^ Mamatz to the new readers at kahit dun sa hindi bago!!
![:D](img/smilies/another_D.gif)
Anyway, always part one at part two na lang mapopost cuh e. Di kasi ako agad makaisip ng kasunod.
![=D](img/smilies/evillaugh.gif)
.,Chapter XI [Part one]
Pasalamat ka JJ mabait na 'ko ngayon.. At maysakit ka.. Hay nako naman.
"Tara na Darren.. Ang baho ko na o.."
"A-Anong mabaho? Ang bango mo nga e!"
"Bahala ka na nga.. Galit na 'ko sayo. Di na kita bati."
Tinalikuran ako.
Parang bata. Haizt. Naman talaga.
"S-Sige na nga. Basta dun ako sa likod ng kurtina."
"Bakit ayaw mo sabay?"
"E.. E.. Basta! Ano? Payag ka?"
Humarap siya ulit.
"Sige! Sige!"
--..--..--..--..--..
Sinarado ko yung kurtina nung sa bath tub tas tumalikod ako. Hay nako Darren. Control yourself. Wag kang magpapaka tanga. Mas gusto mo di ba yung pag siya talaga yung nagsabi na mahal ka niya? Wag kang maattempt.
Bumukas na yung gripo.
"Darren.. Sure ka ayaw mo..?"
"O-Oo.. Maligo ka na nga!"
"Bakit ba ayaw mo.. Di ba sabi mo mahal mo ko..?"
Takte.
"O-Oo.. Pero.. Pero - Basta! Maligo ka na nga!"
"Darren.. Pakuha pala ako ng damit.. Pati underwear.."
"Hindi ka nagdala?!" Ano ba naman 'tong babaeng 'to.
"Nakalimutan ko e.. D-Dali na.."
"Saglit lang!"
Lumabas ako at dumiretso run sa kuwarto niya. I opened the first cabinet.
"Ano ba 'to, puro basura."
I opened the second.
"Ah eto." Kumuha ako ng blouse at shorts.
E san kaya underwear niya.
"Ah eto." Kumuha na ako at bumalik dun sa CR.
Inabot ko sakanya.
"O.. JJ."
Ayaw kunin ah.
"Huy, JJ. Bala ka, ihuhulog ko 'to."
Ayaw talaga. Naku naman, kinuha ko yung twalya tas hinarang ko sa mata ko.
"JJ..? JJ..?"
Nahawakan ko yung ulo niya tas binalot ko na sakanya yung twalya.
OPS. OPS. Wala akong nakita!
"Huy! JJ! Gising!"
"O..? Darren. Diyan ka pala. Tatayo na ako-"
"Saglit! Saglit! Palabasin mo muna ko. Hawakan mo muna tong twalya o."
Pinahawakan ko sa kanya at dali-daling tumalikod at lumabas.
PHEW. Isang napakahirap na paglalakbay.
Umupo ako run sa lapag, nakasandal ako sa pintuan.
"Ano ba 'to.. Hindi naman ako marunong ng baby-sitting.- AWW!" Biglang bumukas yung pintuan at tumalsik ako.
"Ayy.. Sorry Darren..."
"Okay lang.. Ano? Okay ka na..?"
"Ha..? Okay naman ako ah.."
Tumayo ako at hinawakan ko yung noo niya.
Medyo bumaba na ng konti, pero ang pag didiliryo niya, ganun pa rin.
Umupo kami sa kama.
"Patuyuin mo muna yang buhok mo bago ka matulog."
"Maaga pa.. E.. T-Tulog agad.."
"Ay oo."
"E.. Kakatamad.."
"Naman e. Wag ka nang pasaway."
"Susunod ako kung.."
"Ano?"
"Kiss mo ko."
WAAHHHHH........!!!!!!!!
Sobra na 'to!!
"JJ! Gumising ka nga! Para kang baliw diyan e!!"
"Bakit..? Ayaw mo ba..?"
"H-Hindi naman sa ganun kaso.. Kaso.."
"Ano..?"
"B-Basta! Hindi pwede! Hindi ka ba natatakot ha? Lalaki rin ako at kaya kitang-"
"Hindi."
"Ano?! Mag isip isip ka nga!"
Tumingin siya sakin.
"May.. May tiwala naman ako.. Kay Darren e..."
"JJ.."
"Bahala ka.. Kung ayaw mo.. Ako mag kikiss sayo.."
Tumayo na ako.
"Next time na lang..!"
"Wala nang next time... Kasi.. Kasi 16 na ako... At mag.. maghahanap na ako ng magmamahal sakin..."
Umupo ulit ako.
"Di mo naman kailangang maghanap e.. Nandito naman ako.."
"Di mo aman ako mahal e.. Ayaw.. Ayaw mo nga 'ko ikiss.."
Naman e!! Kelan ba matatapos 'to?!
"S-Sige.. Basta walang sisihan ah."
"O-Oo.."
Dahan-dahan ko siyang kiniss.
HOY. HOY. Walang malisya.
Sa forehead lang.
"Ayan. O tama na?"
Tumango siya.
"Salamat.."
Tumibok puso ko nang malakas pag ngiti niya. Shucks, nainlove ata ako lalo.
[b]Somehow, hindi naman pala ganun kasama ang pagkakasakit niya..[/b]