[quote][align=center]@ Pekingkira: tnx. hirs d update.[/align][/quote]
[u][i][b]CHAPTER 2[/b][/i][/u]
“Hindi ako makalakad eh.”
“Bubuhatin na lang kita, ok lang ba?”
Before I could respond binuhat na niya ako. Pumasok kami sa school na kailangan kong puntahan. Napansin kong nakatingin lahat ng girls samin pagpasok. This guy carrying me must be somebody popular.
“Nahihilo ako.”
“Saglit lang ah. Malapit na tayo.” The guy said.
Whoa. Akala ko nasa isip ko lang ‘yung nahihilo ako. Nasabi ko pala ‘yun. Nakakahiya naman dito sa nagbubuhat sakin.
“Sorry. Mabigat yata—“
“Hindi. Mas magaan ka nga kaysa sa inaakala ko. ‘Yan, andito na tayo.”
Binaba niya muna ako para mabuksan ‘yung door ng clinic. Inupo niya ako sa gilid ng unang bed.
“Wala ‘yung school nurse ngayon. Huhubarin ko na ‘yung sandals mo para ako na lang mag-check ng paa mo.”
Hindi na ako nakapagsalita. Nakakapagtaka lang, parang sobrang experienced siya maglagay ng benda sa paa. Nahihilo pa rin ako pero napatitig na lang ako sa kanya at sa paa ko. Blurred ‘yung paningin ko pero I can see na naka-salamin siya. His hair, medyo may pagka-dark brown. His skin may have been originally fair but was naturally been tanned by playing under the sun. Too bad hindi ko masyadong makita ‘yung mukha niya. Napansin niya yatang nakatingin ako.
“Masakit ba? Sandali na lang. Mukhang wala namang nabaling buto. BTW, my name is Lawrence; and you are?”
“Stephanie.”
“Bakit naman nasa labas ka ng school namin kanina?”
“Kakausapin ko sana ‘yung captain ng basketball team niyo tungkol sa upcoming game nila sa team namin.”
“Ah ganun ba. Buti pala ako ‘yung nakakita sa’yo kasi—“
LAWRENCE’S POV
“Sorry. Mabigat yata—“
“Hindi. Mas magaan ka nga kaysa sa inaakala ko. Andito na tayo.”
Nung nakita ko siya kanina sa labas ng school, nagulat ako. Hirap siya maglakad pero pinipilit pa rin niya. Hanggang sa hindi na niya siguro kaya kaya tumigil siya. Alam kong may mali kaya nilapitan ko siya. There, I saw her twisted ankle. Eto naman ako nagpaka-concerned citizen. Hindi ko rin alam bakit ko siya nilapitan at tinulungan. Basta alam ko magaan ‘yung loob ko sa kanya. Ngayon nandito ako, buhat siya papuntang clinic.
Binaba ko muna siya tapos binuksan ‘yung pinto. Wala nga palang nurse ngayon.
“Wala ‘yung school nurse ngayon. Huhubarin ko na ‘yung sandals mo para ako na lang mag-check ng paa mo.”
Hindi ko na hinintay ‘yung respond niya, ginawa ko na lang. Medyo natataranta ako ngayon. Ewan ko kung bakit. Sanay naman ako sa injuries. Pagtingin ko sa girl, nakatingin siya sakin. Napansin niya kayang nanginginig ako?
“Masakit ba? Sandali na lang. Mukhang wala namang nabaling buto. BTW, my name is Lawrence; and you are?”
“Stephanie.”
Stephanie. Nice name.
“Bakit naman nasa labas ka ng school namin kanina?”
“Kakausapin ko sana ‘yung captain ng basketball team niyo tungkol sa upcoming game nila sa team namin.”
“Ah ganun ba. Buti pala ako ‘yung nakakita sa’yo kasi—“
Natigilan ako nung bigla siyang bumagsak sa pagkakaupo at napahiga sa kama. Nahihilo na nga yata talaga siya, nakatulog ba naman. Anong gagawin ko sa kanya?
I searched her purse at nakita ko ‘yung notebook niya.
[i]Stephanie Servajena
Girls Basketball Team
Friendly match two months from now
Meeting with opponent’s captain. Confirm:
--availability of competition’s date
--time
--line-up of players
Stephanie… you’re one strong girl.[/i]
**
STEPHANIE’S POV
I woke up by 10PM and went down from my room para kausapin si Mama.
“Good evening anak”
“Ma? Pa’no ako nakauwi?”
“Oh. Some guy named Lawrence went here before 7:00PM. Sabi niya na-injure daw ‘yung paa mo and you fell asleep kaya when he saw your ID, nalaman niya ‘yung address natin and drove you home.”
“Oh ganun ba. Did he say anything else?”
“Wala naman. He’s a nice guy. I noticed he wore a different uniform, how’d you meet him?”
“Taga-do’n po siya sa school na pinuntahan ko. I’ll tell you the rest of the story later, okay? Gutom na po ako eh.”
“Okay sige anak. And before I forget, try to call Dervin. He called five times already. Hindi mo daw kasi sinasagot ‘yung phone mo. Nag-aalala na yata ‘yun.”
[i]5 times? Si Dervin? Sobra naman yata ‘yun?[/i]
Last edited by eclipse_twins (2008-09-28 08:32:01)