^ baka di po ako makaupdate.. Last na update ko po muna 'to.. Baka sa 27 or 28 pa ung susunod..
![:crybaby:](img/smilies/crying.gif)
Ala kasing PC sa Manila ee.. Basta!! Wak keu mag alala.. Mag uupdate ako agad pag balik ko d2 sa cavite!!
[quote][b]MERRY X-MAS TO ALL!!![/b][/quote]
.,Chapter XI [Part two]
Nakatulog pala kaming dalawa. Nagising ako agad, pag tingin ko sa orasan, alasingko na pala.
Pumunta agad ako kay JJ na tulog rin.
Hinawakan ko yung noo niya.
Hay. Mukhang ok na siya. Tapos na rin ang pag hihirap ko.
"Darren..?" Nakupo, nagising.
"J-JJ.. Ano nararamdaman mo?"
"Okay naman. Ikaw?"
"Okay rin."
Umupo siya.
"Asan si Kurt?"
KURT nanaman?!
"Bakit mo sakin tinatanong? Tsaka pwede ba, kagagaling mo lang sa sakit at kung sinu-sino agad ang iniisip mo!"
"Anong kung sinu-sino? E kapatid natin yun e."
"Kami ang magkapatid. Wag ka ngang makulit."
"Ayaw mo ba talagang tumira ako dito kaya sinasabi mo yan lagi..?"
Tinitigan ko siya.
"Do you want me to repeat what I told you in your birthday?"
Poof.
Nag blush siya. HULI!
"Ang cute mo." sabi ko.
"T-Teka.. Ano ba nangyari? Asan sila Yaya?"
"Wala."
"E si Mama at Kurt?"
"Wala."
"Ang ibig mong sabihin.."
Tumango ako.
"B-Bakit?! Anong nangyari?!"
"Don't panic. Wag kang matakot, wala akong ginawa sayo no. Ikaw ang may ginawa sakin."
"Anong ginawa ko?"
"WALA. Basta. Sakin na lang yun."
"Darren naman e!!"
"Wag ka ngang makulit. Mabinat ka niyan."
Tumahimik siya.
"Ano?"
"Gutom na 'ko."
"Ikaw kasi e, ayaw mo kayang kumain."
"Basta! Pakainin mo 'ko- Ay teka, bakit iba na 'tong suot ko?"
Natawa ako.
"Anong nakakatawa?"
"Wag mo nang alamin."
"E!!! Ano nga?! Pinalitan mo damit ko?! Darren ikaw ah-"
"Hoy. Hindi noh. Ikaw nagpalit niyan."
Pinipilit mo nga ko e.
Ha ha! Mabuti pang wag ko nang sabihin, mahiya pa siya sakin.
"Marunong ka bang mag luto?"
"Oo.. Yung sinigang lang."
"Hay, pwede na yun. Tara."
Tumayo na kami at bumaba papuntang kitchen.
--..--..--..--..--..
"Hiwain mo nga 'ton kamatis. Madali lang yan."
"Ako?"
Aba, gawin daw ba akong assistant? Okay na nga 'tong panunuod ko sakanya e. Feeling ko, mag asawa kaming dalawa. Pinapanuod ko siyang mag luto para sakin.
Ang lakas talaga ng imagination ko!!
"Oo. Ikaw nga. Ikaw lang naman tao rito maliban sakin e."
"Ikaw na, sus."
"Ano ka ba naman Darren, wala ka talagang wenta."
Aba, ako? Walang kwenta? Baka di mo alam mga pinag gagagawa mo nung may sakit ka. Aba...
"Ikaw na lang. Sus maryosep."
"Bakit kasi di ka na lang nagpapunta ng babae mo."
"Wala na. Hindi na ako playboy."
Napatingin siya sakin.
"OWS?"
"Oo nga. May nakakagulat ba run?"
Hindi makapaniwala ang babaeng ito.
"Oo. E kasi sa isang araw, isang dosenang babae ata dinadala mo rito.."
"Selos ka naman?"
[b]
JULIANNE'S POV:[/b]
Ang kapal!!
"Asa ka naman! Feeling mo? May gusto ako sayo? Haler. Mas gusto ko pang magkagusto sa palaka."
"Mas pogi naman ako sa palaka."
"A-Alam ko! Tao ka e.."
"Yun pala e, di wag mo 'kong ikumpara sa palaka."
Hay nako.. Hinihiwa ko yung kamatis nung lumingon ako, dahil sa katangahan ko, ayun. Nahiwa yung daliri ko.
"Aray!"
"Bakit?!" Tumayo si Darren at pumunta sakin.
"Ay nako, JJ. Mag ingat ka kasi!"
"E.. E sorry na.. Ano e.."
Pumunit siya dun sa t-shirt niya at binalot dun sa daliri ko.
"Huy bakit mo pinunit-"
"Bibili na lang ako! Hay nako, JJ.. Mag iingat ka kasi.."
Tinitigan ko siya.. This seemed familiar.. Yung nangyayaring 'to parang nangyari na noon..
Biglang kumulo na yung tubig.
Hinatak ko yung kamay ko.
"Salamat.. Sige na, umupo ka na.."
"Mag iingat ka ha..?"
Ngumiti ako.
"Oo.. Sige na.." sabi ko na lang. Umupo na siya ulit. Medyo mahapdi pa yung sugat ko pero hindi ko na pinansin.. Kasi kinakabahan ako.. E.. Ewan ko ba.. Yung thought na nasa likod ko si Darren at pinapanuod ako.. Yun ang nagpapakaba sakin..
[b]Why am I feeling like this..? Iba 'to.. Hindi 'to normal.. [/b]
[quote][b]MERRY X-MAS AND A HAPPY NEW YEAR!! :gift: [/b][/quote]