2010-04-21 02:38:52

gossipgirl03
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1030
0
1969-12-31

Re: [quote]This is my newest story. I had received a lot of plots from different readers, at eto ang may pinakamaraming votes sa blog ko. I hope you'll still support this. :D[/quote] [img]http://i41.tinyp

[b]♥ 5.2 ♥[/b] Paika ika kaming naglalakad ni Kent. Nakailang bagsak at ipit ata kami ng paa. Ayoko na atang sumali, kaso ewan ko dun sa history teacher namin, gusto talaga kami kasama. “A-Ahhh… Ang sakeeettt..” “I want to quit.” He muttered. “Nu ka ba, tingan mo ngang ayaw tayong paalisin ni Sir Mangcol.” Reklamo ko. Umupo na kaming dalawa sa upuan namin. Break time kasi namin nun e. Wala nang tao sa room, nagsikainan na ata. “Maga na yung paa ko. Amppp.” “Parang ako naman hindi.” I said habang hinihimas himas. “Tuloy pa tayo sa Sunday? Baka hindi ka na kasi makapaglakad ah.” I asked. He showed me a thumb’s up. “Akong bahala. I can handle it.” Umiling iling ako. -- KENT’s POV: Today is Sunday. Yung date – Ay mali, yung hangout day naming ni Cheska. Ayaw niya kasi ng date ang tawag, Dang arte. Hahaha. Ewan ko ba, pero trip ko talagang pagtripan yung si Cheska. Siguro nga palagi niya akong binabatukan, pero she’s a nice girl. Alam kong she tries her best to help me with Chiles, kaya nga natutuwa ako sakanya. Honestly speaking, I enjoy her company more than I do with Chiles. Well, she’s a friend, of course. “Good morning po.” I greeted her Mom. Tuwang tuwa nga e, pinaupo agad ako. Nagulat naman ako sa sala nila, nandun yung dalawang kuya niya. Umupo lang ako tapos ngumiti. “Manliligaw ka ba ni Cheska?” Yung parang mas matanda nagtanung. “Hindi po. Friends po kami—“ Nagsisigaw bigla sila. “Woo! Panalo ako!” Sigaw nung mas bata. Natawang nagulat ako. “Ano ka ba, dapat sinabi mo oo! Hayst.” Tapos nag abot siya ng pero dun sa isa pa. Natawa ako. Pustahan pala. “KUYA JERALD! KUYA KENNEDY!” Napalingon ako. Si Cheska pala, and nice, nakasuot siya ng pambabae. “Nakakahiya kayo!” She yelled. “Sus, ano ka ba Cheska, nagkakatuwaan lang kami e.” sagot nung kuya niya tapos tumayo at umalis. “P-Pasensya na… Sila yung mga kuya ko. Yung mas matanda si Kuya Jerald, yung isa si Kuya Kennedy.” Tumayo na ako tapos napatawa ulit. “Ayus lang. Ayus look mo ah, girlalu.” Binalak niyang batukan ako, pero nahawakan ko kagad yung wrists niya. “Wag muna, mamaya na.” CHESKA’S POV: Pumasok na kami sa mall. Woo. Lameeeg. Namiss ko dito. Nga pala, wondering what I’m wearing? Ayun, pagkapaalam ko sa ermats ko, naghanda agad ng damit. Nakahanda na ako, cargo pants and t-shirt lang, pero ang hinanda niya, blouse at skirt na may leggings. Matagal na raw niyang nabili bilang paghahanda sa pagkadalaga ko. Loka ang nanay ko ano? Hindi naman ‘to date pero date ang tawag nila. Err. “Kain muna bago laro at nuod sine?” “Pst oi. Konti lang ang pera ko, wag kang magplano ng marami.” I told him. “Tange, ako nagyaya, siyempre it’s my treat.” Then he showed me a pogi pose. “Sure ka?” “Mukha bang hindi?” He asked. “Oo e.” Sinimangutan niya ako. “O ayan, okay na?” “HAHA. Ngumiti ka na lang, di bagay