Pages: 1234

  2010-05-20 03:02:15

micahgarcia
» n00b
FTalk Level: zero
32
0
1969-12-31

Re: hi guys! Been a long time :) Ngayon lang ako nakapag-PC. Ngayon lang ginanahan :D Anyway, I cannot update just yet. Well, hintay muna akong mga replies. :D TY! :)

[b]REALLY SHORT UPDATE.[/b] [b]CHAPTER TEN[/b] Pagkamulat ko ng mata ko, nasa kwarto ko na ako! Napatingin ako sa digital clock sa side table ko, 5:30 AM pa lang. HUH? May nakita akong note sa sidetable ko. Kinuha ko agad tapos binasa ko. [quote][align=center]Sa susunod, wag kang magyayaya sa labas kung tutulugan mo lang pala ako.[/align][/quote] TSS. Suplado talaga 'tong lalakeng 'to. Kailangan pa bang isipin nang pagkatagal-tagal kung sino 'tong antipatikong lalakeng 'to? Sino pa ba? EDI SI KESTER! Napansin kong may nakasulat pa dun sa likod nung papel. So I flipped it to the other side. [quote][align=right]But I enjoyed your company, really. Thank you. -Kester[/align][/quote] WEH? Is that some kind of a joke or what? I smiled to myself, unintentionally. Feeling ko kase may nagawa akong napakaganda. Hahaha. :D Naku! Nagising na ang katawang lupa ko! Hindi na ako makakatulog neto. And so, I stood up and went to the CR to prepare for the day na. At all smiles pa ako ah. :D [hr] Dala-dala ko pa rin hanggang sa school ang napakatamis kong ngiti. :D Ewan ko ba, natuwa talaga ako na napasaya ko si Prof Kester. Hehe. :) Oo nga pala, may dalawa akong bitbit na bodyguards. Haha. Si Dad kase, sinermunan ba naman ako kninang umaga dahil hndi daw ako nagpaalam kagabe. Well, di naman siya nagtanung ah. Tska nakakahiya daw kay Kester yung ginawa ko, nagpahatid pa daw ako. Ayan tuloy, no more libot na niyan ang drama ko. :[ Pero masaya pa din. :D Suddenly, Col came rushing to me. Literally, RUSHING. "O Col? What's the rush?" "S-Si.." Hinihingal siya, uber! "Hey, Col. Calm down. Sino? Anong nangyare?" "Si-Si.. Si Blake." She stammered. Oh my God, what happened to Blake?! "Anong nangyari sa kanya?!" Medyo nataasan ko na yung tono ko kase I'm worried. Sa expression ni Col, I know it's NOT good. "Nasa ospital siya." She finally spilled out. "What?! Anong nangyari sa kanya?!" "Naaksidente siya kanina habang papunta dito sa school. Sakay siya ng kotse niya, with his driver, of course. Pero nabunggo sila ng isang truck kase-- EWAN KO! Pumunta ka na lang dun, ok? He needs you!" Nagpanic na ako. HIndi na ako nakasagot. Bigla na lang.. May humila sa kin. "I'll take you there." Kester! He stopped for a while and faced Coleen. "Coleen right? Can you take us to that hospital?" Coleen nodded. Pero nag-protest naman ang mga bodyguards kong epal. Oh gossshhh, si Blake!!! "Hindi po pwede-" "Shut up, ok? I know you know me. And I'm telling you to shut up right now or lose your job." Woah, Kester, that's harsh! Pero hindi ko na yun inintindi. Si Blake muna ang mahalaga ngayon! Nag-shut up naman yung mga bodyguards then off we went to the particular hospital. [hr] We're in the hospital na. Nandun pa nga yung parents ni Blake. Konting batian lang tsaka tanung-tanung kung paanong naaksidente si Blake, tapos pumunta kami sandali nina Kester at Coleen sa cafeteria ng hospital. Isang oras na din kasi kaming nasa hospital at hindi pa rin daw kasi gising si Blake. E hindi pa daw nagbreakfast si Col. Papunta daw ng school si Blake nun. Nagmamadali daw kasi siya kaya sinabi niya kay Manong John na bilisan ang pagmamaneho. Tapos daw may truck na nakabangga sa kanila kasi daw nasira yung break nung truck. Mas malala daw yung tinamo ni Blake kaysa kay Manong John. Conscious na rin si Manong John. Habang nakaupo kami, nanginginig yung kamay ko. Natatakot ako.. Paano kung..? Nagulat na lang ako nung biglang hawakan ni Kester yung kamay ko. "He's gonna