2008-10-27 14:20:57

mabuhay
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
849
0
1969-12-31

Re: hei guys.. share something about your Christian life! [ some simple verse will do! ] and this is also the time for us to spread God's word here!.. do u like my thread?? ~[b]repu[/b] will be much a

share ko lng po nabasa ko sa dyaryo noon pang 2006 hindi lang po nabasa kundi napanuod ko rin po ito sa telebisyon [spoiler][align=center]Nobyembre 27, 2006 - [b]NGAYON[/b] [b]'Pagpapalain ng Diyos ang Pilipinas'[/b] ni: Rosbero Quinzon Ipinahayag ng bantog na Aprikanong Propeta na si Abu Bako, na naririto ngayon sa Bansa ( year 2006 ) na pagpapalain ng Diyos ang Bansang Pilipinas pagdating ng dalawa at kalahating taon. Nasabi ito ni Bako, isang ekonomista, sa isinigawang pagtitipon sa 17th National Prayer Gathering na itinaguyod ng Intercessors for the Philippines ( IFP ) Lunes hanggang Miyerkules sa Cuneta Astrodome, Pasay City na dinaluhan ng mahigit 5000 katao. Si Bako ay inanyayahan ni Bishop Dan Balais, IFP National Chairman at senior Pastor of Christ, the Living Stone Fellowship, bilang guest of honor and speaker, pati na si Apostol Ron Leech ng Canada. Sinabi ni Bako na nakita niya sa pangitain habang siya'y nananalangin na binunot ng Diyos ang mga masasamang gawain mula Luzon, Visayas at Mindanao pati na ang mga masasamang namumuno. Ang pagkilos ng Diyos ay bunga narin ng mga panalangin ng Kanyang mga anak dito sa bansang ito at pagpapalain Niya ito matapos ang pagdarahop, sabi ni Bako. Ayon naman kay Bishop Balais, ang gagawing panalangin ng mga Kristiyano para sa bansa ay hindi pangkasalukuyan lamang kundi magiging kabahagi na ito ng kanilang mga buhay hanggang tuluyang baguhin ng Diyos ang Pilipinas. Maraming tao na dumalo ang gumaling sa kanilang mga sakit, nalutas ang mga problema, napalaya sa hindi magagandang mga bisyo o gawain, nahilom ang mga pusong sugatan at nakatangagap ng mga pagpapala galing sa Diyos.[/align][/spoiler] [spoiler][align=center]Disyembre 18, 2006 - [b]NGAYON[/b] [b]Ang Pagbabago ng Pilipinas[/b] ni: Rosbero Quinzon Sinabi ni Propeta Abu Bako, ekonomista ng Ghana Africa, na nakita niya sa pangitain na binago ng Diyos ang Pilipinas. May gagawin daw ang Diyos sa loob lamang ng siyam na buwan upang ang pagbabagong ito ay matupad. Pagdating ng dalawa at kalahating taon, ang bansa ay lubusang mababago at ang mga tao ay magtataka na lamang kung paano ito nangyari. Pagdating ng ikalimang taon, ito ay titingalain ng ibang mga bansa sa buong mundo dahil sa pagbabago mula sa pag-uugali ng mg Filipino, pulitika, ekonomiya, kasaganaan at kapayapaan. Sabi ni Propeta Bako na ang pagbabago sa Pilipinas ay magsisimula sa mga tunay na anak ng Diyos. Sila ang mag-iimpluwensiya sa lahat ng mga mamamayan saan mang dako. Nakita rin sa pangitain ni Propeta Bako ang mga kalamidad at mga masasamang kaganapan na panghuhusga ng Diyos dahil na rin sa kasalanan at kasamaan ng mga tao. Ayon pa kay Propeta Bako, babaguhin ng Diyos ang puso at buhay ng Kanyang tunay na mga anak upang makasunod sila sa mga utos, batas at alintuntunin Niya para sa totoong pagbabago sa Pilipinas. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu Cristo sa gagawin niyang pagbabago ng bansa.[/align][/spoiler] believe it or not... nasa inyo na po iyon maraming salamat po God bless u all

Last edited by mabuhay (2008-10-27 14:27:07)

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 03:57

[ 12 queries - 0.035 second ]
Privacy Policy