2010-05-16 03:37:12

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [quote]This is my newest story. I had received a lot of plots from different readers, at eto ang may pinakamaraming votes sa blog ko. I hope you'll still support this. :D[/quote] [img]http://i41.tinyp

[b]♥ 11.1 ♥[/b] I was startled, napatingin ako sakanya. “What-?” “What, what? Tsk.” Anong pinagsasabi nito? “Pakiulit nga.” I told him. “Wala. Forget it.” Silence again. “Congrats pala… Kent.” I uttered. “Anong congrats?” Ngumiti lang ako. “I think our plans are finally working out.” I told him. “Chiles is starting to like you.” He gave a sigh then looked at me, hindi naman siya mukhang masaya that made it weird. “Hindi mo ako kailangang batiin.” “Yabang mo, pasalamat ka nga binabati pa kita e.” I’m feeling lonely, oo, pero hindi ko pwedeng ipahalata. Ayokong guluhin pa ang isip ni Kent. Kent is nice enough to worry about me pag nalaman niya ang nararamdaman ko. I don’t want him to restrain himself para lang hindi ako masaktan. Seeing him happy with the one he likes is enough for me. “Konting konti na lang siguro, magiging okay na kayo. I can’t wait.” I said. Yeah, I can’t wait to see you happy, then finally, I will just stay as your friend and my feelings will be forever hidden. “Tama na nga.” He suddenly said. Nagulat ako. “Why?” “I don’t want to talk about things like that right now.” “May problema ba kay Chiles Kent?” I asked him. Umiling siya. “There’s nothing wrong with her, basta. Tama na.” Napakagat labi ako. “But then… I just want you to know that I’d want you to be happy. Pag naging kayo na, you’re telling me first ha?” He looked at me. “What?” “If that happens, mag celebrate tayo ha.” I sighed. “Maybe then that will be the last day will be as close like this. You’ll always be with Chiles so therefore, I can’t be with you.” “Do you seriously want me to be with Chiles?” He asked me. I gulped tapos napatingin ako sakanya. For you to be happy, “Oo.” I replied. Please be happy for my sake. “Bakit?” He suddenly raised his voice. “Bakit mo ako pinagtutulakan kay Chiles?” Nagulat ako. “Pinagtutulakan?” “Oo! You kept on saying you want me to be with Chiles even though I told you to stop. Ayaw mo na ba akong makasama? Ha? Naboboringan ka ba sakin?” “No! It’s not like that Kent. I enjoy your company, I think I can make you smile, but I absolutely can’t make you happy like how Chiles will…” “You had always made me happy!” Napalunok ako. Mukhang nagulat din siya sa sinabi niya. “Kent…” He grunted. “Alam ko, na at first… I’ve always insisted that only Chiles and her can be with me, na siya lang ang makakapagpasaya sakin. Pero hindi e. It had already changed.” He stared at me. “It all changed because of you.” I didn’t know what I was gonna answer, I scoffed and cleared my throat, pero wala pa rin akong masabi. “K-Kent—” “B-But don’t misunderstand… It’s just that… You’re funny.” WHAT? FUNNY? Bigla akong naasar. Ano ako, clown? “So I make you happy because I’m funny?” I asked him na nakasimangot. “O-Oo! Bakit, ano bang akala mo?” Napailing ako. “I’ve always thought that you’re weird. Tsk.” I uttered. “Anong weird dun? Totoo naman. You’re funny. Your voice is funny, your hair is funny, your face is funny.” Nakakaasar na ‘to ah. I glared at him. “So my physical appearance seem funny for you huh?” “Yeah.” I scoffed tapos inirapan ko siya. “But… I still find you adorable.” WHOA. I didn’t see that coming… I reddened in an instant. Ulet. Ano bang trip nito, mang aasar tapos bigla akong pakikiligin. Grr. Nakakalito! “Stop comforting me with your adorable ‘thing’.” “Ayaw mo? Di wag.” Aba ang taray. “Nakakatawa kasi yang mukha mo.” Tapos balik asaran ulit? What is up with this guy? “Pfft, nakakatawa? E di sana hindi nagkagusto sakin si PJ.” I said. Tapos natakpan ko yung bibig ko. I glanced at him, he scoffed. “Bulag kasi yang si PJ.” Nakakainsulto na ‘to ah. “So ibig mong sabihin nagkamali