sayo magkatoot.” “Anung toot?” “Wrinkles, duh? Tara na.” Then we proceeded to buying of tickets. Percy Jackson yung napili niyang film. Oo na lang ako, ayoko makipagtalo, siya naman nagbayad e. 1 hour bago pa mag start yung film, kaya nag Tom’s world muna kami, nga pala, wala kami sa Southmall. Bacoor na lang daw e. Bumili siya ng 40 tokens. “Grabe, mauubos kaya natin yan?” “Konti pa nga lang yan e.” Pumunta kami dun sa parang shootout, tapos naglaru siya. Naks, medyo magaling siya, pagkatapos niya, tumingin siya sakin. “Ano? Hindi ka maglalaro?” “Wag na, maelibs ka pa sakin.” He leered at me. “Elibs ka jan, o sige, hinahamon kitaaa!” “San?” “Shootout.” “Oo ba.” Nung naging bakante na yung dalawang shootout spot, pumunta na kami dun tapos sabay kami naglaro. Err. Medyo pumapalpak ako. Hindi kasi ako sanay sa damit ko e. Kaasar! At ayun nga, natalo ako. “Amp naman kasi tong suot ko!” I complained. “Wag mong sisihin yan, hindi ka lang talaga magaling.” Tapos humalakhak siya. Pfft. Pumasok kami dun sa parang videoke room na maliit, siya yung unang kumanta, dangkapal kasi ng mukha e. Pero may boses siya, tipong Dashboard Confessionals ba yung dating na medyo Incubus. Pagkatapos nun ako pinakanta niya, loko nga, siya yung pumili nung kanta, buti alam ko. Tingin ko maayus naman yung pagkakanta ko, kaso napasulyap ako sakanya nung banding chorus, and I don’t know, I suddenly trembled tapos napaubo. “AHAHA!” He laughed. “Anung nakakatawa?” Pfft. Tinuloy ko yung kanta ko. Grr. Bakit ba ako kinabahan sa tingin niya? Pagkatapos nun andami pa naming laro. Ang galling niiya dun sa iba kaya marami kaming naipong tickets, tapos after ilang minutes, nakaredeem kami ng parang bracelet ba.Tig-isa kami. Mahal nga e. Ammppp. “Diretso na tayo. Tara.” He suddenly held my hand. Namula ako. “Wait, first time mo makipag HH?” He asked me. Tumango ako. “Ano ka ba, tibo ka talaga. Wag kang kikiligin ah, friendly to.” “Loko ka pala e. Bakit ako kikiligin? Tsssssss.” Tapos ayun, pumunta na kami sa may sinehan, hawak niya pa rin yung kamay ko. Err. Ano ba kasi ‘tong lalaking ‘to. Andali para sakanya, Dun kami bumili ng chichirya at popcorn, tapos drinks na rin. Sa may taas kami umupo para hindi masakit sa mata. And finally, he let go of my hand. Dang. Nagsimula na yung film, at hindi ako makatutok kasi napapatingin ako sakanya. Wtf is wrong with me?! -- Sa McDo kami kumain. Dun ko kasi gusto. Coke float and bigmac sakin, ganun din sakanya. Gaya gaya. “Medyo pambata yung movie nuh.” He commented. Aba malay ko, hindi ko nga naitindihan kasi naguguluhan din ako sa sarili ko. Kaaasar. “A-Ah… Oo nga e.. Hehe.” Yun lang nasabi ko. “Huy, okay ka lang parang ang weird ng mukha mo.” He said, loko ‘to ah. “Oo, okay lang ako. Wag mo ‘kong pansinin.” “Ihahatid kita sainyo ah.” He said. Tumango ako. “Ge lang, bahala ka.” I answered. Grr. Naman. -- Hanggang makarating kami sa bahay, hindi na ako nagsalita. Nagwiwirdohan ako sa sarili ko. Anu naman kung nahawakan niya yung kamay ko? Ganun ba talaga pag first time, danglakas ng impact? “Hey, Cheska, ayus ka lang?” He aked me. “Oo, okay lang ako. Sige, umuwi