[align=center][quote]@ yhanikz: tnx. may 5 days kming wlng psok kya sna ma-upd8 q 2 evryday
@ hazel013: nice. jan k p rn 4 me. hw sweet. haha. tambay lng s thread n 2.
@ maree12: tlga. well, sna mka-rel8 ka. msya kya pg nkkrel8 s character ng bnbsa m.
@ gossipgirl03: ntouch nman aq, bnbsa m rn 2ng thread q d2 s non-eng. wee, tnx
@ rocel: hala, mejo npressure aq dun ah. sna lalo p ktang mpkilig. hehe
@ blooder 2: tnx. unlyk ung ibng nagcocomment n kakilala q na, sau ndi p aq fmiliar. but i appreci8 ur respond. i hope u kip on reading.
e2 n ung chapter 1. e1 q kng mejo boring xa. sna ndi. mejo mnadali q xa xe pgod n aq. jaz got home from dlsu-m, college of st. benilde and manila doctors. mejo ngarag p nga aq eh haha, eniwei, sna ma-appreci8 nu 2nd nkyanan q.[/quote]
[/align]
[u][i][b]CHAPTER 1[/b][/i][/u]
“We need to prepare everything the team needs for the upcoming game next month.” Dervin explained. “Can we run down the things we need to prepare?”
Ganito talaga siya. Seryoso kapag may tungkol sa team. Honestly speaking natatakot ako sa kanya minsan. Impulsive kasi siya tsaka moody. Mahirap tantiyahin ‘yung ugali pero medyo sanay na rin ako kahit papaano. After all, medyo matagal na nga rin kaming magkasama.
“Kailangan natin magpasukat ng jersey probably next week. Start na rin siguro ng special training. Tapos magpa-medical a week before the game. By that time, ready na rin ‘yung jersey for sure.”
“Is that all Steph?”
“Yup, I think ‘yun na lahat. Anyway, nakausap mo na ba ‘yung school na makakalaban natin for the friendly match?”
“Kindly ask one of your members, Lisa, about that. I assigned her na kausapin ‘yung captain ng other school ngayon.”
“Okay. If that will be all, I’ll go ahead. Hinihintay ako ni Meg eh. I’ll see you this afternoon..”
“Okay, bye.”
“Bye.”
Ganyan kami mag-usap. Siguro sa pananaw ng iba parang professional lang lagi. Well, most of the time oo. Pero may times din naman na nakikiride si Dervin sa kalokohan. Minsan nga lang.
That afternoon, may practice both team girls and boys basketball team. Nagtetrain na both teams. As usual, wala pa si Dervin. Sanay na rin kami, madalas naman siyang late ‘pag maraming kailangan iprepare for basketball competitions.
“Guys, have you seen Lisa?”
“Hindi siya pumasok ngayon,” Tristan said.
Si Tristan ang bestfriend ni Dervin. Siya ang “second-in-command.” Unlike Dervin, si Tristan maloko. He’s also very sweet, open and caring. Close kami nito eh. Eto pa, secretly gusto niya si Meg pero hindi niya maamin. Hindi niya alam gusto rin siya ni Meg, hindi lang rin niya maamin. Haha
“Hala. Eh sinong kumausap sa team captain ng makakalaban natin sa friendly match?”
“Wala yata. Gusto mo ako na lang?”
“Hindi. Dito ka na lang. I’ll be the one to talk with them.”
“Delikado kaya. Babae ka pa naman tapos mag-isa ka lang. Hahatid kita.”
“Tristan, it’s just 5:30 in the afternoon. Besides ikaw lang ang may kayang magtake charge kapag wala ako at si Dervin.”
“Steph, ‘pag pinaalis kita, mag-aalala si Dervin kasi—“
“Relax. Kaya ko ‘to. I’ll text you kung may problema, ok? Got to go. Baka hindi ko sila maabutan eh. Ja!”
I went to my locker and changed my clothes. Kinuha ko rin ‘yung copy ng address ng school. Hala, hindi ko pa napupuntahan ‘tong school na ‘to. ‘Wag sana ako maligaw. Naku naman Lisa, ngayon ka pa nawala! Haixt. Wala nang magagawa, I’ll go on my own. Bahala na.
‘Yun nga ‘yung ginawa ko. Pumara ako ng jeep. Super tingin ako sa bintana habang nasa jeep. Mamaya malagpasan ko pa ‘yung school.
“Wah. Mama, para na po pala.”
Medyo lagpas pa pagtigil ng jeep. Di bale, kaya pang lakarin ‘yung school. Aja!
“Aray! Wah!”
Malas! Napigtal ‘yung sandals ko! Pano na?
Kasi naman! Kung kailan hindi ako nag-rubber shoes tsaka pa ako natapilok. Plus, pigtal pa ‘yung strap ng sandals ko.
Hindi pwede, go pa rin. Kaya pa ‘yan. Naglakad pa rin ako kahit na iika-ika. Ouch. Ang sakit ng paa ko. May mga nakatingin na sa’kin na mga students. Nakakahiya pero… Hmph, paki ba nila? Eh sa iika-ika na nga ako maglakad eh. Ikaw ba naman matapilok, sira pa footwear mo.
I stopped and sighed. Ang sakit na ng paa ko. Hindi ko na magalaw. Nakakahiya pumasok sa school nila ng ganito ako.
“Wala man lang bang tutulong?” I whispered with a sigh.
I’m sure walang nakarinig nun pero biglang may lalaking tumabi sakin.
[i]“Miss, halika. Punta tayo sa clinic namin.”[/i]
Last edited by eclipse_twins (2008-09-27 08:34:19)