Here's the update!!
![=D](img/smilies/evillaugh.gif)
.,Chapter XIII.. [part one]
Humilata kami run sa kama ko.
Kakapagod. Ang harot kasi ni Darren e. Di nga kami nakapag tanim, sinira namin yung garden! Patay kami kay Mommy Kate at kay Mang Jojo, yung gardener. But I admit, It's really fun bonding with Darren. Napaka kalog na makulit na palabiro.. Pogi pa. Ssh ha?
"Saya ba?"
"H-Hinde noh! Patay tayo nasira natin yung mga halaman! Kaw kasi e!"
"Masaya kaya! Tsaka anong tayo? Sino yung nakaapak dun sa mga halaman? Ako ba?"
"Ampf! Oo na! Ako na! Patay nanaman ako kela Kurt."
"Sus, as if namang papagalitan ka ni Kurt."
"Bakit? Hindi ba?"
Tiningnan niya ako.
"Oo. Obvious ba?"
"Nice naman! Kela Mang Jojo lang pala. He he."
"Wag kang mag alala. Hindi ko naman sasabihing ikaw may kasalanan. Siyempre ako."
"Wow. Di nga?"
"JOKE."
"Darren!!"
Natawa siya nang mahina.
"Anong nakakatawa?"
"Ang cute mo talaga pag sinasabi mo pangalan ko."
"Ows talaga?"
"Oo, JJ. Kaw na ang pinakacute na babaeng nakilala ko."
OOPS. Blushing mode.
"Tama na nga! Maligo na tayo. Ang baho nanatin, tsaka matulog na rin tayo, para bukas, andito na sila Yaya, kahit wala sila Mama okay lang." singit ko.
"Asus. Mas trip ko nga yung tayo lang dito ngayong sembreak e. At least, we can do anything we want!"
"Oo nga, masaya rin. Pero miss ko na sila e. "
"Sila? O baka si Kurt lang?" seryosong tanong niya.
Tumingin din ako sakanya nang seryoso. Nice, eye-to-eye.
"Ano? Tama ako di ba?"
"Alam mo, nakakainis ka. Lagi mo na lang sinasali si Kurt sa usapan."
"E totoo naman e!"
"E ano naman? Selos ka naman?" Wrong question!!! Emergency!!
Naging seryoso ulit siya.
"Ah.. Joke lang yun ah..-"
"Oo. Nagseselos ako. Masama? Naiinis ako pag sinasabi mo ang pangalang 'Kurt'. Naaasar ako pag ngumingiti ka sa harapan niya. Ayokong napapansin mo siya. I don't want it. "
"D-D-Darren.."
Shucks nauutal ako!!
Tumayo ako galing sa kama.
"Ma-Maliligo na ako-"
"Why do you always run away?"
"H-Ha?"
Shucks naman..
Tumayo rin siya at lumapit sakin.
"I've been waiting for long.. And I want an answer now.."
PATAY!!!
"Anong.. Anong sagot naman yan.. Sus ikaw talaga-"
"I want to know what are your feelings for me, right now."
"P-P-Pero.. Ano.. Ano kasi.."
"Alright. I'll let you think about it, inside the bathroom. Pag labas mo, I want an answer."
Ang bilis!
"Ang bilis naman..!"
"It doesn't take too much time just to know your feelings for me, okay? Kaya ganun. Bilisan mo."
"Paano kung di na ako lumabas?"
"Ganun?"
"Oo.."
"E di wawasakin ko yang pintuan na yan. Tapos."
Ngak. There's no way out!!
"O-Oo na!! Basta!!"
Kumuha ako agad agad ng mga damit ko at nagmamadaling pumasok sa CR.
[b]DARREN'S POV:[/b]
Umupo ako sa kama niya.
Takte naman.. Darren.. Lalo mo lang siyang nililito e..
Napabuntung hininga ako.
This sucks. Ano ka ba naman Darren? Ang corny corny mo naman. This is not like you at all!
Dati naman, napakadali mong makapagpasagot ng babae.. E ngayon.. Yan lang si JJ na matagal mo nang kasama at gusto di mo mapasagot?! Ano ka ba?!
Ano ba 'tong pinasok ko..?
Kahit alam kong di ganong matutuwa si Mama, I'm sure she'll be fine. Si JJ lang talaga ang problema at yang pride niya.
Obvious namang gusto niya ako diba? Di ba?
OR IS IT JUST MY IMAGINATION?
No it's not!!
Don't be nega Darren! May pag asa ka!!
Kahit na nga sa tingin ko, JJ is still too childish para isipin ang kanyang feelings..
[b]JJ'S POV:[/b]
WAAAHHH!!
Anong gagawin ko?! Siguradong pag labas na paglabas ko, tatanungin niya ako!
What should I say?! Anong gagawin ko?!
Pero the real question is..
'What do I feel about him'?
Yun ang di ko masagot.. Kung di ko siya gusto, pwede ko namang sabihin agad di ba?
Pero iba 'to e. Iba.. I don't know kung ano 'tong nararamdaman ko.
It seemed like I'm blushing na lang lagi everytime I see him smile at me and whatsoever.
And that what's make me damn scared.
Paano kung may feelings na rin ako sakanya? Nakakahiya.. Tinanggap ako ni Mommy Kate dito bilang anak at di bilang disappointment..
Magagalit lang siya sakin..At ayokong mangyari yun.
[b]I've decided. I'll give him an answer.[/b]