![:arrow:](img/smilies/point.gif)
Mamatz po kay sis eri!! = ]
Here's the update..
![:arrow:](img/smilies/point.gif)
.,Chapter X [Part two]
"Ah.. Ang sakit ng ulo ko.. Nilalamig na 'ko.. Yakapin mo 'ko.. Darren.."
Waahh.. Don't tempt me please naman..
"Just s-sleep.. JJ.. I'd take care of you.." I sat down on the bed and touched her forehead.
Hindi bumababa.. Anong gagawin 'ko?!
I can't call a doctor kasi sa pag kakaalala ko, takot 'to sa doktor e. Panu na 'to?
Wait! Sa Medical cabinet namin!
I rushed down stairs at pumunta dun sa kwarto ni Mama at Papa. Binuksan ko yung cabinet.
"Paracetamol.. Para- Aha!" I took tablets and rushed upstairs.
"Here JJ, may nakuha na ako, pero you need to eat or-"
Nakita ko si JJ sa lapag. Takte!
"JJ!" I rushed to her and helped her stand up.
"Gusto kong mag CR.. Kaso nanlalambot pa ako.."
"S-Sige! Tutulungan kita.."
I helped her enter the restroom.
"Dito lang ako sa labas. Just call me when you're done."
"O-Okay.."
Lumabas ako agad. Grabe ang pawis ko run ah. I waited outside. Anong ipapakain ko? May instant noodles kaya sa baba? Oh right! Galing pala si Papa ng Korea kaya may noodles.. Chili nga lang. Pwede na yun!
"D-Darren.."
"Sandali-"
Pagbukas ko ng pintuan dire-diretsong bumagsak siya sakin. Bagsak tuloy kami sa baba. Aruy.
"J-J-J-J-JJ.."
"Ah.. Nanghihina pa 'ko.."
Tinulak ko siyang dahan dahan at tinayo ko siya't binuhat sa kama.
"Okay ka lang..?"
"Hindi e.. Iniiwan mo 'ko.."
Naman..
"JJ.. Ano.. Sandali lang ha? Magluluto lang ako.."
"Sama mo 'ko.."
"S-Sama ka sa kitchen?"
Tumango siya.
Haizt. Ano ba 'to..
"Sige, sige. Tara."
Binuhat ko siya at dahan dahang bumaba sa stairs.
"Dito ka lang sa sala."
Nilapag ko siya run sa couch namin at pumuntang kusina. I opened the cabinet kung may mga noodles. Meron nga. Kinuha ko at nag-init na ako ng tubig. Sumisilip silip ako sa sala, baka kasi kung anong gawin ni JJ e. Mahirap na. Nakahiga lang siya run.
Maya-maya kumulo na at nilagay ko na run sa cup noodles.
Dinala ko na sa sala.
"Here JJ, kain na."
"Tinatamad ako.."
Umupo ako sa harap niya.
"Come on-" Biglang tumunog yung phone. YES!!
I rushed to the phone.
"Hello? Hello?"
It was Kurt. BAD TRIP.
"Hello, Darren. Where's Lianne?"
"Ah.. JJ.. She's.. She's fine."
"May I speak with her?"
Patay.
"Ah.. Ano! Tulog pa kasi siya kaya.. Kaya.."
"Oh I see, baka mag extend kami ni Mama rito. Kaya paki bantayan na lang siya. -"
Biglang naging boses ni Mama.
"Darren!"
"O! Ma..!"
"Pwede, wag kang magdala ng babae jan ha? Dalawa lang kayo jan ni Julianne kaya wag kang pasaway."
"O-Oho.. Sige Ma! Bye!"
"T-Teka-"
I put down the phone. Hayy..
Bumalik na ako kay JJ.
"JJ.. Come on, eat."
"Maanghang e.."
"Pero ito lang kaya ko e.."
"S-Sige na nga.."
Sinubuan ko na siya, maya't maya ang hingi ng tubig. Nabusog ata sa tubig kaya yun, pinainom ko na ng gamot.
"Pwe! Pwe! Ang pait naman.."
"Ganun talaga."
"G-Gusto ko nang maligo.."
Did I hear it right?!
MALIGO?!
"E.. E.. Ano.. Kasi.. Kasi.."
"Ang init na e.. Gusto ko nang maligo.."
Anong gagawin ko?!
DON'T PANIC DARREN!! DON'T!!
Pero.. Pero.. Anong gagawin ko?!
I can't accompany her inside, at pag hinayaan ko naman siya, baka madisgrasya siya sa loob!
"Ah.. Wag ka nang maligo, pwede?"
"Bakit ayaw mo? Sabay tayo.. Gaya rati.. Di ba.. Sabi mo.."
"E.. Iba na ngayon! Matanda na tayo tsaka babae ka at lalaki ako, ano ka ba?!"
"E ano naman.. Magkapatid naman tayo.."
Nakakainis!! Kahit ba may sakit siya, magkapatid pa rin turingan namin?!
"Hindi nga tayo magkapatid JJ!! Magkaiba tayo ng dugo!"
"Magkapatid nga tayo.."
"Hindi nga! Imposibleng maging magkapatid tayo!"
"E di hindi. Basta sabay na tayo maligo.. Tara na.."
Naman e.. Naman e..
Anong gagawin ko?!
[b]Help naman diyan please!!![/b]