Bullet-07
[b]Richard's POV[/b]
Whoah?! Ka-group ko si Raine? Yung new girl? Kung sinuswerte nga nman ako...
"Hoy Richard! Narinig mo yon? Groupmates tayo ni angelic face new girl?
Tol, love at first sight yata to. Hehe." Martin said.
Binulungan ko nman si Martin.
"Baka nakakalimutan mo, katabi ko lang siya. Lahat ng sinasabi mo, naririnig nya. Tsk.. Tsk.. "
Napatingin kasi samin si Raine, baka sabihin mamaya kasama ako ni Martin na nagkakandarapa sa kanya.
N0 WAY!
"Hala! Pare! Baka nga narinig nya ako! Patay ako nito, baka sabihin manyak ako. Aww. Baka layuan akooo. "
"Manyak ka nman tlga di ba?"
"EHEM! EHEM! Umiingay nanaman kayo class. Daldalan ng daldalan, hindi naman alam ang gagawin.
00 nga pala Martin, ilagay mo na yang pikachu sa ulo mo. Parusa mo kanina yan ha." Sir Marco said.
Kawawang Martin, naging favorite na ni Sir.
Nagpatuloy si Sir.
"Napakadali lang nman ng first performance nyo. Apat kayo sa isang grupo, obvious naman di ba? Magpeperform lang nman nang isang kanta, mas maraming instruments na gagamitin, the better."
"Sir paano po kung hindi marunong mag-play ng instrument?" 0ne of our classmates asked.
"Edi kumanta! Problema ba yon? Kung sbihin nyo nanaman na hindi kayo marunong kumanta, imposible na yon. Nakakakanta nga kayo ng Happy Birtiday yun pa kaya?" Sir said.
"Mga bata, group yourselves na! Huwag reklamo ng reklamo. Ay! Oo nga pala. Raine, khit hindi ka na magperform exempted ka naman this whole month"
Haay swerte nga nman nitong transferee na to.
By the way, ayan na mga ka-groupmates ko.
Si Pia, famous dito sa school. Pinagkakaguluhan ng mga lalaki.
Maganda, mabait at matalino pero hindi ko type. Ewan ko ba.
Pero kung ikukumpara ko kay Raine, 10 times ytang mas mganda si transferee.
Wait, ano ba tong nasa isip ko? Tsk.
And finally...Martin, ang mayabang, gwapo rin? At manyak kong kaibigan. Joke lang!
Siguro tulo laway na to kakatingin dito sa mga group mates kong tunaw na. Haha.
"0k! Magaganda kong groupmates pwera sayo Richard. Anong gusto niyong tugtugin natin?" Martin said.
"Martin, anong instrument ang kaya mong tugtugin? Pwede bang kumanta na lang ako?" Pia said.
"Well, kaya kong mag- gitara kasi nagbabanda kami ni Richard. Ikaw Raine, anong instrument ang kaya mong tugtugin?"
Pa-cute tlga si Martin kay Raine.
"Uhmm, ako?" nag-isip pa siya ng about 7 seconds tapos...
"Wala eh. Sori. Pero kung may maitutulong ako sa inyo, just tell me." and she smiled, yung nakakatunaw.
"Sure." Martin said.
"0y Richard! Ano tutugtugin natin?" dugtong niya habang nagkakamot ng ulo.
"Bahala kayo". I said habang naghihikab.
"Tsk. Tsk. Grade mo rin kaya ito anoh. Di ba marunong kang mag violin?!? Swerte nga naman. Ako mag-gigitara, ikaw magvi-violin, si Pia kakanta at si Raine ko naman, manunuod at uupo lang.
Exempted naman siya. Kaya prinsesa ko, panuorin mo akong tumugtog para lang sa iyo.” Martin said habang nagpapa-cute nanaman kay Raine.
Halatado tuloy na may gusto siya kay Raine niyan, ang vovo naman nito.
“Sure. Hehe” Raine said.
Awwww.. Nakisakay siya kay Martin.
[b]Raine’s POV[/b]
“Sure. Hehe.” I said.
Nakakatuwa naman pala si Martin.
Ang tahimik ni Richard, sayang gwapo pa naman.
“Hey Richard, marunong ka palang mag-violin. Since when?” I asked.
“Since I was 9”.
Ang tipid naman nito sumagot, pero gwapo niya pa rin.
“I suggest na kantahin nyo ung song na Vanilla Twilight. Cute lang kasi.” I said tapos I smiled.
“Sige! Sige! Anything for you my princess.” Martin said.
“Napakinggan ko yun, ang ganda nga.” Pia said.
“Ok. Yun na lang.” Richard said
Nyek. Ang tipid talagang sumagot. By the end of the school year, padadaldalin ko to. Hehe.
[b]KRIING! KRIING![/b]
Naku! English pala ang next class ko.
Tinanong ko sila Pia kung ano ang next class nila pero Math daw, pati na si Martin.
“Si Richard, English ang next class. Awts. Sayang hindi kita masasamahan. Sasabihin ko na lng kay Richard na bantayan at i-guide ka.”
“Ano yun, parang guardian angel?” I asked.
Nagsmile lng si Martin.
Mabait tlga si Martin. Kinausap na niya si Richard, sa tingin ko naman pumayag.
“Tara Raine, punta na tayo sa kabilang building” Richard said.
Naglakad na kami. Tinuturo niya sa akin yung mga classroom na nadaraanan naming at binibigyan niya ng mga details kung anu-ano yung mga iyon.
Mabait rin naman pala ito. Popular pala siya rito sa school.
“Good morning Mr. President.” Sabi nung lalaking salamin na nadaraanan namin.
“Who is she? You’re girlfriend?” tanong nung lalaki habang nakatingin sa akin.
“No, not yet….. JOKE lang!.” Richard said.
Ano? Not yet daw? Haha. May joke naman sa huli.
“Sorry Mike, we have to go. See you around.” Richard said.
Teka. Teka. President siya ng student council? Wow.
[b]KRIING! KRIING!! [/b]
“The next class is about to start. Let’s go” He said.
We run while his hand is holding my left arm. After 10 years. Haha joke. Nakapasok na kami sa room. Buti
wala pa yung prof.
Madaming babae ang nagtilian nung makita si Richard. Haaayy. Buti na lang dumating na ang teacher namin.
“Good morning class, sorry I’m late. I’m Ms. N and I’m the one who’s in charge in English II. I’m not requiring you to introduce yourselves here in front.
But I’m here to tell you that the English Week will take place in the 3rd week. So I’ll be needing your cooperation to prepare a play.” Ms. N said.
“Ms. N, what is the theme of the play?” One of our classmates asked.
“Romance.”
Naghiyawan na ung mga girls.
“Richard, you will be the main character and also you have the privilege to choose your partner.” Ms. N said.
Naghiyawan na naman yung mga babae sa klase naming. Andami naman yatang nagkakagusto kay Richard.
Naghikab lang siya.
“Pick your heroin now Mr. Villacarlo.”
[i][20 seconds, wala pa siyang pinipili hanggang][/i]
Tumingin siya sakin at ngumiti saka sinabi.
[i][b]“I choose her.”[/b][/i]
Last edited by NoOneKnows (2010-12-10 22:29:52)