siya sakin? HAAAA?” I said raising my voice and glaring at him. “Oo! Baket?” He did the same too and we were now close and glaring at each other. How mean. Hindi naman ako ganun kapangit ah. “For your info, hinid tumitingin talaga si PJ sa physical appearance, e di sana kay Chiles siya. Oo, tanggap ko, hindi ako kagandahan, pero bakit ako pa rin ang nagustuhan niya? Kasi hindi siya katulad mo!” I yelled at him. “Katulad ko? Pweh! Yun nga e. I’m so much better than him.” “Ang kapal mo.” I told him. “Baket? Totoo naman ah!” Pinitik ko yung noo niya. “A-Aray!” “Tumigil ka na nga diyan. Tsk.” “Mag antay ka lang papalitan ka rin niyang si PJ.” I felt a bit hurt nanaman, he’s like saying nobody will get serious about me. “O talaga? E di tingnan natin! I’ll tell him I like him after we get out in this crap!” Natigilan siya. Pati ako. “So you admit that you like him, huh.” I gulped ulit. “I—I mean.” “Alam ko, alam ko. It was obvious that you like him from the start.” He uttered. “And I know that sooner or later, magiging kayo. Congrats in advance.” “San mo naman pinagpupulot yang mga sinasabi mo?” I asked him na naiinis na. “Ano ka ba? I know how things are working out betweem you. Wag mo na kasing patagalin pa.” He said. “AHHHH. Alam ko na kung bakit.” “Bakit?” I asked him. “Andyan pa kasi si Chiles.” He said. “ANO?” Nakakapanlaki ng mata mga pinagsasabi nito. “I get it. You were helping me because you think that if Chiles gets me, you can get PJ easier.” I raised my eyebrow. “That’s not true!” “E di bakit mo ako tinulungan? Wag mong sabihing trip mo lang, o baka naman kasi gusto mo akong sumaya… O gusto mo ako? Pfft.” “Oo! Gusto kita!” Oh dang. Is this it? Alam ko nabigla ako, but how can I take it back?! “W-What?” “A-A h I mean, siyempre gusto kita… Kasi hindi kita ayaw. DUH. We’re friends right, kahit nagbabangayan tayo ngayon. Don’t misunderstand. Like that will even happen.” He still looked a bit startled, but then he cleared his throat. “Wala naman akong inisip na iba, yan din yung pumasok sa isip ko nuh. Tsk.” I gave a sigh. I don’t know if taking back what I said was right. Ayoko rin kasing malaman niya, kasi… Kasi baka layuan niya ako. Ayokong malayo sakanya, ayus lang sakin kahit makita ko siyang masaya kay Chiles, pero wag lang niya akong lalayuan, mas masasaktan ako. “Haay. Nakakabaliw! Kelan ba tayo palalabasin dito?” He suddenly blurted out. “Aba malay ko. Tss.” “Ikaw ba tinatanong ko ha?” Biglang sabi niya. Bat ansungit ba talaga nito? “E di sino?” He pointed to himself. “Sarili ko, bakit, may angal?” He replied. GRR. This is so annoying! Parang hindi si Kent itong kausap ko. “Nakainom ka ba? Nakakabaliw ka kausap.” I told him. “I drank a bit.” I gulped. Kinilabutan ako. Siguro kaya parang tanga kausap ‘to. “P-Pero matino ka pa naman di ba?” I asked him. He leered at me. “Gusto mo malaman kung oo?” He asked na parang nananakot. I moved away tapos lumalapit siya. “Wag mong susubukan Kent, masasapak kita.” “Bakit, may gagawin ba ako?” He asked na parang nananakot ulit. Ano ba, grr. Nung malapit na siya sakin, kumuha ako ng unan tapos pinaghahampas ko sakanya. “Green ka! Green!” “Anong green?! A-Ano ba!” Hinampas hampas ko siya. “Makulit ka ah!” Kumuha din siya ng unan tapos pinaghahampas niya rin sakin. “A-Aray!” I said. “Ano ha manghahampas ka pa ah!” Naghabulan kami sa loob ng room na naghahampasan, and then suddenly, napatid ako dun sa kama kaya napahiga ako. He went over me tapos pinaghahampas pa ako. Hindi ko na siya mahampas, ang hirap kasi nakahiga ako. “A-Ang sakit! Keeeennnttt!!” I yelled, tapos napatigil siya. “A-Anong masakit?” He suddenly asked me, he looked worried, I don’t now, napatingin lang ako sakanya, siya rin. His eyes met mine. Then suddenly the door opened. [i] [b]And we realized what position we were in >,<[/b][/i]

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 22:32

[ 12 queries - 0.169 second ]
Privacy Policy