[quote]Sorry if it took a long time before i could post the next chap.
i agree with 3fuuji3, time is limited, magpapasukan na so i need to finish this.
after these chapters (chapter 11 and 12) , there will only be 3 or 4 chapters left.
before the month of may ends, i'll probably end the story too.

♀~KAtE~♂[/quote]
[u][i][b]Chapter 11[/b][/i][/u]
Lem spoke those words. Those words that I can barely comprehend that time.
“Pasensiya na Aljay. I didn’t know you’re going to act this way samantalang wala kaming ginagawa at wala akong gagawin. Tingin ko hindi naman kailangan ni Jaelyn mag-explain at maging defensive because she wasn’t, isn’t and will never be yours.”
What does he mean by those words? Those words that stirred us all. Was it really Lem who talked?
Nalilito pa rin ako. After what happened, minabuti muna naming magpalamig ng ulo. I was so shocked, so dumbfounded na natulala na lang ako. Buti na lang to the rescue sina Nikki at Cloud. They said na hindi kami makakagawa at makakapagplano sa project ng ganito kaya pinauwi muna nila lahat.
Cloud offered to stay but I said I would rather be alone. Now, two hours had passed and I still couldn’t build up my thoughts. A few minutes later, I found myself crying for unknown reason. My tears were just falling like it has a mind of its own.
“Jae? Nagtetext kami ni Cloud kanina pa and you weren’t replying. Oh my gosh Jae! Why are you crying?”
Just like that, my friends were here again. I felt relieved that Nikki and Cloud were here. Umiyak lang ako nang umiyak.
After I cried, I fixed myself.
“Nikz, Cloud, thank you.”
“Wala yun. That’s what BFF are for. Nag-alala lang kami ni Nikki kasi naman wala ka sa sarili mo after what happened.”
Tumango lang si Nikki then she didn’t say anything. It was unusual for Nikki to be quiet and not be goofy pero I didn’t asked bakit tahimik siya. Si Cloud lang yung nakikipag-usap sakin.
“Bakit ka ba umiiyak?”
“Well… Uhmm… k- k- kasi…”
“Oh Gosh, naluluha ka na naman Jae. Wag mo na lang sabihin kung di mo kaya.”
“No. I just… I just didn’t expect na magkakaganito. I didn’t expect Aljay would be jealous. I wanted to know more about Lem but I don’t want anything like this to happen.”
Whoah. Where did that come from? Basta nasabi ko na lang yun at maski ako nagulat sa nasabi ko.
“Nobody wanted this. You don’t need to blame yourself. Gusto mo lang naman makilala si Lem kasi?”
“I wanted to know him because… because… I like him. B-but I don’t want Aljay to get hurt. Hindi ko naman alam na magkakaganun siya kasi—“
Hindi pa ako nakakatapos magsalita, nagulat kami ni Cloud kasi biglang nag-walk out si Nikki.
Why? Why did Nikz have to walk out?
---
[u][i][b]Chapter 12[/b][/i][/u]
Nagulat kami ni Cloud kasi lumabas ng bahay si Nikki.
“Go ahead Jae. It’s best that you’re the one to talk to her.”
“Okay sige, Cloud. Iwan muna kita.”
Tumakbo ako at nakita ko sa playground ng subdivision namin si Nikki. Nakaupo siya sa swing at nakayuko.
“Nikz? What’s wrong?”
“You’re asking me what’s wrong? You could answer that by yourself!”
Shocks. What did I do to make her this angry? Never kong nakita si Nikki nang nagalit.
“No, I can’t. Ano ba talaga? Please tell me so I can understand.”
“Gusto ka ni Aljay! Why do you have to be so blind? All these times, he liked you but all you did was go with Lem. How could you be so mean?!”
“I didn’t do it inetentiona—“
“Quit excusing yourself! Alam mo ba gano kasakit sakin na gusto ko siya pero pinaubaya ko siya sayo dahil kaibigan kita at gusto ninyo ang isa’t-isa?! Tapos umiiyak ka kay Cloud as if you’re the victim when you’re actually the one who caused all the commotion!”
“Nikki, ganun ba ka-sama ang tingin mo sakin?”
“Dati hindi, pero ngayon oo!”
I wanted to talk to her more pero umalis na siya. Pareho kaming umiiyak habang nagsasagutan. Ang sakit sakin nun. Ang sakit makitang masaktan ang mga taong nakapaligid sakin… lalo na ang bestfriend ko. Nakakainis pa kasi ang dahilan kaya sila nasasaktan ay… ako.
Kung alam ko lang na magkakagulo sa bahay, sana hindi na lang ako nag-schedule ng meeting ngayon. Kung alam ko lang na gusto ni Nikki si Aljay at darating ang araw na mas makakalamang si Lem sa puso ko, hindi ko na sana nagustuhan si Aljay noon. Kung alam ko lang ganito ang madudulot ng pagmamahal, makakasira lang ng pagkakaibigan, magkakaaway-away, magkakasakitan… sana hindi na lang ako nagmahal.
Eto, umiiyak na naman ako. Naiinis ako sa nangyari. Naiinis ako kay Cloud dahil alam kong aware siya sa nararamdaman naming lahat pero pinapabayaan niya lang kaya humantong sa ganito, kay Nikki dahil hindi niya ako pinapakinggan, kay Aljay dahil nagselos siya, kay Lem kasi nagustuhan ko pa siya… pero pinakanaiinis ako sa sarili ko.
Sa pag-iyak ko, sumabay din ang pag-iyak ng langit. Umulan na. Lalo akong umiyak… Nilabas ko na lahat.
Masarap dahil nalalabas ko ang sama ng loob ko pero sa isip ko, sana…
Sana may kasama man lang ako na kaya saking iparamdam na hindi ako nag-iisa…