Re: [quote][align=center]I don't know kung may magbabasa nito pero feel ko lang na gumawa ulit ng taglish love story. Hindi ko alam kung panu ko sisimulan. Medyo focused kasi ako sa story ko sa English Li
[align=center][quote]--mhba tlga ung chpter 17 so puputulin q muna 2. part 1 lng muna. i'll put my replies 2 ur msgs wen i put d part 2, okie? hehe--
--plano q sna sa 31 ang last post ni2. ung chapter 18. sna kyanin--[/quote]
[/align]
[u][i][b]Chapter 17
~Part1~[/b][/i][/u]
“Good job girls! Sige, let’s all rest and sleep well. Tomorrow’s the big day. Kaya natin ‘to!”
The girls’ team clapped at nagpuntahan sa locker room. After that, umuwi na sila. Ako, eto naiwan muna sa court. Hinihintay kong matapos ang boys team. Bukas na ang sports league and honestly speaking kinakabahan talaga ako. We trained hard for this, sana ‘wag mabalewala.
Medyo tulala pa ako nung biglang tumakbo si Nathan papunta sa’kin, hingal na hingal.
“Steph!”
“Ui Nathan, bakit? Bumalik ka d’un, ‘di pa kayo tapos.”
Nakikita ko namang kapos na kapos pa sa hininga si Nathan habang sumasagot sa’kin.
“For Pete’s sake Steph, patigilin mo na ‘yang si Dervin! Nagiging halimaw na naman siya. ‘Pag hindi niya pa kami pinatigil, I swear we’ll be too worn out to play tomorrow.”
“Eh kung kay Tristan mo kaya sabihin ‘yan. He’s the second-in-command ‘di ba?”
“Ai naku. Sinubukan na niya but that captain wouldn’t dismiss us.”
I looked at the boys and oo nga, basing sisiw na silang lahat. Kawawa naman.
“Sige, I’ll try, balik ka muna d’on. Magagalit si Dervin ‘pag nakita ka niyang nagpapahinga tapos ‘yung iba nagtetrain.”
“Thanks Steph,”
Sabay takbo si Nathan pabalik ng court. I went out to buy the boys some snacks. Wala talagang balak pauwiin ni Dervin ‘tong mga lalaki. Bakit? Eh kasi hindi pa sila nagseseryoso. Medyo naglalie low sila, palibhasa champion sila last year kaya siguro kampante sila masyado. Bakit ko alam ‘yon? Naman. Team captain din ako kaya kahit papa’no alam ko mag-isip ‘yang si Dervin.
Medyo nag-aalala din tuloy ako sa team namin. Last year ang girls nakaabot ng third. Never pa kami nag-first. Sana mag-champion na kami this year.
Pagdating ko sa gym, nand’un pa rin ‘yung boys. Hindi pa rin tumitigil sa pagtetrain.
“Guys, snacks muna,” I called out.
Takbuhan naman sila sa’kin para kumuha ng snacks. Si Dervin, naiwan sa court, nagshushoot ng bola. Ayun, lumapit ako sa kanya.
“Dervin Yeong, hindi nakakamatay ang pagkain. Kumain ka na.”
“Kakain lang ako ‘pag binigyan mo ako ng lucky charm.”
“Lucky charm?”
Kumusta ka naman d’yan. Ako na nga gumastos sa pagkain, hihingan mo pa ako ng lucky charm. Ayos ka lang?
“Lucky charm para bukas. Isang gabi lang d’yan sa malapit na hotel,” he said with a serious face.
“Wah! Manyak!”
Nagtinginan ‘yung boys sa’min. Napalakas yata ‘yung sigaw ko.
“Uhhmmm, joke lang ‘yung guys, sige. Kain na kayo d’yan.”
Napatingin ako ulit kay Dervin, tumatawa ang loko.
“Ang lakas ng trip mo ah.”
Pfftt. Ayos ka ah, pasalamat ka gusto kita. Teka, gusto kita? Sa’n ko nakuha ‘yun? Bura, bura. Ano ba namang mga naiisip ko?
“Sige na, kumain ka na lang kaysa pag-tripan mo ako.”
Tiningnan lang niya ako, tapos umalis sa court. Pumunta siya sa boys. Ayos ‘to ah, bastos. Papakainin ko na nga eh. Kung ayaw niya, pwede naman niyang sabihin. Walk-out pa ang drama ng loko.
Papunta na sana ako sa locker room nung narinig kong nagsalita si Dervin, “Stephanie, may pag-uusapan pa tayo for tomorrow. The rest, after you eat, you may go.”
Tinaasan ko ng kilay si Dervin and lumapit siya, “we’ll talk after the team leaves.”
Pinauna na ni Dervin si Nathan saying na siya na lang daw maghahatid sa’kin pauwi. Then both of us sat on the bleachers and talked.
“Anong pag-uusapan natin?”
“Nothing in particular.”
“Ayos ah. Kanina pinagtripan mo ako, hanggang ngayon pa rin ba?”
I looked at him pero seryoso siya. Ano ba naman ‘to. Parang may sariling mundo, pero mukhang malalim din ‘yung iniisip.
“Steph, what do you plan for college?”
“Ha? Uhm, I don’t know.”
“I know it may sound childish but could you promise me something?”
“Depende, baka naman mahirap. Ano ba ‘yun?”
[i]“Can we be together whatever happens?”[/i]