[u][i][b]Chapter 8[/b][/i][/u]
--Lem’s POV--
*Alarm ring 5:00a.m*
“Aww, ang aga… 5a.m”
Teka, ano nga bang sabi ni Cloud? What time? Tsk tsk, hindi ko matandaan. 7a.m. ata sabi niya. 2 hours to prepare. Kaya ko to.
By 6:20 I’m ready to go to Jaelyn’s House. Buti na lang maaaga ako, kundi lagot ako kapag na-late.
---
--Back to Jaelyn--
*Alarm ring 6:00a.m*
Need to prepare. Call time, 8:00a.m. Dapat before 7:30 tapos na ako.
“G’ Morning Ate Faye.”
“Hey, good morning. Wala sa Mama, umuwi muna ng probinsiya and si Papa still on his business trip. May lakad ako ngayon so the house is yours. I’ll be back around 7p.m. Nagsaing na ako and binabad ko na yung chicken para matunaw yung yelo. May instructions sa may ref kung pano mo lulutuin, okay?”
Hay, si sister talaga. Medyo tamad lang yan and masungit pero maalalahanin naman. Sa mga ganitong pagkakataon lumalabas yung pagiging ate niya.
“Got it. Sige na, baka ma-late ka, liligo na ako.”
“Sure. I’ll just get some of my stuff then I’ll go ahead.”
Ako lang mag-isa dito sa bahay. Sana mamanage ko yung mga classmates ko.
Mga 5 minutes na ako sa banyo when my sister called out,
“Jae alis na ako. Mag-breakfast ka pagkaligo mo.”
She paused for a while then called out again.
“Oi babae! Bilisan mo na, may isa ka nang kaklase dito. Nandito na si…”
What? Sino daw? Hindi ko narinig dahil sa shower. Ang aga naman. Sino naman yung nandiyan na? Ah, baka sa Cloud. Lagi namang maaga yun eh. Comfortable na rin siya dito sa bahay, suki ata yan. Haha…
I spent 10 more minutes maligo. Minadali ko yan kasi nakakahiya kay Cloud. After I took a bath, nagsuot lang ako ng bathrobe tapos bumaba na just to say hi to Cloud bago ako magbihis. No biggie, ilang beses na niya akong nakitang nakabathrobe lang. Sabi ko nga, suki na siya dito sa bahay eh.
When, I went down super madali pa ako.
“Cloud! Sorry matagal ako, nali—“
Lumingon yung kaklase ko na nasa sala.
“Oh my Gosh…”
Why? Oh God… KILL ME!