ka na.” I told him. He grinned at me. “Okay sige. Bye. Next time ulit.” Then he walked away paalis. Napatitig lang ako habang naglalakad siya paalis. Tapos lumingon siya at kumaway, kumaway na rin ako. I gave a sigh. Masama ‘to. Feeling ko may mali talaga. -- “Marj! Ano sa tingin mo ‘to?” I asked her habang nasa kwarto kami. Oo, pinapunta ko siya, kapitbahay lang naman e. She grinned. “Tae Marj, wag mo akong ngitian!” I yelled and I covered my face with my hands. “Ahaha! Ikaw kasi Ches, nagkakacrush ka na ata.” Humilata ako sa kama. “Wew. Hindi pwede yooon. You know how I see guysss!” “Oo nga, malay mo, you see Kent really different from others.” “Ewan, basta ayoko netttoooo. Iiwasan ko na lang muna siya.” “Paano kung makahalata?” “Okay lang yun. Sus.” I replied. “Basta, pagkatapos na pagkatapos ng sayaw naming tinikling, iiwas na ako.” Hinampas niya ako ng unan. “Bakit ka tatakbo?Wag ka ngang ganyan. This is a once in a lifetime experience. To fall in love. Wee.” Umiling ako. “Ayoko nga… Basta ayoko.” “Bakit naman ayaw mo kay Kent?” Napakagat labi ako. “Hay, o sige, uuwi na ako. Gabi na e. Text text na lang.” Tumango ako. “Sige, ingat ka.” She waved goodbye and left me. “…Kasi siguradong masasaktan ako..” I whispered through midair. -- Nasa SC room ako nun, nag tatype ako nung invitation para dun sa Linggo ng Wika. Andun din si PJ, and it seemed like he was already done with what he was doing. “You were with Kent yesterday?” He asked me. Napatango lang ako. “Oo, nag hangout lang.” “Kayo lang?” Tumango lang ulit ako at nagtype pa. “Isnt’ it a date?” “Hindi nuh. Wala lang yun.” Napatingin ako sakanya. “E di pwede rin kitang yayain?” He asked me. Napalinga linga ako, bakit ganito naman, parang nahihiya ako. “I don’t know, kasi baka hindi na ako payagan… Kakaalis ko lang kasi kahapon e…” “Then tell me when you’re free.” Ngumiti lang ulit ako. “Kamusta naman yung sayaw niyo ni Chiles? Ang galling niyo kasi e.” “Honestly, I’d prefer if it was you.” Ngumiti ulit ako. Dammit. Speechless. He stood up from his seat and he walked towards me. “Alam ko, I’m already been seen through, pero gusto kong marinig mong talaga mula sa bibig ko.” I gulped. “P-PJ…” Then the door opened. “HEYY THEREEE!” Chiles. Napatayo ako tapos napalad ako papunta sakanya. “Ikaw pala Chiles…” I muttered. Good. Lumingon ako kay PJ. “Punta lang akong ladies’ room. Ge.” Then I walked out. I heard PJ call me back, pero ayoko. Ano ba ‘to. I don’t want this feeling. Pakiramdam ko, PJ will confess to me, and I… I absolutely will reject him. Dumiretso na ako sa CR, at paglabas ko, nakasalubong ko naman si Kent. What a small school namang talaga o. “Chessskkkaaaaa!” He yelled on my face. I made a smiple grin and I passed by him. Ayoko na muna. Naguguluhan ako. “Ches?” He muttered na parang natataka. Pero naglakad ako palayo. Wala siyang ginawang mali, I know that. But I’m scared that I may not be able to keep up with this feeling I’m having. [i][b]I can’t fall for him.[/b][/i]

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 10:50

[ 12 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy