2010-04-17 00:59:46

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [quote]This is my newest story. I had received a lot of plots from different readers, at eto ang may pinakamaraming votes sa blog ko. I hope you'll still support this. :D[/quote] [img]http://i41.tinyp

[b]♥ 4.2 ♥[/b] Dumiretso ako sa SC room right after classes. May usapan kasi kami ni PJ, and yeah, nakakahiya man, it will be tutoring. Kaso, when I was on the way, I bumped into Kent and Chiles. “Hey.” I greeted them. “San ka papunta?” Kent asked me. “Sa SC room. Mag aaral ako e…” Don’t mention PJ or Chiles will anu nanaman. Need to go, ayokong humaba pa kasi baka mamaya madulas pa ako. “S-Sige alis na ako.” I passed by them, kaso napatigil din ako. “Ah wait, Ches.” DANG. Si Chiles. Lumingon ako. “Y-Yes?” “Is PJ with you?” I gulped, tapos napasulyap kay Kent. I can see within his eyes na ayaw niyang sabihin ko, pero nakikita ko rin na ayaw niyang magsinungaling ako. “Y-Yeah…” I answered. Naglakad siya papunta sakin, sumunod na lang si Kent. “Pwede ba kami sumama?” She asked. “P-Pero…” I muttered. “Ayus lang naman dib a Kent? We can eat some other time. Mas importante naman yung exam ngayun e.” How insensitive of Chiles. It’s obvious that she just wants to be with PJ. Napatingin ako kay Kent, and I can see that he’s hurting once again. -- “Ches!—K-Kent… Chiles…” “H-Hi!” Chiles greeted. She rushed to PJ tapos naiwan kami ni Kent. Sinara ko yung pintuan, Kent just sat on the couch with his chin on his fist. Sumulyap sakin si PJ, like his eyes were asking ‘Why?’ Ngumiti na lang ako na pilit. Umupo na kaming apat. Nilapag ko yung text books. Si PJ at Chiles yung nasa long couch, ako at si Kent yung magkatabi sa isa pa. Bigla akong tinapakan ni Kent. “A-Aray!” “Ches?” PJ asked. Dang. Ngumiti lang ako. “N-Nakagat ata ako ng langgam… Wag niyo ko pansinin...” I glared at Kent. “Swtich with her.” He whispered. “E andun na siya nuh.” I whispered back. “Gumawa ka nang paraan.” “Bakit ako?” Nag titigan kami ulit. He gritted his teeth, ako rin. Kulit nito ah. Alangang sipain ko paalis si Chiles. “H-Hey. Magbasa na tayo.” PJ uttered. Nakatingin pala silang dalawa samin. Kahiya hiya. Err. “A-Ahaha… Nga e..” At ayun nga, we started reading stuffs. Pero parang walang pumapasok sa utak ko. I can see Chiles glancing at PJ. Si Kent naman tinitingnan si Chiles. Ako… Kay Kent. Nakikita ko nanaman yung kalungkutan. Ewan ko ba. Tapos napasulyap ako kay PJ, he was looking at me. WHOA. Anu to pass the look? He he. Whatever. Ngumiti si PJ sakin, ngiti lang din ako. After an hour, natapos din kami. At tanggap ko ang katotohanan. WALANG PUMASOK SA UTAK KO…… Naglalakad na kami papuntang burger machine. Nagkayayaan pa. Err. Sana hindi ako masermunan ng ermats ko. Kami pa rin ni Kent yung magkasabay maglakad. Nasa unahan namin sila PJ at Chiles. “Bakit hindi mo siya tabihan?” We got enough distance para hindi marinig yung usapan namin. “Mukha namang mas masaya siyang kasama si PJ e…” He whispered. Napatingin lang ako sakanya. “Okay ka lang?” I asked. He grinned at me, yun dating ngiti niya na fake. “Ata. Yaan na.” Napatitig lang ako sakanya. It’s like, I hate seeing him this way. Yung malungkot ba. “W-Wait!” I yelled. Napatigil din pati sila Chiles. “Bakit?” She asked. “M-May nakalimutan ako sa school… PJ! Samahan mo naman ako!” “C-Ches…” Kent uttered. “Ah, okay. Sige.” Then PJ and I started walking away. Sana naman maging okay sila dun. “Ano bang nalimutan mo?” PJ asked. “A-Ah.. Ano… Yung isang text book ko…” “Ah, okay.” Medyo malayu layo naman yung school, sana masulit yung effort ko. “Chiles is really after you, isn’t she?” I asked. “O-Oo e...” He answered. “Why?” Umiling ako. “W-Wala naman…” “We’re just friends. Not more than that.” Ngumiti ako. “Buti naman.” He smiled at me again, mas malapad. “B-Bakit buti naman?” “H-Ha? Wala. Wala.” Hindi ko masasabi sakanya yung reason, pero sana naman hindi niya isiping may gusto ako sakanya or something like that. NAAHHH. PJ’s not really that type to think something like that. -- “Here.” I took out the textbook na kunwaring naiwan ko. “Teka, hindi naman kailangan yan ah.” PJ asked. Shoot. “A-Ah. Wala lang. I started becoming a bookworm e.” I answered. “Kelan pa?” “A-Ah… Ngayun lang?” Dang. I’m really bad at lying. Grr. Bigla siyang tumawa. “Okay. Okay.” “B-Bakit ka tumawa… H-Hindi ka ba nainiwala?” He grinned. “Naniniwala ako, Ches. Sinabi mo e.” “Phew. Hindi ata e.” “Naniniwala nga ako. Ikaw pa. Lahat namang nang sinasabi mo pinaniniwalaan ko, ikaw pa, special ka e..” “Yun o. Bumabanat. Tara na nga.” I said tapos nauna na ako sakanya. “No, Ches.” Napalingon ako sakanya. “Nung ‘no’?” “I mean it.” I gulped. Ewan, pero I suddenly got nervous. Special? “T-Thank you, PJ.” I replied na lang. Walang malice. Wala. -- I rolled over my bed na parang aso. Alam ko, weird, pero kasi… Pero kasi anu e… Bakit sinabi ni PJ yun?! “ARRGH!” “Huy, Cheska. Anung nagyayari sayo?” Kuya Kennedy asked me. “W-Wala! Never mind!” I slammed my door close, aasarin nanaman ako nun e. Humiga ulit ako sa kama. Naman e! Then suddenly, ayun nag ring na yung phone ko. “Hello?” “Ches.” Whoa. Si Kent. “Kent? Bat napatawag ka? Sossy ka ah, pwede mo namang itext.” “Sayang kasu superunli ko.” “Ah. E ano nga?” I heard him sigh from the other line. “Huy.” “Ewan ko Ches, wala pa tayong nagagawa pero parang susuko na ata ako.” “Timang ka ba? Wala pa nga tayong nagagawa gaya nang sinabi mo e. Wag ka kasing excited. Meron pang pag-asa.” He clicked his tongue. “Ano bang nangyari nung umalis kami ni PJ?” “Dib a nauna kami ni Chiles dun sa burger machine? Ayun, bukambibig niya puro PJ… Alam ko na naman na gusto niya si PJ, but I was hiping that she’ll consider how I feel…” “She’s being insensitive?” “Y-Yeah, I think so. Pero wala rin naman akong magawa e. All I can do is listen to every word she say, kahit na masakit para sakin.” He’s being lonely once again. Bakit ganito, I think I am feeling the same way he does… Nakakahawa naman yung kalungkutan niya. “Ikaw? Anong nangyari sa inyo ni PJ?” I suddenly reddened. Naku naman. “W-Wala naman…” “Yee. Ches, you’re hiding something.” “Wala ah! T-Teka, bakit mo ba kasi sakin nililipat yung topic?” “E kasi you barely tell a story.” Napangisi lang ako. “Have you fallen forPJ or something?” “A-Ano?! Hindi ah! Imposible yun, super duper.” I replied. “Sus, kakainin mo rin yan e.” “Hindi, busog na ako.” “WEEHH.” Tumawa ako tapos I rolled over my bed. “Bakit nga ba you hate boys?” Natahimik ako saglit. “…Kung ayaw mo sabihin okay lang—” “My Mom was left by my Father when I was 4.” I finally said. Siguro oras na rin para magkwento akosa taong ito. “My brothers were only elementary students that time. Hirap na hirap na yung Mama ko para lan pag aralin kami. I was a witness nung nagtrabaho siya nang walang tigil para lang mapag aral kami. Buti na lang, dumating yung Tita ko… Tapos tinulungan si Mama, and now, nakaraos din kami.” “Not all guys are like your Dad.” “Madaling sabihin, pero para sakin…--” “Siguro isa lang talaga siya sa mga taong iresponsable, pero malay mo, may mas mabigat pang rason.” “Wala na akong pakielam sa rason niya, basta… I despise him.” I suddenly felt all the anger coming out from me. “…And so as all the guys. Kaya akong mainlove.” “Then try me.” “What?” “Come on. Fall in love with me.” Natawa ako. “May tama ka o ogag ka?” “Seryoso ako.” His tone was like serious for real. “Tsk. O sige, I’m in love with you. What difference has that made?” “Wala.” Tapos humalakhak din siya. “Ogag ka talaga ano?” “E kasi naman e. Kulit mo. Sabi nang may ibang hindi gaya ng erpats mo.” “Wag ka nga makulit.” And then all night, nag usap lang kaming dalawa. But then, when he said to fall in love with him, I had a different feeling. It was like, [i][b]I’d like to believe that not all guys are the same.[/b][/i]

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 10:53

[ 12 queries - 0.025 second ]
Privacy Policy