HERE'S the update!! Finally!!
![=D](img/smilies/evillaugh.gif)
.,Chapter XII [part one]..
Kumakain na kami ng dinner. I can't help myself but to glance and glance and glance at him. Buti na lang di niya 'ko napapansin. Sobrang kahihiyan 'to pag nagkataon.
"It tastes nice. Lasang pagkain naman. Di nga lang halata sa itsura."
Ang yabang.
"Sorry po ha? Señorito. Di niyo po kasi ako kasing galing magluto e. Sorry!"
"Ha ha! Di ako marunong magluto."
"E yun naman pala e! Yabang yabang mo di ka rin naman pala marunong!"
Natawa siya.
"At least ako di ko na sinusubukan, baka masayang ang food."
"Bakit?! Nasayang ba?! Kung ayaw mo, wag mong kainin!"
Ngumiti siya sakin. Pamatay!
"Wala naman ako sinabing ayaw ko ah.. Sarap nga e. Ito na ang favorite food ko."
Uy, natuwa ako run ah.
"S-Sus! Kunwari ka pa!"
"Di wag kang maniwala. Palitan ko pa yung nasa slum note mo e."
"Bakit? Nakasulat ka ba run?"
"Aba, oo. Ako pa. Ako nga yung una e."
Teka, teka.
"Baka naman nakielam ka lang noon?"
Natawa siya ulit.
"Parang ganun na nga?"
"Ampf."
"Tapos na ako kumain!" sabi niya at tumayo.
"Oo na. Ako na maghuhugas ng pinggan."
"Wag na, darating naman bukas yung mga maids e. Sila na maghuhugas diyan. Laro na lang tayo."
"Anong laro? Para kang bata."
"Ano bang gusto mo?"
Hmm..
"Mag PS3 na lang tayo!" Miss ko na yun e.
"Wag na. Corny mo."
"Tingnan mo 'to! Tatanong tanung tas ayaw mo rin pala!"
Ngumiti nanaman siya.
"Bakit ba ngiti ka nang ngiti?"
Hinatak niya ako patayo.
"Iba na lang. Yung talagang hilig mo."
"Talagang hilig ko..?"
Napangiti ako.
"Tara!"
--..--..--..--..
Nandun kami sa malaking garden.
"O tara na! Tanim tayo!"
"Hoy, sabi ko ikaw lang gagawa niyan ah. Marumihan pa 'ko." sabi ni Darren na nakaupo run sa steel chair habang nakatingin sakin.
Ako nga todo prepared e. Naka hat pa 'ko at gloves.
"Ano ka ba Darren? Ang arte arte mo! Kasama 'to sa HELE subject no!"
"Ano naman? Para sabihin ko sayo, bumagsak ang HELE ko kasi ayokong mag tanim."
"Ows?"
"Oo nga! Mas pipiliin ko pang bumagsak kesa marumihan ako.."
"Ang arte. Bading ka ba?"
Tumayo siya.
"Yan ka nanaman."
"E ang arte mo naman talaga e!"
Pinuntahan ko siya.
"Ano? Ikaw nagsabi nito tas ako lang gagawa? Aba, papasok na lang ako at matutulog!" Aalis na sana ako nung hawakan niya ako.
"Sige na nga! Basta wag ka nang umalis!"
Wow, ayaw niya raw akong umalis?
"Yun naman pala e! Pakipot ka pa." Hinagis ko sakanya yung seeds ng mongo. Madali lang kasing itanim yun e.
"Ano ba 'to? Pam baby."
"Bakit? Di ba sabi mo ayaw mong magtanim ng mahirap at baka marumihan ka?"
"Oo nga, pero wag mo naman akong tratuhing parang ten year old na bata!"
Tumawa ako.
"Asus. Asus. Bahala ka ha. O magtanim na lang tayo ulit ng puno para magkaron tayo ng bagong tree house!"
Kinuha ko yung binili naming nakalagay sa black na plastic na may lupa. Basta yun na yun!
"Maghukay ka na."
"Bakit ako lang?"
"E di tayong dalawa!"
Umupo na kaming dalawa tas naghukay.
"Di kaya magalit si Mama..?" tanong ko.
"Di yun. Sus."
Tumalikod ako saglit.
"JJ.."
"Ano-"
Pagharap ko pinunasan ba naman ako ng lupa sa mukha.
"Ayan.. Ang ganda ganda mo na.." Tumatawa siya.
"Ikaw talaga!!"
Pinunasan ko rin siya.
"Ayan, ang gwapo mo na."
"Yuck!"
"Pwede ka nang mag asawa."
"Pakasal tayo?"
Boom! Di ako prepared dun ah. Nag blush ako.
"A-Ano ka ba.."
"Seryoso ako. Marry me, JJ."
Ginatungan pa!!
Nataranta ako pero kumuha ulit ako ng lupa at pinunas sakanya.
"Ayan!! Mas bagay sayo!!"
"Kaw talaga-"
Ayun, nagpunasan kami ng lupa.
[b]My heart skipped a beat as I heard him say that. And I was tongue-tied na ewan ko ba. Parang gusto kong sabihin ay yung imposible pa..[/b]