be fine, I promise." He even smiled. Nakita ko pa ngang napatigil sa pagkain si Col dahil sa ginawa niyan yun. Syet. Sa gitna ng mga nangyayaring 'to, panu niya pa nagagawang iparamdam sa kin ang ganitong feeling? Pero binitawan ko agad yung kamay niya kase nagmadali akong kunin yung panyo ko. Naramdaman ko na kasing paiyak na ako. At ayon, bumuhos na nga. :(( "Scam.." I heard Coleen say tapos tinabihan na din niya ako at hinimas-himas yung likod ko. "Bakit ganon.. Bakit pa kasi siya nagmamadaling pumasok eh maaga pa naman.. Bakit.." I said in between sobs. Nakisali na din si Kester sa pagcoconsole sa kin. "Mish, crying won't change the fact that he's lying unconscious on a hospital bed. All you can do is be strong.. For him. These are the kind of times that he's gonna need a lot of strength from you." I wiped my tears and looked at him. "Bakit ka ba ganyan? One minute, you're so rude then the next minute, you're acting like an angel. Alin ka ba talaga dun, ha?" Hindi ko na kasi mapigilan. Hindi ko siya maintindihan kung sino ba talaga siya dun. I saw him na parang naoffend na nabigla na nadisappoint na ewan ko ba. "Scam, calm down. Hindi mo dapat ibuhos kay Kester kung man you're having a really tough day. He's trying to help." Coleen said. Natahimik kami sandali. Bumalik na si Coleen sa pag-kain niya. At narealize ko na yung fault ko kaya naman, "Kester.. Sorry. Nabigla lang talaga ako sa mga nangyayari." I said without looking at him. Hindi siya sumagot. Galit kaya siya? Titingnan ko sana yung expression ng muka niya nang biglang lumapit sa min ang Mom ni Blake. "He's awake." Bigla akong napatayo. Nabuhay ang dugo ko dun ah! "I'm gonna talk to him." I said and ran to his room. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko man lang napansin yung weird look sa face ng mom niya. [hr] Dahan-dahan akong pumasok. At gising na nga siya, nakatingin sa kawalan. "Hey.." I smiled. Tapos nilapitan ko siya. "How are you feeling?" "W-who are you?" I was taken aback. WTH? He doesn't remeber me? Don't tell me.. NO! "Blake, it's me.. Mischa." Kumunot yung noo niya. Oh no. May amnesia siya? Shit! I can't believe this. Hindi 'to pwede. HINDE! I wasn't able to fight it. Bigla na lang may tumulong luha mula sa mata ko. "B-bakit ka umiiyak?" Nagulat siya. Pinunasan ko agad yung luha. "You really don't remember me, do you?" Umiling siya na parang nagtataka sa inaasta ko. I tried to smile. Pero kasabay ng pagsmile ko, napaiyak na naman ako. Hindi ko na talaga kayang pigilan 'to! "O-ok." I said tapos nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. I ran and ran and ran. Ni hindi ko nga napansin sina Tita na nasa labas lang ng kwarto ni Blake. Takbo ako ng takbo. Kahit saan, ok lang. Basta malayo. Kasi ang sakit tanggapin na sa isang iglap.. Sa isang iglap-- Biglang may humila sa kin from the back. Tapos h-in-ug niya ako nang sooobrang higpit. "Let it all out." Kester whispered. Sa sobrang sakit ng loob ko sa nangyari kay Blake, binuhos ko kay Kester, pinaghahampas ko yung dibdib niya. Pero hindi siya nagrereklamo. Ni hindi lumuluwag yung pagkakayakap niya sa kin. "Bakit! Kester, bakit kaylangan niyang makalimutan ako! Bakit!" I cried really hard. "Wala na, Kester, wala na.." Pinaghahampas ko pa siya. Tapos nung napagod na ako, umiyak na lang ako nang umiyak. Bakit laging may twist ang buhay? Hindi ba pwedeng smooth sailing na lang? Hindi ko naman ikinakaila na mahal ko pa si Blake eh! Kaya baket! Ang sakit sakit. Hindi ako makahinga. Parang sasabog na ako, literally. Bakit, Blake.. [b]Bakit?[/b]

Last edited by micahgarcia (2010-05-20 03:03:37)

Pages: 1234

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 16:06

[ 12 queries - 0.017 second ]
Privacy Policy