe me, hanggang ngayon, di ko pa din gets kung para saan." I chuckled a bit. "Ms. Monteverde." I turned around. Nanlaki yung mata ko! Si Kester! At mukang hindi maganda gising niya! I smiled nervously. "H-how was your sleep?" :D "You left me." He adjusted his eyeglasses. "Asleep. In the middle of nowhere." "Anung middle of nowhere? Hindi naman nowhere ang school garden namin ah!" "You know what I mean. Come on, bibigyan pa kita ng assignment." Tapos naglakad na siya pabalik sa garden. Snob talaga 'tong taong 'to! "S-sige ah." I smiled awkwardly kay Blake then I ran to Kester. Ambilis talagang mglakad! [b]BLAKE'S POV[/b] "S-sige ah." She said tapos mabilis na tumakbo dun sa guy na Kester ba yun? She even turned around for the last time and waved goodbye. I watched as they went farther and farther away. Until they were out of my sight. I felt as if my stomach was twisting, as if my brain's about to explode, and as if my heart has just been ripped out from its place bare-handedly and was shattered into pieces. Parang wala lang sa kanya yung '10 Minute Incident'. Masaya siya.. Pero hindi dahil sa 'kin. I punched the wall beside me and watched as my hand bled..

Pages: 12344

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 06:28

[ 12 queries - 0.024 second ]
Privacy Policy